Chapter 1: A Tearful Reunion

2.3K 109 13
                                    

MICHONNE

Bumukas ang pinto ng opisina kaya napunta ang atensyon ko ro'n. Napangiti na lang ako nang pumasok si Ate Klay at natuwa pa nang makita ang munti nitong anghel na si Andrea.

Ate Klay is the head housekeeper while her husband is the head bodyguard in my mother's mansion. Parang kahapon lang nang malaman ko na nagkaroon sila ng anak at ngayon limang taon na si Andrea. Tila hangin lang na dumaan ang panahon na hindi ko na namalayan.

Tumayo ako sa upuan at ako na ang naglakad palapit sa kanila saka naupo sa harapan ni Andrea para pantayan siya. Ngumiti ako ng malawak, masaya lang ako na makita siya dahil isang buwan na yata ang lumipas noong huli silang bumisita rito.

Sa unibersidad na kasi ako nananatili dahil narito ang trabaho ko simula nang hayaan ako ni Mommy na pamahalaan ang pagmamay-ari niyang paaralan. I've been staying here for about a year without going outside the university for a reason.

"Mag-hi ka kay Tita Mich mo," utos ni Ate Klay sa anak niya. Mabilis naman akong niyakap ni Andrea kaya natuwa ako. Nang humiwalay siya sa pagkakayakap ay bahagya ko pang ginulo ang hanggang balikat nitong buhok.

"Bakit nandito si Andrea?" nasisiyahan kong tanong sa kaniya. She's so cute and seeing her made me feel guilty even more.

"Kasi gusto po kita makita," sagot niya sa'kin sa maliit na boses bago ngumiti nang pagkalawak-lawak.

"Love mo ba 'ko?" pagtatanong kong muli. Nag-isip muna siya bago dahan-dahang napatango, napangiti na lang ako.

"What about, Mommy?" Tumingala siya para sandaling tingnan ang mommy niya bago ibinalik ang tingin sa'kin.

"Love ko rin po siya pero mas love ko si Daddy!" Marahan ko siyang pinisil sa pisngi habang natatawa dahil sa kakulitan niya.

"Paano ba 'yan, Ate? Gano'n pa rin ang sagot niya," pang-aasar ko kay Ate Klay at kumilos nang tumayo.

Tinanong ko rin kasi si Andrea noong huling pagkikita namin, and she still has the same answer. Mukhang daddy's girl ang batang ito, nakatutuwa lang.

Inanyayahan ko na silang dalawa sa sala ng bahay at naupo sa couch habang nakaharap sa isa't isa.

"Nasaan naman si kuya?" hanap kong tanong kay Ate Klay na tinutukoy si Kuya Andres, her husband.

"Pinauwi ko na siya pagkahatid niya sa amin," she replied. Bahagya pa siyang napanguso.

"Bakit naman?" dagdag ko pa.

"Magkaaway kasi kami," nayayamot naman niyang sagot ngunit kalaunan ay natawa rin.

Halata namang hindi seryoso ang naging dahilan ng pag-aaway nila na 'yon dahil nagagawa niya pang tumawa. Mukhang trip niya lang talagang awayin ang asawa niya, salbahing babae.

"Ikaw talaga, Ate. Kaya mas mahal ng anak mo si Kuya Andres eh, lagi mo kasing inaaway," nakangiting sermon ko sa kaniya na tumingin pa kay Andrea sa tabi niya. Napahagikhik naman siya sa sinabi kong 'yon.

"Ikaw, kumusta ka naman?" Bigla akong napaisip sa tanong niyang 'yon at muling ipinakita ang masaya kong ekspresyon. Kumusta na nga ba ako? Hindi ko alam. Parang ang hirap sagutin ng katanungang 'yon.

"As usual, I'm doing my duties as the headmistress of the university. Wala na namang bago, I actually love what I am doing," sagot ko bago marahang ngumiti.

"I'm glad to hear that, dahil nag-aalala rin ako para sa'yo," aniya sa mahinahong tono. Binigyan ko siya nang nagpapasalamat na tingin bago muli siyang nginitian. I know that she's just concerned about me and that's enough.

Gangster Association: Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon