Chapter 19: Birth Of Darkness

356 23 4
                                    

DYLAN

Narinig ko ang ingay mula sa mga bisitang nagkakagulo sa paligid kaya mabilis akong kumilos para sana hanapin si Michonne. I ran down the hallway of the mansion but stopped midway when two armed men showed up in front of me.

Agad nilang itinutok ang hawak nilang baril sa akin dahilan para hindi ako makagalaw at dahan-dahang itinaas ang dalawa kong kamay.

"I'm done playing with you, Dylan." Lumingon ako sa aking likuran para tingnan ang pinanggalingan ng pamilyar na boses na 'yon at hindi na lang ako kumibo nang mamukhaan ko siya.

Si Irish. She's wearing black casual attire with a ponytail hairstyle and has a serious face. She's also with the other two masculine men in black behind her.

"What are you doing here?" seryoso kong tanong sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa dalawang lalaking nasa harapan.

"Para hulihin ka. So why don't you just come with us before things get complicated?" tugon naman nito.

Irish is also a member of the Mcrivel Gang and a loyal underling of my father. I still don't know her real intention of joining my father's gangster association even knowing the threat it can bring. But she always says that she just wants to become strong. Strong enough to protect someone important to her.

"Alam mo namang hindi ko 'yon pwedeng gawin. At least not today," pagtanggi ko sa sinabi niya.

"Then I have no choice but to take you by force..." Pagkasabi niya no'n ay kumilos ang dalawang lalaki sa harapan ko para lumapit sa'kin na nanatiling nakatutok ang hawak nilang baril. Hindi ako gumalaw ngunit pasikreto akong nakiramdam sa paligid hanggang sa magkaroon ng pagkakataon.

Hinintay ko sila na tuluyang makalapit at mabilis na sinipa paitaas ang hawak na baril ng lalaki sa kanan dahilan para mabitawan niya ito. Habang itinutok ko naman sa itaas ang baril ng lalaki sa kaliwa at pasimpleng kinalas ang magasin nito bago ipinatama ang kamao ko sa mukha niya.

Buong puwersa ko namang sinipa ang nasa kanan na lalaki kaya malakas siyang napasandal sa pader ng pasilyo. Nang pareho silang matumba ay mabilis akong kumilos na tumakbo palayo sa pwesto nila.

"Let him be." Narinig ko pa si Irish na pinigilan ang dalawa niya pang kasama na dapat ay susundan ako.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa tuluyan akong makatakas. Hinayaan niya akong makatakas, hindi ko alam kung bakit. But I owe this to her, I guess.

Nang makarating ako sa bulwagan ng mansyon kung saan ginanap ang isang banquet for an engagement party ay wala na kahit isang tao ang natira dahil sa nangyari.

Namataan ko pa at namukhaan ang isang katawan ng lalaki na duguan ang ulo at kasalukuyang nakahandusay sa sahig. A headshot?

They are so careless. Someone pulled the trigger without a signal. How can they carry out the operation carelessly? They shouldn't have killed the target during the party and in front of many people. They're just making this thing a serious matter.

"Dylan! Come on, hurry up! Kailangan na nating makaalis dito..." Napalingon ako sa likuran ko at nakita si Sai na humahangos akong nilapitan.

"Nakita mo ba si Mich?" tanong ko rito.

"She's fine, don't worry about her. Kailangan na nating umalis, they're looking for us. Come on!" Sagot niya bago minadali akong sumunod sa kaniya.

Nag-aalinlangan pa akong umalis pero sinundan ko rin si Sai para tumakas mula sa mga tauhan ng ama ko.

I should leave for now, I know Michonne and Xayron would be fine. She's strong and she's not alone. I just hope she gets home safe and sound.

I can't get caught just yet because Michonne needs me. Ang hirap pa namang makatakas mula sa kamay ng ama ko, he locked me up after knowing I betrayed him. Thanks to Sai I was able to escape. Pero ngayong alam na nilang kasabwat ko si Sai, even he wouldn't be forgiven because he broke the rule.

Gangster Association: Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon