Chapter 12: Succumb To Danger

720 42 20
                                    

THARA

"Mommy, what's wrong with Tita Mich?" Pareho kaming napatingin ni Daphne kay Kendric nang nakanguso niya itong itanong.

Kahit sa isang bata na katulad niya ay hindi makalalagpas ang kakaibang inakto ni Mich. Kahit hindi niya ipahalata, alam kong hindi maayos ang pakiramdam niya dahil napansin ko ang pamumutla ng kanyang labi kasabay nang nanginginig niyang kamay.

Nagkukunwari na naman siyang maayos at matatag sa harapan namin. Hindi na nagbago. Sinasarili na naman niya ang lahat. Napabuntong-hininga na lang ako, ano bang gagawin ko sa babaeng 'yon.

"I think she's sick," may pag-aalala namang tugon ni Daphne na sinang-ayunan ko.

"A-Ate Mich!"

Kaagad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses na 'yon at nagmamadaling kumilos paakyat sa itaas. Nababahala akong nakarating sa pintuan ng kwarto niya at nadatnan na lang siyang nakahandusay sa sahig.

"Michonne!" Walang pag-aalinlangan akong lumapit sa kaniya pero wala na siyang malay nang makalapit ako.

Bigla na lamang akong nataranta at hindi malaman ang gagawin. Sinabayan pa nang malakas na pag-iyak ni Baby Xay kaya kaagad naman itong inasikaso ni Kakai.

"What happened?" naguguluhang tanong naman ni Xaviel nang makapasok ng kwarto.

"Huwag ng maraming tanong, ihiga mo siya sa kama," kalmadong utos ni Daphne rito kaya kumilos siya para buhatin si Mich at inihiga sa kama.

Nababahala akong tumingin kay Daphne dahil hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Kaya ayoko ng mga ganitong sitwasyon, nilalamon ako ng pag-aalala.

"Calm down, she's going to be fine. I already asked for the doctor and called her mother," pagpapakalma niya sa'kin sa mahinahong boses nang makalapit sa tabi ko. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko bago naupo sa tabi ni Mich at kinumutan siya.

"Mommy, o-okay lang po ba si Tita?" naiiyak na muling tanong ni Kendric sa mama niya habang nakahawak pa sa laylayan ng damit nito. He's worried too.

"M-Mama." Napatingin na lamang kami kay Xayron nang nakanguso niyang bigkasin ang salitang 'yon habang may namumuong luha sa kaniyang mga mata.

"Don't worry, she's just sleeping, baby," pagpapatahan naman sa kaniya ni Kakai na halatang nag-aalala rin.

Malungkot akong tumingin kay Mich at pinagmasdan ang natutulog niyang mukha. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. She was still fine the last time we saw each other.

But knowing what she's going through, I know she's been suffering all along. Gusto ko siyang tulungan pero anong magagawa ko kung sinasarili niya lang ang lahat ng problema? She's keeping us in the dark, she's hiding something from us. How can we help her if we don't know anything?

Kung hindi ko pa malalaman mula sa ibang tao ay hindi niya ipaaalam sa'kin. I've known for a long time about her family's secret organization and that she's been working as a secret agent.

I know Axziel disappeared for a reason and this bombing incident in her university... Someone did that to mess up with her, maybe an enemy whom she encountered in the past?

Kilala ko si Michonne. She's not weak, she's not gonna let this go, not when it might be related to her husband's disappearance. And as her friend, I want to help her. I can't just watch her do this alone, maybe I should have done that a long time ago.

"Why are you crying? You know that's not like you." Napunasan ko na lang ang luhang kumawala sa mata ko nang mapansin 'yon ni Daphne. Napangiti na lang ako. Yeah right, this is not like me.

Gangster Association: Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon