Prologue

6K 174 34
                                    

Nakaupo ako sa couch sa sala while I'm holding something in my hand. I'm waiting for my husband to come home and tell him something important that will make him happy for sure.

Dalawang oras na akong naghihintay sa kaniya. Alam kong busy siya ngayon sa kompanya, but he's supposed to be home by now. Is he drowning himself from work?

He didn't even tell me that he's going to be late tonight, I'm starting to get worried. Wala naman sigurong masamang nangyari sa kaniya.

Napatayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad pabalik-balik ng pinto mula sa sala para maiwasang mainip. Masyado lang siguro akong nasasabik na sabihin sa kaniya ang nasa isip ko ngayon.

Nang naglalakad na ako papunta sa pintuan ay sakto namang napansin ko ang pagbukas ng pinto. Napangiti ako ng malawak at kaagad na tumakbo para yakapin siya.

Nanatili ang ngiti ko sa labi nang humiwalay ako mula sa pagkakayakap sa kaniya.

"Are you okay? Did something happen while I was gone?" bungad niyang tanong sa'kin, pansin ko pa ang pag-aalala mula sa tono ng kaniyang boses pero binalewala ko 'yon.

"I have something to tell you," may pananabik ko namang sambit sa kaniya. Huminga muna siya nang malalim bago ngumiti sa'kin pabalik at inanyayahan akong bumalik sa sala.

Sabay kaming naupo sa couch habang namumungay ang mga mata kong nakatingin sa kaniya hanggang sa nagtatanong itong tumingin sa akin. I beamed as I stared into his eyes.

"I'm—" I stopped midway when his phone rang. Mabilis na napunta ang atensyon niya sa telepono. He checked his phone for a moment and stared at me again.

Pansin ko ang kaniyang pagkabalisa kahit na hindi niya ipinahahalata. I think something is bothering him. Tungkol na naman ba 'yon sa trabaho?

Hindi ko ipinahalata sa kaniya na mukha siyang nag-aalala. Kahit ang tanungin kung anong dahilan ay hindi ko ginawa. He seems to be concerned about something but I just smiled at him.

"Is that urgent?" tanong ko sa mahinang tinig. Hindi siya kaagad sumagot, mukhang hindi niya ako narinig. He simply keeps on looking at his phone and checking the time.

I think this is not the right time to tell him my words. He's not in his right mind to hear something from me. He can't even focus his gaze, he's preoccupied.

"Michonne..." pagtawag niya sa pangalan ko, nagtatanong na lang akong ngumiti sa kaniya.

"I think I need to go somewhere right now," pagpapaalam niya kaya napakunot-noo ako.

"Saan naman?" I asked.

"J-Just somewhere. Don't worry, this is just about my work," he replied but I didn't feel convinced. I know there's something wrong with him but if he said that it is just about his work, then I need to trust him.

"May magagawa ba ako? Mukhang hindi rin naman kita mapipigilan. It's your work so go on," pagpayag ko naman sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko bago tumingin sa aking mga mata nang diretso at hindi kumukurap.

"Wait for me to come back, okay?" pakiusap niya sa mahinahong boses. Marahan akong tumango sa kaniya at hindi ipinakita ang mapanglaw kong ngiti.

Hinigit niya ako palapit at niyakap nang mahigpit kaya niyakap ko rin siya pabalik. He gave me a gentle kiss on my forehead when he pulled back.

"I love you," he uttered with a low tone and smiled wholeheartedly. I smiled back and mumbled the same thing.

Pagkatapos ay kaagad siyang tumayo mula sa tabi ko saka ako tinalikuran at umalis palayo sa aking pwesto. Naramdaman ko na lang ang tuluyan niyang paglabas ng bahay kaya malungkot akong napangiti. He didn't even look back once again to see me.

And that night...

I was waiting for him on that long night. But he... didn't come back.

Time is passing. Night befalls, and the sun comes up. I was waiting for him.

Then it's afternoon and it's evening again. I was waiting for him.

The night befalls me all over again. Every day is excruciatingly heartrending and time passes meaninglessly but I... am still waiting for him.

I should have told him that I'm pregnant, that we are going to have a baby.

Gangster Association: Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon