Chapter 20: Hunter's Chase

377 26 8
                                    

MICHONNE

Masyado nang malalim ang gabi. Wala na ring masyadong mga sasakyan ang masasalubong sa madilim na daan. Nang mag-iba kami ng direksyon ay mabilis na pinatakbo ni Kuya Andres ang sasakyan ngunit bumilis rin ang takbo ng itim na kotse sa aming likuran.

Kasabay ng maingay na pagbuhos ng ulan ay bigla na lang kaming pinaputukan na ikinagulat ko. Sumilip ako sa bintana at nakita ang isang lalaki na nakadungaw ng kotse at siyang nagpaputok ng baril.

Napahilig pa ako nang muli itong magpaputok. This is insane. They never fail to surprise me. Kung kailan namang medyo kampante na ako dahil walang masamang nangyari sa amin, but I can never really let my guard down.

Kahit hanggang pag-uwi ay nagawa nila akong sundan. Pero bakit? Is he really eager to kill me? Right now? I doubt it. Ezinia won't make such stupid move.

So I guess, he's not the person behind this but someone related to him. These men who are currently chasing us, are his people. That's for sure but from whose order?

Muling pumutok ang baril ng ilang beses na hindi nagawang iwasan ni Kuya Andres. This time, mukhang natamaan ang gulong ng sinasakyan namin at nawalan na lang bigla ng kontrol dahil na rin sa madulas na kalsada na sanhi ng pag-ulan.

Hanggang sa makipagsabayan sa bilis ng pagtakbo ang itim na kotse sa amin. Nanlaki ang mga mata ko nang muling magpaputok ang lalaking nasa kotse dahilan para mapayuko ako at mabasag ang salamin ng bintana. I should've brought my gun with me.

Mabilis na huminto ang kotse namin at napansin ko na lang na nakaharang na pala sa aming harapan ang kaninang sumusunod lang sa amin.

Medyo nataranta pa ako nang apat na armadong lalaki ang bumaba ng itim na sasakyan mula sa aming harapan. Malakas pa rin ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan ngunit balewala lang 'yon sa kanila.

"Give me a gun, Kuya Andres..." seryoso kong pakiusap sa kaniya habang nakatingin sa rear-view mirror.

"Here..." Mabilis kong kinuha mula rito ang isang handgun na inabot niya sa'kin kasama ang ilang bala. Napansin ko pa na naglabas din sila ng sarili nilang baril.

"Huwag kang mag-alala, Lady Michonne. Handa naming ialay ang aming buhay para protektahan ka," matigas ang boses na saad ni Agent Lopez bago ngumiti.

Even though it is their job to guard me, I can't bear to see them risking their lives just to protect me. This is my fight, instead, I'll let them fight with me because I can't watch them die.

After they loaded their gun, sumenyas sila sa isa't isa at sabay na bumaba ng kotse na walang pag-aalinlangan kong sinundan. Kasabay naman nito ang sunod-sunod na pagputok ng baril nang magsimula kaming makipagpalitan ng atake.

Hanggang sa dalawa sa apat na lalaki ang natamaan at napatumba ni Kuya Andres at Glenn pero ilang sandali lang ay nagawa ring makatama ng kalaban at nabaril nito si Agent Lopez sa kanan niyang balikat.

"Glenn!" I exclaimed. Maingat akong lumapit sa pwesto niya na kasalukuyang nakasandal sa gilid ng kotse, hawak-hawak ang nagdudugo niyang balikat.

"I didn't notice, naubusan ako ng bala..." Napa-igik siya habang nagawa pang pagmasdan ang dugo sa kaniyang kamay.

"Just stay here..." I muttered and gripped my handgun after I loaded it with bullets.

Habang kasalukuyang nakatuon ang atensyon kay Kuya Andres ng isa sa dalawa na lang na kalaban ay kumuha ako ng pagkakataon at tinutukan ito ng baril bago pinatamaan sa dibdib.

"Don't move or else..." Hindi naman ako nakagalaw nang maramdaman ko ang isa pang natirang lalaki na nasa likuran ko na at tinutukan ako ng baril sa ulo. Pinuntirya ni Kuya Andres ang ulo ng lalaki pero umiling ako sa kaniya.

Gangster Association: Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon