Chapter 15

38 2 5
                                    

"Uhm, Calvin... kain na tayo." sabi ko sa kanya habang nakayakap sya sakin.

"Ayy, sorry!" sabay bitaw nya mula sa pagkakayakap. "Na-carried away lang ako" ngiti nyang dagdag. Napaka genuine ng ngiti na yan, tila isang bata na nakatanggap ng bagong laruan.

Kung ano yung level ng gutom ko kanina, ay yun din  naman ang level ng pagka busog ko ngayon. Lalo pa nong naglabas si Mama Eva ng isang malaking servings ng banana split. Hindi ko na nga naubos kaya si Calvin na ang umubos ng tira ko gamit ang kutsara na ginamit ko din. Kung si Khalil kasi siguradong hihingi yun ng panibagong kutsara, kasi sabi nya hindi daw dapat nasi-share ng kutsara kahit mag asawa na dahil sa laway na mag ca-cause ng sakit. Duh, as if naman hindi nya ako hinahalikan. 

Matapos naming kumain ay kumuha ako ng cash sa bag ko at iniipit yun sa menu book sa mesa. Pinigilan naman ako ni Calvin. 

"Hey, it's my treat no. Ako na magbabayad!" sabi nya.

"Mama Eva!" tawag ni Calvin na agad namang lumapit ang tinawag nya at saka nya inabot ang kanyang card.

"Hay naku kang bata ka, para kang bago ng bago, alam mo namang hindi kita pinagbabayad dito eh" sabi ni Mama Eva.

"Mama Eva, okay lang kung ako lang mag isa, pero kung may ka-date ako, hayaan mo naman akong makapag pa-impress" seryoso nyang sabi. Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Calvin, hindi ito date, kaya hindi mo naman kailangan magpa impress. Kaya ako na magbabayad nitong kinain natin" sabi ko habang inaabot kay Mama Eva yung cash na hawak ko.

"Syempre, mas lalong hindi ko pag babayarin ang crush ng alaga ko no!" pagmamalaking sagot ni Mama Eva. 

Eh pano kaya ako mananalo sa dalawang to? Hindi pa naman ako sanay ng nagpapa libre.

"Kapag hindi nyo po kinuha yung bayad ko, hindi na ako babalik dito next time." naisip kong sabihin. Bigla naman nag unahan ang dalawa sa pagkuha ng cash ko. Natawa nalang ako sa kanila. Eh di ako din ang nanalo, sabi ko sa isip ko habang natatawa.

"So, let's go? It's already 6PM." aya ko kay Calvin.

Napabuntunghininga nalang sya. "Okay fine!" matipid nyang sagot.

Matapos naming makapag paalam kay Mama Eva ay pinabaunan pa nya ako ng take out na pizza. Pagkatapos nyon ay hinatid pa nya kami sa sasakyan.

"Andrea, iha... balik ulit kayo ni Calvin dito ha" sabi nya sakin habang papasok na ako sa kotse.

"Sure po Mama Eva, I'll be back soon!" sagot ko sa kanya sabay ngiti. Pagkatapos non ay umadar na kami.

Nag check ulit ako ng phone ko, pero wala paring mga message. Lalo lang akong nadismaya.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ni Calvin na bumasag sa katahimikan. 

Hindi pa ako sumagot, hindi ko kasi alam kung gusto ko na bang umuwi or gusto kong magpalipas ng gabi kasama si Calvin.

"Hey, are you alright?" tanong nya na may pag-aalala.

"I'm not! And I don't wanna go home yet!" madiin kong sagot.

Napansin ko na napangiti sya ng sinabi ko na ayaw ko pang umuwi. 

"Alam ko iniisip mo...wag mo na ako dadalhin sa private resort nyo ha!" mataray kong sabi sabay irap sa kanya.

"Hindi naman talaga, grabe ka naman... judgemental ha!" pabiro nyang sagot sakin.

Oo nga naman, bakit ko nga ba sya pinapangunahan eh mula pa kanina, sya yung kasama ko... dapat pa nga maging thankful ako. 

Huminto kami sa tapat ng baywalk. Nang bumaba sya ng sasakyan ay agad syang umikot para pag buksan ako. Bumaba ako agad, at ng may nakita akong maliit na stall ay lumapit ako don. Na enganyo ako sa amoy ng nilulutong squid balls, kikiam at kwek-kwek. 

"Kuya, 10 pcs ng kwek-kwek at 10 pcs ng squidballs." 

"Kala ko ba, busog ka na?" tanong ni Calvin na nasa likuran ko. 

Ngumiti lang ako, habang nilalagyan ng sweet and spicy sauce at vinegar ang bowl  ng order ko na inabot sakin ni manong. 

"Alam mo ba, sobrang paborito namin to ng best friend ko mula pa nong estudyante palang kami. Kaso, bihira nalang ako makakain nito ngayon kasi walang ganito sa subdivision namin at ayaw na ayaw ni Khalil ng ganitong pagkain, madumi daw kasi to." kwento ko sa kanya habang naglalakad patungo sa batuhang upuan sa tapat ng dagat. 

"You want?" alok ko sa kanya. Kumuha naman sya at sumubo gamit ang isa pang stick na kinuha ko. 

"Actually, mahilig din ako dito... kasi dati naaalala ko, tuwing galing sa pamamalengke ni Mama Eva eh nag uuwi sya nito, patago nga lang kasi ayaw din ng parents ko ng street foods, baka daw magkasakit kami. Minake-sure naman ni Mama Eva na malinis ang ipapakain nya sakin syempre" kwento nya.

"I see! Eh di okay, meron na akong street food buddies." sagot ko sa kanya at sabay kaming nag tawanan.

"Ay, shocks! 10PM na, ang bilis naman ng oras!" sabi ko ng natataranta. Sa haba ng kwentuhan namin na kung ano-ano lang ay di ko namalayan ang oras. Agad-agad akong tumayo at hinila si Calvin sa braso. "Tara na, it's so late... hinihintay na ako ng pamilya ko." 

"Sure ka ba dyan? Eh wala ngang nag-memessage sayo para hanapin ka." sagot nya sakin. Natigilan ako, oo nga naman... mukhang wala ngang nag hahanap sakin, walang nakaalala kung asan na ba ako pagkatapos nila ako iwan sa ere kanina. Gayunpaman, kailangan ko parin umuwi sa tamang oras.

"Thank you ha!" muli akong nagsalita, ilang minuto na din kasing tumahamik mula nang nag umpisa na syang nag drive. 

"Thank you for what?" tanong nya.

"Thank you for today, sa pagsama sakin" sagot ko.

"It's my pleasure. Super happy nga ako, imagine whole day kitang katabi since nasa church tayo" sagot nya nang hindi tumitingin sakin. 

Bigla akong may naalala...

"Ibalik mo na sakin yang nasa bulsa mo" natatawa kong sabi sa kanya.

Natigilan din sya pero maya-maya lang ay bigla naman nyang narealize kung ano ang tinutukoy ko. Ngumisi din sya. "Bakit ko naman ibabalik?" tanong nya na mukhang nang-aasar, in a nice way naman. 

"First, because that's mine. And second, because sasamahan kita sa party" sinagot ko lang sya ng walang emosyon at nakatingin ng deretso sa kalsada. Bigla syang napa-hinto sa pagda-drive, mabuti at wala naman kami sa high-way. 

"Seriosly? Oh my God!" hindi makapaniwala nyang tanong. "Hindi nga? Seryoso? Walang bawian ha!" dagdag pa nya habang hinahawakan ang kamay ko ng mahigpit dahil sa tuwa. 

"Oo na, oo na... bitiwan mo na yung kamay ko at mag drive ka na" natatawa kong sabi sa kanya sabay hila sa kamay ko.

Bumalik sya sa pag da-drive but this time ay nakangiti na sya, hindi tulad kanina na seryoso ang mukha, nalungkot yata kasi uuwi na ako.

Mga ilang bahay palang mula sa bahay namin ay nagpahinto na ako kay Calvin. "Dito nalang ako, baka mamaya makilala pa nila kung sino naghatid sakin" 

"No problem!" sagot nya habang may kinukuha sa bulsa. "So, here's your ticket to the party" nakangiti nyang sabi habang nilalagay sa kamay ko ang panty ko. 

Biglang namula ang mukha ko, ang awkward naman kasi. "Loko, akin to eh!" sagot ko sabay irap sa kanya.

"By the way, thank you and goodnight!" dugtong ko sabay halik sa pisngi nya at bigla naman syang natigilan. Di ko na sya hinintay makapagsalita, lumabas nalang ako bigla ng kotse nya. 


a/u: sorry guys ngayon lang nag update, kala ko kasi walang nagbabasa nito, dahil may nabasa akong comment na nanghihingi ng update... so here's the update. itutuloy ko na ang stoy. thank you. 



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sinfully Sweet AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon