"Andrea gumising ka na, 9AM na, nagpuyat ka na naman ba kagabi at tanghali na hindi ka pa gumigising" malakas na yugyog sakin ni Khalil.
"Ano ba? manggigising ka lang parang halos ihulog mo na ako sa kama" angil ko sa kanya. Kahit kelan talaga to napaka insensitive.
"Nakakainis kasi na mas nauuna pa ako magising sayo. Yung mga bata nakapasok na sa school ng hindi mo man lang alam." dakdak nya. Ganyan talaga sya tuwing umaga, puro reklamo nalang ang naririnig ko.
"My goodness naman Khalil. Malalaki na sila, at naihanda ko na yung mga lulutuin ni Yaya Dang for breakfast nyo. Pwede ba, may tinapos akong trabaho kagabi kaya late na ako nakatulog" paliwanag ko.
"Sino ba kasing nagsabi na mag trabaho ka? Hindi pa ba sapat lahat ng binibigay ko? Swerteng-swerte ka na nga eh, makukuha mo lahat ng gusto mo. Ako lang talaga malas sayo eh" dagdag pa nya. Tumahimik nalang ako, kahit lagi nyang sinasabi sakin yan, di parin ako sanay. Palagi parin ako naaapektuhan. Gusto nang tumulo ng luha ko pero pinigilan ko iyon, the last time na umiyak ako sinabihan nya akong paawa effect. Kaya sabi ko sa sarili ko, hinding hindi na ako iiyak sa harapan nya.
"Tumayo ka na dyan at mag ready ka na, tumawag si Mrs. Felix at pupunta daw sila ni Calvin para magpaturo magluto." sabi nya habang inaayos ang neck tie nya.
"Umayos ka ng suot mo ha, wag ka gumawa ng reason para matukso sayo ang mga lalake" masungit nyang sabi sabay labas ng kwarto.
Nanatili akong nakaupo sa kama, nang marinig ko na ang sasakyan nya na palabas ng gate ay saka lang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Gusto ko lang ilabas ang sakit na nararamdaman ko. Nawalan tuloy ako ng gana kumilos kaso may bisita pala ako. Hindi ko alam kung anong oras sila darating dahil hindi ko naitanong, kaya kailangan ko maging prepared para kahit anong oras sila dumating ay naka ready na ako. Hindi naman ako naka feel ng excitement, natatak na kasi sa utak ko na yung kakaibang kilos ni Calvin ay dahil may hinihingi lang na pabor. Ganon na ba ang mga kabataan ngayon? Kakaiba ha.
Pagkatapos ko mag lunch ay naligo na ako, nagsuot ako ng denim short at maluwag na white tshirt para komportable ako habang nagluluto mamaya. Inayos ko na yung mga ingredients sa kitchen table ng malaman ko na naubusan pala ako ng rice cake kaya dali dali kong inutusan si Yaya Dang sa grocery.
Mga 2:30PM nang may mag doorbell, ayan na yata sila Mrs. Felix, may dala namang susi ng gate si Yaya Dang kaya hindi na yun mag do-doorbell pa. Mabilis akong lumabas at pinagbuksan ng gate ang bisita, si Mrs. Felix nga at si Calvin. Nakasuot sya ng black jogger pants at white tshirt. Halatang-halata ang laki ng kanyang dibdib at ang kanyang mga biceps. Hindi lang talaga sya gwapo, maganda din ang height at pangangatawan. Imposibleng wala pa itong girlfriend, biglang pumasok sa isip ko. Nagwapuhan man ako sa kanya ngayon, wala naman akong kakaibang naramdaman, lalo na sa kadahilanang badtrip pa ako at masama ang loob ko kaninang umaga pa dahil kay Khalil. Hindi ko din naman napansin na may kakaibang tingin at kilos para sa akin si Calvin ngayon. Casual lang kami sa isa't-isa.
Nang makapasok ang dalawa ay pinaupo ko sila sa sofa sa sala at binuksan ang TV. Nilagay ko nalang sa isang variety show para maaliw sila.
"Mrs. Felix, wait lang po ha, inutusan ko pa kasi ang yaya namin na bumili ng ingredients para sa tteokbokki pero padating na din yun siguro" paliwang ko.
"Okay lang Andrea, nakakaaliw naman itong pinanood mo sakin, hindi ako maiinip" wika nya habang nakatutok sa panonood.
Napansin ko na tahimik lang si Calvin na nakasandal sa pagkakaupo, nang mabaling ang tingin ko sa kanya ay grabe ang titig nya sa dibdib ko. Ngayon ko lang napansin na wala pala akong suot na bra sa loob. Nanlaki ang mga mata ko at bigla akong lumayo para pumasok sa kwarto at nagsuot ng bra. Ughh... ano ba naman to, nakakahiya. Nahalata ni Calvin na wala akong suot panloob, kaya pala kanina pa sya tahimik, yun pala ay nagpi-pyesta na ang mga mata sa dibdib ko. Tama nga si Khalil, hindi kasi ako umayos eh... parang nanukso pa tuloy ako ngayon.
Hindi kasi ako sanay ng may bisita at kadalasan talaga ay wala akong suot na bra kapag nasa bahay lang.
Muli akong lumabas sa sala.
"Mrs. Felix, ano po gusto nyong inumin? Fruit juice or fruit shake? May mango po ako, avocado at strawberry." malambing kong tanong nang umupo ako sa tabi nya.
"Mango juice nalang para hindi ka na matagalan mag shake" nakangiting sabi nya na hinaplos pa ang kamay ko.
"Mango juice nalang din para kay Calvin" sabi nya dahil walang imik naman ang apo nya habang nag ce-cellphone.
Tumayo ako at nagtungo na sa kitchen, habang hinuhugasan ko ang juicer ay may biglang humalik sa pisngi ko na kinagulat ko. Bumalikwas ako paharap ng makita ko si Calvin na nakatayo at nakangiti sakin.
"What was that for?" casual kong tanong sa kanya. Ayaw ko magpakita ng emosyon, lalo na't feeling ko ay natukso lang sya kanina.
"C'mon, I'm not that cute little boy anymore" sagot nya sakin na parang wala lang nangyari.
"Don't you get it? I like you." malungkot nyang sabi. Para kasing disappointed sya.
Natawa nalang ako sa narinig ko, tumalikod ako sa kanya at pinagpatuloy ang paghuhugas ng juicer. "Nakakita ka lang ng bakat na boobs kanina, nag I like you ka na agad" casual kong sabi para naman maramdaman nya na wala lang sa akin yung nangyari. Para naman mabawasan din yung pagkapahiya ko.
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang mga kamay nya sa braso ko at hinarap nya ako sa kanya. Hinawakan nya ang mukha ko at dahan-dahang hinalikan ako sa mga labi, lumaki ang mga mata ko sa pagkagulat at ngunit unti-unti din akong napa pikit. Hindi ko ginagantihan ang mga halik nya pero mapusok iyon, wala akong nagawa kundi sumunod nalang sa agos ng pangyayari. Habang tumatagal ay nagpatianod na ako sa init ng kanyang mga halik. Napansin ko na bumababa na din ang kanyang mga labi sa aking leeg, nagpaubaya na ako dahil hindi ko na kayang makawala sa sitwasyon na to. Habang nararamdaman ko ang mapusok nyang halik, nararamdaman ko naman ang malakas na tibok ng aking dibdib at ang biglang pag tawa ni Mrs. Felix na nagmula sa sala. Bigla kong naalala na may iba nga palang tao maliban saming dalawa kaya tinulak ko sya palayo sakin.
"What's wrong?" takang tanong nya.
"Baka pumasok dito ang lola mo" pagdadahilan ko. Narealize din naman nya na tama ako, nakalimutan din nya siguro na may kasama sya, masyado syang nadala ng kanyang emosyon.
Muli syang ulit lumapit sakin at iniangat ang mukha ko para iharap sa kanya. "I love you!" malumanay na sabi nya.
Umiwas nalang ako at naghiwa ng mangga para gawing juice.
"Nakahalik ka lang, nag I love you ka na agad" sagot ko sa kanya.
Hindi na sya nakasagot pa ng marinig nya ang pag tawag na papalapit na si Mrs. Felix.

BINABASA MO ANG
Sinfully Sweet Affair
RomanceAndrea Martinez is a 35 year old woman who live with her long time partner Engr. Khalil Martinez. Dahil sa angking ganda at charming personality ni Andrea ay halos walang makapaniwala na may dalawa na syang teenager na mga anak kaya hindi rin maiwas...