Chapter 13

70 1 0
                                        

"Mamaya nalang, sa cr" bulong nya sa akin. 

"Nang aasar ka ba?" sabay irap ko sa kanya.

"I'm not! Bibigay ko lang sayo to kung kukunin mo sakin sa cr or sasamahan mo ako sa isang party" sagot nya ulit nang pabulong. Mabuti nalang at malakas ang sounds ng mic ng nagsesermon kaya hindi sya naririnig ng mga naka paligid samin. 

Di ko alam ko anong isasagot ko, gusto ko sana syang bulyawan kaso naalala ko na nasa church nga pala kami. Pasimple ko nalang syang tiningnan at inirapan ng matalim, para maramdaman nya na badtrip na badtrip ako sa mga pinag gagagawa nya. Idinikit ko nalang ang sarili ko ng husto sa pader para naman hindi na nya ako dikit-dikitan pa ng mga braso nya at tuhod. Itinuon ko ang sarili ko sa pakikinig ng sermon at di kalaunan ay nanahimik na din sya.

Nang matapos ang worship ay nagtatayuan na ang mga member ng church, ayan parin tumayo nitong katabi ko, nagkukunyari na may tinitingnan sa phone, tumayo na ako at itinulak ko ang upuan ko patalikod at saka ako nakalabas. Hmmm... kala nya ha. 

"Oh, Andrea, mamaya ka na pala umuwi... meron tayong ladies group meeting. Since, kakabalik nyo lang galing Cebu, ipapakilala kita sa mga members at para maging part ka na din ng group" nakangiting sabi ni Mrs. Felix na nakahawak sa aking kamay, at malamang hindi ako nakatanggi. Ngumiti lang ako at tumango sa kanya. 

"Calvin, iho... ihatid mo nga si Tita Andrea mo sa meeting room ng ladies group, don sa 3rd floor... hahanapin ko lang yung ibang member" mahinahon nyang utos sa apo nya. 

"Sure po lola" at mabilis syang tumayo sa kinauupuan nya. 

"Tara po, Tita Andrea, ihahatid na kita" nakangiting sabi nya sakin pero may pag diin sa salitang 'Tita'. Hindi ko sya pinansin.

"Okay lang po ako Mrs. Felix, alam ko na po yun kung saan." ngiting sagot ko. 

"Ah ganon ba, oh sige iho, alalayan mo nga ako sa labas, baka andyan pa yung ibang kababaihan" sabi ni Mrs. Felix na humawak sa braso ng apo.

"Okay po lola" dismayadong sagot ni Calvin na sinabayan pa ng pagkamot sa ulo. Lihim naman akong natawa.

Hindi ko napansin ang mga mag-aama ko, malamang nasa labas yun at nakikipag kwentuhan. Umakyat nalang ako sa meeting room dahil ayaw ko nang lumabas at ma-encounter pa ulit si Calvin. May mga iilang kababaihan na din ang nakaupo don, pag pasok ko ay ngumiti naman sila sa akin. Ngumiti lang din ako at akmang lalapit sana sa kanila ng mag vibrate ang phone ko. May call mula kay Xandra kaya umupo nalang ako sa bandang hulihan.

"Mommy, may meeting daw po pala kayo. Wait ka nalang namin sa car nila Daddy" sabi nya mula sa kabilang linya.

"Okay, Xandra... sandali lang naman siguro ito. Bye!" sagot ko.

Ilang sandali pa ay isa-isa na din nagdatingan ang ibang ladies na member ng church. Puno na ang mga upuan sa harapan ko at may isang tumabi sa akin na mukhang ngayon ko lang nakita. Huling pumasok si Mrs. Felix na inaalalayan ni Calvin. Hinatid pa ni Calvin ang kanyang lola hanggang sa harapan namin at tumayo sa may white board. Nang dumaan si Calvin sa harapan ko ay kunyari na hindi ko sya nakikita hanggang sa makalagpas na sya at lumabas ng pinto.

"Uy!" sabi ng katabi ko at marahan pa akong siniko, akala mo naman ay close na kami. Nang tiningnan ko sya ay biglang ngumiti sa akin. Feeling ko ay mga nasa edad 20+ palang sya. 

"Mukhang may crush sayo yung apo ni Mrs. Felix" dugtong nya na may panunukso sa tono ng pananalita nya. 

"Haha, hindi no! Ang bata-bata pa non eh" sagot ko nalang. Hindi naman kalakasan ang pagkasabi nya pero narinig pa ng isang babae na nasa harap namin na tantiya ko ay kasing edad ko din. Lakas ng radar sa tsismis ng isa na to.  

Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon