Chapter 2: Memories Of The Past

1.6K 84 10
                                    

MICHONNE

Kasalukuyan kong pinagmamasdan si Xayron habang nakahiga siya sa kama at may hawak-hawak na laruan. Samantalang nakaupo naman ako sa tabi niya sa loob ng kwarto na nasa ikalawang palapag ng bahay ni kuya.

I caressed his face gently while watching him mumble something as if he was talking to his toy. Xayron is now one year and a half months old. He can stand and is still learning how to walk without support.

He has a chubby face just like Ethan. He also has long eyelashes, a prominent nose, fine natural black hair, and pretty reddish cheeks. He smiled widely and very genuinely that I could see his tooth in the upper middle of his mouth. He's giggling very sweetly. I can't help but be reminded of his father.

"Hindi mo talaga matitiis ang anak mo." Napalingon ako kay Mommy nang magsalita siya. I forced a smile when she came closer.

She's right, I chose to stay away from him because I'm afraid. I don't want to show him my pain and smile while looking at him.

I forgot that it made me happy nang malaman kong darating siya sa buhay ko and yet I became selfish. Nang dahil lang nasasaktan ako ng mga panahong 'yon, nagawa kong lumayo at hindi na naisip kung anong mararamdaman ng mga taong nakapaligid sa'kin. Lalo pa na sarili kong anak ang nagawa kong tiisin na hindi siya mahawakan at mabigyan ng isang matamis na ngiti.

Gusto kong bumawi sa kaniya, gusto kong bawiin ang mga araw at gabing wala ako sa tabi niya. Hindi ko man lang nagawang pagmasdan ang kaniyang paglaki at marinig ang kaniyang boses na tawagin akong ina sa unang pagkakataon. Lalo na ang kaniyang unang kaarawan. I should have been there to celebrate his very first birthday.

"I'm sorry, Mom. And thank you for taking good care of him on my behalf," emosyonal kong paghingi sa kaniya ng paumanhin.

She sat beside me. "You've really grown up so much, sweetheart," malambing niyang saad bago ako hinalikan sa noo at niyakap.

"I know you're still not okay since the day he left you. Hindi lang ikaw ang nasasaktan, honey. Nasasaktan din kami sa tuwing nakikita kang nasasaktan kaya sana maging maayos ka na kahit hindi na para sa amin, para na lang sa anak mo, kay Baby Xay," pakiusap ni Mommy sa'kin sa mahinahong tono ng boses.

Marahan akong napatango sa kaniya bago naiiyak na ngumiti. Sinubukan kong pigilan ang pagbagsak ng aking mga luha pero hindi ko nagawa nang muli akong tumingin kay Xayron at makita ang malawak niyang ngiti.

Bakit ko ba nagawang tiisin ang katulad niyang makita mo lang ay nakawawala na ng pagod. Nagsisisi ako na ngayon ko lang siya napagmasdan nang matagal. I should have done this from the very start. I should have not neglected him, I've wasted so much time that I should have stayed by his side. But I know, it's not too late to make up for those lost days.

"It's time to be yourself again, Mich. The person who is stronger than the storm, that's you."

Kaagad kong pinunasan ang luhang kumawala sa aking mga mata at tumingin kay Kuya Enzo nang marinig ang boses niya. Napangiti na lang ako sa kaniya na ngayon ay nakatayo sa may pintuan.

"I will," I uttered in certainty which made him smile broadly.

"Mom, kumain na po kayo sa baba," pagbaling na paanyaya naman niya kay Mommy. Tumingin muna siya sa'kin na mukhang inaanyayahan na rin akong bumaba kaya sinabi kong susunod na lang ako. Nang makababa si Mommy ay lumapit si Kuya Enzo at huminto sa aking harapan.

"Maayos ka na ba ngayon?" bungad niyang tanong sa marahang boses.

After all these years, ngayon ko na lang ulit narinig ang tanong niyang 'yon, ang kumustahin kung maayos ba ako. Iniiwas ko na lang ang aking tingin at muling ibinaling kay Xayron.

Gangster Association: Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon