Chapter 10

95 1 1
                                    

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng pagkaginaw, kukuha sana ako ng kumot pero parang may iba sa paligid ko. Ang sikip, bakit ba ako sinisiksik sa higaan? Samantalang maluwag naman ang kama namin. Napansin ko din na may mabigat na binti na naka tanday sa akin at braso na nakapatong sa bewang ko. Kahit nahihilo pa ako ay pilit kong dinilat ang mga mata ko. Nasa ibang lugar nga ako, at wala ako sa kama namin, kundi nasa sofa ng isang bahay na hindi ko alam kung saan at kung kanino.

Kahit medyo madilim ang paligid ay nakilala ko ang lalaking nakatanday sa akin, at nanlaki ang mga mata ko. Si Calvin Felix. Ang apo ng pastor namin. Hindi ko matandaan kung paano ako napunta sa sitwasyon na to pero ang alam ko ay naglasing ako kagabi kaya ako nahihilo ngayon. At kung ano man ang kagagahang nagawa ko ay ayaw ko na munang isipin for now. Ano pa ba ang magagawa ko? Ang mahalaga ay makaalis ako sa sitwasyon na to.

Napatingin ako sa glow in the dark na wall clock, mag 1AM na pala ng madaling araw, kailangan ko ng umuwi. Pero hindi ako makakilos ng maayos dahil sa sikip ng pwesto namin. Ayaw ko din sana syang magising. Pero paano ko gagawin yun, nakasiksik sya sakin dito sa sofa at mukhang sa isang maliit na kilos ko lang ay magigising na ito.

Balak kong dahan-dahanin ang pag alis ng kamay nya sa bewang ko, ngunit pag baba ng paningin ko ay saka ko lang narealize na parehas pala kaming walang saplot. At dahil don at napabalikwas ako ng bangon sabay upo na naging dahilan ng pagbagsak nya sa sofa. Hindi ko makita ang damit ko or kahit man lang kumot kaya kinuha ko nalang ang unan at upang ipang takip sa katawan ko. 

"Ouch" nabiglang pagkasabi nya. Sabay upo sa tabi ko. Medyo madilim sa paligid, pero sapat lang upang makita ko ang mukha nya at ang hubad nyang katawan. 

"Bakit nagising ka agad? Masakit ba ulo mo? Gutom ka? Nauuhaw ka?" pag aalala nya.

"Pwede ba, magbihis ka muna?" naiilang na sagot ko.

"Ay sorry, kala ko after ng nangyari satin, wala nang ilangan"  sagot nya.

"What??? Anong nangyari? Excuse me noh, walang nangyari satin?" sabi ko sa kanya kahit alam ko sa sarili ko na hindi ako sigurado sa mga sinasabi ko. 

"Ay wow, Andrea! You're not a teenager para mag maang-maangan na walang nangyari satin. Ano yun, trip lang natin matulog ng tabi at nakahubad?" sarkastikong sagot nya na medyo nag taas pa ang boses nya. Sabay tayo nya at nagsuot ng shorts. Napahiya ako sa sinabi nya, hindi ko din alam kung ano ba ang tamang isagot ko and what the heck, bakit ako pinagtataasan ng boses nito?

"How dare you? Kung makipag usap ka sakin parang magkasing edad lang tayo ah!" Tinaasan ko na din ang boses ko, na feeling ko ay natigilan sya sabay labas.

Tingnan mo tong bastos na to, nagsasalista ako sabay tatalikuran ako. 

Maya-maya lang ay pumasok ulit sya, napansin ko na dala nya ang nighties na suot ko kagabi. Ayon, naalala ko na... sa pool palang kagabi ay hinubaran na nya ako. Pero hanggang doon lang ang naaalala ko as of now.

Marahan nyang iniabot sa akin ang nighties ko, pero hinablot ko iyon sa kanya. Tahimik lang syang umupo sa tabi ko. Matapos ko isuot ang nighties ko ay tahimik lang akong sumandal sa pagkakaupo sa sofa. Malalim na buntong hininga nya ang pumutol sa katahimikan, at hinawakan nya ang isa kong kamay.

"Sorry, I didn't mean na pagtaasan ka ng boses, It's just that... I was hurt." mahinang sabi nya habang nakaharap sa akin at hawak nang dalawa nyang kamay ang isa kong kamay na tila ayaw na nyang pakawalan. Nanatili lang akong nakasandal at nakatingin sa malayo.

"Last night, was the most beautiful thing that ever happened to me. That was so surreal. That was amazing! I can't explain! I've been dreaming of this to happen since I was young... at first a thought childhood crush lang kita. Na mawawala din yun kapag di na kita makikita... pero hindi eh. Di ka nawala sa isip ko hanggang ngayong nineteen years old na ako. Andrea, I know this is true love!" mahaba nyang paliwanag.

Nagulat ako sa sinabi nya at bigla kong nahila ang kamay ko mula sa pagkakahawak nya.

"Seriously? You're only nineteen years old? For God's sake, sixteen years ang tanda ko sayo.  Pedophile pa ang kalalabasan ko nito eh." pasigaw na sabi ko sa kanya na kinagulat nya.

"Hey, calm down! A pedophile is someone who's sexually attracted to children. Don't you get it? I'm not a child anymore. I'm already nineteen." pagpapaliwanag nya.

"Talaga ba? lelecturan mo pa ako ng mga ganyan-ganyan mo!" iritang sagot ko.

"Next month, magbibirthday na ako. Twenty na ako. Mas lalong hindi na ako bata non diba?"

"Ayyy, ipipilit mo talaga?" malakas kong sagot.

Maya-maya pa ay nag ring ang phone ko. Kinuha ko iyon, sa center table sa harap ng sofa. Si Xandra ang tumatawag.

"Hello?" kaswal kong sagot.

"Mom, pauwi palang kami. Si daddy lasing na eh, mag book nalang kami ng grab." mukhang antok na na sabi ni Xandra.

"Okay sige Xandra, mabuti pang mag grab nalang kayo. Okay, ingat kayo... bye!" binaba ko agad ang call dahil sa taranta.

"Kailangan ko na umuwi, pauwi na ang mga anak ko at ang asawa ko. Ayaw ko na maabutan nila ako ng wala sa bahay. Okay? Naiintindihan mo ba? May asawa na ako at mga anak! Kaya itigil na natin tong kalokohan na to" madiin kong sabi sa kanya.

"Alam ko, wag mo na pagdiinan. May feelings din naman ako!" mahinang sagot nya. Natahimik nalang ako, ayaw ko na din makipagtalo. 

Tumayo na sya at nagsuot ng tshirt. 

"Oh, kala ko uuwi ka na? Bakit ayaw mo pa tumayo dyan?" nagtatakang tanong nya sa akin.

"Asan yung panty ko?" nahihiya kong tanong. Nilibot libot ko na kasi ang paningin ko pero di ko makita. 

Binuksan nya yung ilaw pero hindi din iyon masyadong maliwanag, tamang ilaw lang sa isang cafe na dim light lang. Ilang minuto din syang naghanap.

"Hindi ko makita eh. Sa sobrang excited mo, hinagis mo kasi" natatawa nyang sabi. Bigla akong namula sya sinabi nyang yon.

Tumayo ako bigla sabay lakad palabas.... "Tara na, wag mo na hanapin... kailangan ko na talagang umuwi."

Sumunod naman syang lumabas sakin sabay deretso sa sasakyan nya upang pag buksan ako. Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan sa buong byahe, napapansin ko ang maya-mayang pag lingon nya sa akin pero nanatiling diretso ang tingin ko. Kahit di ko sya nakikita, nararamdaman ko sa presensya nya ang lungkot. Wala naman akong paki, alangan namang i-comfort ko pa sya. 

Sa tingin ko mga 40 minutes lang ang byahe namin hanggang dito sa amin. Nakahinga ako ng malalim ng mapansin ko na wala pang tao sa bahay. Tahimik lang syang inihinto ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Sa unang pagkakataon, tiningnan ko sya at sinabing... "Thank you... and I'm sorry!" Tumingin sya sa akin na may lungkot sa mga mata pero nanatili syang tahimik. Ayaw ko na mag hintay ng sasabihin nya, kaya bumaba nalang ako bigla. Nang makita nyang nakapasok na ako ng gate ay saka nya pinaharurot ang sasakyan paalis. 

Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon