Chapter 1

128 2 3
                                    

"Andrea ano ba? 9am na, matagal ka pa ba dyan?" sigaw ni Khalil sakin habang naghahanap pa ako ng mga isusuot ko sa walk in closet ko. 

"Wait nga lang, alam mo naman nagluto pa ako ng dadalhin natin sa church eh" reklamo ko. 

"Eh bakit kasi hindi ka nagpatulong sa mga anak mo, malalaki na ang mga yan" sagot naman nya. Hindi ko nalang pinansin at maiinis lang ako lalo. Teenager na mga anak ko pero when it comes sa food preparation gusto ko ako lang talaga. Alam naman nya yun, at paulit ulit kong sinasabi sa kanya, ewan ko ba kung bakit pag dating sa akin parang wala syang kaalam alam.

At last, nakakita na ako ng isusuot ko. Isang white bodycon dress na hanggang tuhod, matagal na sakin to, 10 years ago pa, sinisave ko talaga ang mga dresses ko na hanggang tuhod ang haba for church, syempre hindi pwede ang maiksi doon though i love sexy dresses. 

Sinukat ko ang white dress na hawak ko at tiningnan ko ang sarili ko sa salaman. Napangiti naman ako, after 10 years kasyang kasya parin sakin, hindi nagbago ang hubog ng katawan ko, well sabi nga ng mga kapitbahay ko dito nong dumating kami nong nakaraang araw ay tila wala nagbago sakin, mas lalo pa nga daw ako gumanda. Sa pagkilatis ko ngayon sa salamin, mukhang tama nga sila. 

Nagsuot ako ng nude high-heel shoes at saka ako nagtungo sa kusina upang kunin ang niluto kong tteokbokki. Sa panahon ngayon, masyado na naadik ang mga pinoy sa Kdrama, Kpop, Korean culture and pati Korean foods, kaya I'm sure magugustuhan ito ng mga kabataan sa church. Like 10 years ago, gusto ko kakaibang food ang mga dinadala ko sa Sunday Lunch Get-together. Para naman isipin naman nila na hindi lang ganda ang ambag ko no, pati na din masarap na pagkain, natatawa nalang ako habang iniisip ko yun.

Pag pasok ko ng sasakyan ay nakita ko na masama ang tingin sakin ni Khalil. "Ano ba yang suot mo? Masyadong fit, pagtitinginan ka na naman ng mga babae don at nong asawa ni  Samantha"  inis na sabi nya.

"Pakialam ko sa kanila. Inggit lang sila. Palibhasa hindi sila sexy" pang aasar ko na sabi. Lagi lang naman kami nagbabangayan nito, sanay na ako at mga anak namin. Kabisado naman na ni Xandra at Xander na mas nagger pa yung daddy nila kesa sakin. I'm a cool mom, like what they've said. 

"Mag palit ka nga don" inis na sabi ni Khalil. 

"Pwede ba, umalis na tayo at mali-late na tayo. Kung ayaw mo ng suot ko hindi nalang ako sasama, and besides ito na ang pinaka mahaba ko na damit, okay?" sagot ko sa kanya.

"Okay na yan, daddy. Ang sexy nga ni mommy oh, pero hindi naman revealing" singit ni Xandra.

"Oh diba?" sang ayon ko naman habang natatawa. Umiling iling nalang si Khalil habang pinapaandar ang sasakyan.

After 30 minutes ay nakarating na din kami sa church, after 10 years ay malaki na din ang na improve nito.  Umabot na din ng 4th floor ang dating 2nd floor lang. Pag pasok namin ay naka centralized aircon na din. Infairness, ang laki ng na improve ha. Napansin ko na iba na din ang mga itsura ng mga nagsisimba, kunsabagay 10 years na ang nakalipas, mga tumanda na din ang itsura nila. Wala na yung mga dating bata na nakakasama ko sa kid's room, hindi ko na alam mga itsura nila ngayong I'm sure ay mga binata't dalaga na. 

Napansin ko din na nag tinginan samin ang lahat sa pagpasok namin, pero dahil nag start na yung worship ay hindi naman na sila lumapit, baka mamaya pa ang walang humpay na kamustuhan pagkatapos ng worship service namin. 

"Happy Sunday everyone, tapos na ang worship natin. Tayo ngayon ay mag tipon para sa ating pananghalian. Mga kababaihan, pwede nyo nang ayusin ang mga dala dala nyong pagkain habang inaayos ng mga kalalakihan ang ating mesa" Pahayag ni Pastor Felix. 

Dahil wala na naman akong gana as usual, dahan-dahan nalang akong tumayo. Pero ang magaling na si Khalil ay ayon, pinalilibutan na ng mga members of church. Ano na naman kayang kayabangan ang iku-kwento nya. Oh well, may ipagyayabang naman... tatlong mall ba naman sa Cebu ang naging projects nya, dalawang municipality city hall at isang national park. Kaya naman inabot kami ng 10 years doon ng walang uwian. 

May pailan-ilan lang na bumabati ng tingin sakin, may ilang kababaihan na nagsasabing 'Uy, ang sexy mo parin' 'Uy, wala kang pinagbago, mukhang 20s ka parin' sumasagot lang ako ng ngiti sa kanila kasi naiilang ako, di ko alam kung pinaplastic lang ako ng mga ito. 

"Andrea, kamusta ka na? Miss na miss na kita" malumanay na sabi sakin ni Mrs. Felix sabay yakap sakin. Sinuklian ko din sya ng mahigpit na yakap. Nangilid ang mga luha ko sa pagyakap nya, mabuti nalang at napigilan ko ang pag tulo niyon. Napaka sincere and kind hearted talaga nya at dahil ulila na ako talaga namang nakaramdam ako ng motherly hug. 

"Na-miss ko din po kayo Mrs. Felix, sa katunayan nga po ay may pasalubong ako sa inyo" ngiting sabi ko. Inabot ko sa kanya ang isang native bag na gawa sa Cebu, meron itong magandang design at modern touch.

"Wow, napaka ganda naman nito iha, siguradong gagamitin ko ito linggo linggo sa pag sisimba." namangha nyang sabi sakin habang tinitingnan ang bag.

"I'm glad na nagustuhan nyo po" masaya kong sagot. 

"Lola, kain ka na daw po sabi ni Mommy." Lapit sa kanya ng isang matangkad na lalaki, may malaking pangangatawan ito, maputi at may pagka chinito. Sa tingin ko ay nasa 20+ na sya. Isa na pala sya sa mga apo ni Mrs. Felix na kadalasang nakikita ko dati sa children's room.

"Ah sige Andrea, kakain na muna ako at iinom kasi ako ng gamot. Kumain ka na din ha" sabi ni Mrs. Felix habang inaalalayan ng kanyang apo.

"Excuse me!" paumanhin sakin ng lalaki sabay ngiti. Napakagandang ngiti naman non at talaga namang napaka gwapo at amo ng kanyang mukha. Sinuklian ko nalang din sya ng ngiti. 

Napansin ko na abala na ang lahat sa kwentuhan at sa kainan, sila Xandra at Xander at kasama ang mga dati nilang playmates na ngayon ay mga teenager na din na tulad nila. Si Khalil naman ay nakikipag kwentuhan sa dalawa nyang kapatid na lalake at ilang kalalakihan. 

Kumuha nalang ako ng pagkain sa mesa, ng napansin ko na wala naman na akong mauupuan ay nagtungo ako sa children's room. May ilang bata din na naroroon, mga ibang mukha na. Mga bagong anak ng mga members of church malamang. Yung iba ay kumakain na ng sarili nila kahit makalat, at may dalawang sinusubuan ng kanilang yaya.

Umupo nalang ako sa gilid at kumain ng tahimik habang nag che-check ng phone ko.

"Ito ang pinaka masarap na tteokbokki na natikman ko. Ang authentic ng lasa" sabi ng lalake sa likuran ko habang sumusubo ng tteokbokki na dala ko. Umupo sya sa tabi ko habang patuloy sa pagkain. Sya yung lalaking apo ni Mrs. Felix, pero hindi ko alam pangalan nya. Hindi ko din matandaan kung sino sya sa mga batang nakakasama ko noon dito sa children's room.

"Thank you. Mahilig ka pala sa tteokbokki" nakangiting sabi ko sa kanya.

"Hindi, mahilig lang ako sa luto mo. Lalo na yung small pizza with cheese." walang alinlangan nyang sagot pero nakatingin sya sa kinakain nya. 

Na gets ko na. sya pala yung bata na lagi kong nakakausap tuwing andito ako sa childre's room.

"I see, so... ikaw pala yung batang cute na gustong gusto ng Italian Bruschetta ko. Na-miss mo yun no?" sabi ko sa kanyang nakangiti parin. 

"Yes, at na miss din kita." biglang sagot nya sakin habang naka tingin sa mga mata ko. 





Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon