Chapter 12

60 1 0
                                    

Andrea's POV

Saktong kakatapos ko lang mag half bath at kasalukuyang nagbibihis na ng panibagong nighties, nang marinig ko ang pag bukas ng gate. Nagmadali akong nahiga sa kama, nag kumot at nag kunwaring tulog. Dumeretso naman sa pagpasok sa kwarto si Khalil, at kahit hindi ko sya nakikita dahil nakatalikod ako sa pagkakahiga ay ramdam ko ang pasuray suray nyang paglalakad sa kalasingan. 

Pabagsak pa syang humiga sa kama at maya-maya ay itinanday nya sa akin ang kanyang binti na kinaiinisan ko laging gawain nya. Wala naman akong magawa dahil nag ku-kunnwari nga akong tulog. Lasing pa naman sya, ayaw kong magtalo na naman kami. Kung mainitin ang ulo nya, much more pa kapag lasing sya. Hay naku! Ayaw ko nalang mag talk.

Maya-maya lang ay narinig ko na syang naghihilik kaya dahan-dahan kong tinanggal ang binti nya mula sa pagkaka dantay sa akin. Bumangon ako para kunin ang phone ko na chinarge ko pala, at para i-delete ang message ko kay Calvin kagabi. Mahirap na baka may makialam ng phone ko. Pagkatapos non ay bumalik na ako sa pagkakatulog.

Nagising ako mula sa pagkakayakap sa akin. Inikot ko muna ang tingin ko sa paligid dahil baka mamaya ay nasa ibang lugar na naman ako... hindi naman pala. Nandito lang ako sa kwarto namin at si Khalil ang yumakap sakin, di ko alam kung bakit nakaramdam ako ng dissapointment. Bahagya ko syang tinabig, pero lalo lang nyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Naramdaman ko din ang paghalik nya sa batok ko, dahil nakatagilid akong nakahiga patalikod sa kanya. Ganito kasi lagi ang pwesto ko sa pagtulog. Alam ko na ibig sabihin ng mga halik na yan. 

"Inaantok pa ako" mahina kong sabi. 

Hindi nya yun pinakinggan, bagkos ay pinilit pa nya akong iniharap sa kanya at saka hinalikan sa leeg. Hindi naman talaga ako nagsisinungaling, inaantok pa talaga ako dahil sa inumaga na ako ng tulog at dala na din ng pagod ng katawan, hindi ko naman alam kung bakit. Ano ba pinag gagagawa ko kagabi at sumakit ng ganito ang katawan ko. Patuloy parin si Khalil sa paghalik sa akin na ngayon ay gumagapang na pababa sa dibdib ko, kaya hinila ko ang kumot ko at nagtalukbong nalang ako. Hindi parin sya nagpatinag, bigla nyang hinila ang kumot ko pababa at marahas akong hinalikan sa dibdib.

"Ano ba, inaantok pa nga ako!" sigaw ko sa kanya at itinulak sya palayo sa akin.

"Napaka arte mo ah! Ako na nga nakikipag bati sayo eh!" sigaw din nya.

"Ganyan ba dapat makipag bati, huh? Mang iistorbo ng tulog at mang-mamanyak?" sigaw ko din sa kanya.

"Anong mang-mamanyak pinagsasabi mo dyan? Asawa mo ako, tanga! Kahit kelan talaga yang bunganga mo, asal kalye ka talaga!" malakas nyang sabi. 

Natauhan naman ako sa sinabi nya, tama nga naman sya... asawa nya pala ako. Pero, wala na ba akong karapatang tumanggi? 

"Eh bakit ba, hindi mo maintindihan na inaantok pa nga ako?" sagot ko nalang at nangilid na ang mga luha ko. Hindi ko alam kung naguilty ba ako sa sinabi ko sa kanya or naaawa lang ako sa sarili ko. Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko. Nang nakita nyang umiiyak na ako ay biglang hinagis sa akin ang kumot ko. 

"Dyan ka na nga, nakakawalang gana ka. Badtrip!" sabi nya at padabog na tumayo sa kama. 

"Yaya Dang, anong almusal?" sigaw nya pagkalabas ng kwarto at sinarado ng malakas ang pinto.

Lalo lang akong napaiyak sa nangyari. Di ko alam sasabihin ko, lagi naman kasing ganito ang nangyayari sa amin. Nahiga nalang ulit ako kahit nawala na yung antok ko dahil sa nangyari kanina. Pero pinilit kong bumalik sa pag tulog, at gigising nalang ako kapag pumasok na sya sa opisina. 

After ilang days ay naging okay naman na ulit kami, lagi man kaming nag aaway pero nagkakaayos din naman kami kapag hindi na mainit ang ulo nya. Dati nga, hindi kami natutulog ng magkagalit... hanggang sa kinabukasn na kami magkakabati... at ngayon, inaabot na ng mga 2-3 days na hindi kami nag papansinan. Mabuti nalang naka pag close deal sya ng malaking project nong isang araw kaya maganda ang mood nya. Nag uwi pa nga sya ng paborito kong pizza nong isang araw at ngayon naman ay nag bigay ng sobra-sobrang pera para sa pang grocery. 

Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon