Chapter 9: Enemy Or Ally

847 45 9
                                    

KAKAI

"That uniform looks perfect on you." Sandali akong natigilan nang matapos kong mailapag sa lamesa ang pagkaing inihanda ko. Tumingin ako sa kaniya na kunwari'y walang pakialam sa sinabi nito. Pero parang bigla ko yatang naramdaman ang pagbilis ng kabog ng dibdib ko nang ngumiti siya sa'kin.

No. I can't. Hindi pwedeng magpadala ako sa ngiti niya. It's been such a long time. Get a hold of yourself, Kaira. You can't be fooled again.

"Ang ibig niyo pong sabihin... bagay rin sa akin ang maging katulong?" tanong ko sa sarkastikong tono bago siya binigyan ng pilit na ngiti.

"Yes. Ah no, that's not what I mean. It's just that, you look great whatever you wear," paglilinaw niya habang diretsong nakatingin sa akin.

He's doing it again. Alam kong walang halong sinseridad ang mga salitang 'yon pero matatas ang pagkakasabi niya. Kaya naman hindi ko naiwasan ang hindi maapektuhan. I think my cheeks just flushed. Pinili ko na lang ang umiwas ng tingin at binalewala ang kaniyang sinabi.

"Ahm, tingnan ko lang Ate si Baby Xay," mabilis kong paalam kay Ate Michonne, naiilang pa ako dahil pakiramdam ko ay nakatingin pa rin siya sa akin. Tinanguan ako ni Ate Mich kaya kumilos na akong umalis ng kusina.

Napahawak na lang ako sa pisngi ko nang ilang sandali pagkatapos ay umakyat na sa itaas. Nang makarating sa kwarto kung nasaan si Baby Xay ay kaagad akong pumasok sa loob.

Nadatnan ko si Baby Xay na nakaupo sa loob ng crib niya habang pinaglalaruan ang stuffed toy na si SpongeBob. Lumapit ako sa kaniya at napangiti na lang din nang bigla niya akong tawanan. Napaka-cute niya talaga. He's always cheerful and full of joy. Mapapangiti ka na lang talaga sa tuwing makikita ang pagbungisngis niya.

Mabuti pa ang ngiti niya, punong-puno ng senseridad. Sabagay, he's still a baby. Samantalang siya, akala ko totoo pero hindi pala. I almost, No, I really got fooled by those smiles that I thought were real but maybe it's just wrong of me to think that there's something behind it.

"It's been so long... I didn't expect to see him again. Nakatutuwa lang na may mga bagay talaga na kung kailan hindi mo inaasahan ay nangyayari. Napaka-mapaglaro talaga ng tadhana," wala sa sarili kong pagsasalita habang nakatingin pa rin kay Baby Xay.

"As if he understand what you're saying." Mabilis akong nabalik sa ulirat nang marinig ko ang boses niya.

Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba nang mapatingin ako sa direksyon nito na bahagyang nakasandal sa pinto habang nakahalukipkip.

Kanina pa ba siya ro'n? Narinig niya ba ang mga sinabi ko? Of course not, right?

Kumilos siyang humakbang mula sa pwesto niya palapit sa akin habang nanatili pa rin na nakatingin sa mga mata ko. Hindi ako natutuwa, hindi talaga! Bakit ba ang lakas ng kabog ng dibdib ko, this is not right.

Hindi ako nakagalaw nang tuluyan siyang makalapit at tumigil sa harapan ko. Binigyan niya ako ng tingin na para bang may malalim na iniisip habang nanliliit pa ang mga mata.

"You really don't remember me or you just pretending not to know me?" nakakunot ang noo niyang tanong sa akin. Mabilis akong napahakbang palayo sa kaniya.

"No," pagtanggi ko bago ibinalik ang tingin kay Baby Xay.

"Really? I guess I heard it wrong," aniya sa mahinang boses. Napansin ko pa siyang tumango-tango nang muli ko siyang tingnan. Umiwas naman ako kaagad nang ngitian na naman niya ako.

Ilang beses ko na siyang napapansin na ngiti nang ngiti sa akin. Hindi naman nakapagtataka kung sakaling natatandaan niya ako. But his smile... I won't deny that it is affecting me. There's something inside of me that I was feeling happy but at the same time, it makes me unhappy especially when I realized that it was just for show. I can't take it.

Gangster Association: Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon