Chapter 15: Autumn To Winter

359 21 9
                                    

MICHONNE

It's Friday and today is Naomie's engagement party. I don't know why but I feel uncomfortable. Mahalaga ang araw na ito para kay Naomie, but I feel like I'm worried about something.

I am not really looking forward to this day but I can't just refuse to attend. Besides, sinabi ko nang pupunta ako kaya nakahihiya naman na bawiin ang sinabi ko.

Kasalukuyan akong nasa kusina, and I'm preparing for our lunch today. Sinabi ko kay Kakai na bantayan na lang si Xayron sa sala at ako na ang bahalang magluto. I'm not actually a good cook and I only know a few dishes that Axziel taught me.

"Ma... ma, Mamam..." Bigla na lang ako napatigil sa ginagawa ko nang marinig ang maliit na boses na 'yon.

Lumingon ako sa aking likuran at nagitla pa nang makita si Baby Xay na ngayon ay nakatayo habang nakahawak sa pader na malapit sa dining table. Nagpatuloy siya sa dahan-dahang paghakbang na nanatiling kumukuha ng suporta sa pader.

Mabilis akong lumapit at naupo sa harapan niya para pantayan siya. Hindi makapaniwala at nagtatanong akong tumingin sa kaniya bago napangiti.

"When have you been here?" tanong ko na may malawak na ngiti sa labi.

I can't believe he just reached this area by himself. Nasa sala lang siya kanina while playing with his stuffed toys and now he's here? Ano naman kaya ang ginagawa ni Kakai at hindi na napansing nandito na pala si Xayron?

Napabuntong-hininga ako. Mukhang delikado na kung aalisin ang tingin sa kaniya dahil baka kung saan na siya mapunta.

"What do you want?" malambing kong tanong sa kaniya. I opened my arms in front of him and he automatically stepped towards me. Tumayo naman ako habang karga siya at muli siyang tinanong.

"Mamam," he mumbled.

"Tubig? Tubig na naman?" nagtataka kong tanong sa kaniya pero kumilos na akong kumuha ng bote nito ng tubig sa refrigerator.

Nagulat pa ako nang inumin niya 'yon na animo'y uhaw na uhaw. He's drinking while holding his bottle tightly. Sinubukan kong kunin sa kaniya 'yong bote pero pilit niya itong sinusundan ng tingin at inaabot mula sa'kin. Natatawa ko na lang siyang pinisil sa pisngi.

"Ate Mich! Si Baby Xay..." Kinakabahan si Kakai nang makarating sa kusina pero naglaho rin nang makita si Xayron na buhat-buhat ko.

"Hinanap ko lang 'yong tinapon niyang laruan tapos..." Hindi na niya tinuloy ay sinasabi niya at napakamot-batok na lang bago humingi ng paumanhin.

Sinenyasan ko siya na kunin na sa'kin si Xayron na siya naman niyang ginawa. "Don't let him trick you again," sermon ko pa rito na may halong biro kaya napipilitan siyang ngumiti saka tumango.

Nang makaalis sila ng kusina ay bumalik na ako sa niluluto ko na mabuti na lang at hindi ko napabayaan. Makalipas pa ang ilang sandali ay naisipan ko nang maghain nang matapos akong magluto.

Kinuha ko na kay Kakai si Baby Xay at ipinatawag na sa kaniya si Xaviel. I think he is currently working on his project dress design for the upcoming modeling show of his client.

"I'm so tired..." naiusal ni Xaviel bago bumuntong-hininga nang makapasok siya ng kusina at pumwesto sa dinning table sa tabi ni Kakai.

"Honey, ikaw ba ang nagluto nito?" nakangiti niyang tanong kay Kakai na tinutukoy 'yong lutong ulam.

Sumama naman ang hitsura ni Kakai na naisipan na lang lumipat ng upuan malayo sa pwesto ni Xaviel at hindi na lang siya pinansin. Napadadalas naman kasi yata ang pagtawag-tawag niya kay Kakai ng "Honey".

Gangster Association: Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon