Chapter 5: A Smile Of Pain

1K 68 11
                                    

MICHONNE

I'm currently driving my car on my way to our house. Katatapos ko lang asikasuhin ang mga bagay na dapat kong ayusin sa tuluyang pagsara ng unibersidad.

Si Mr. Cruz na ang bahalang makipag-ugyanan at ang mag-aasikaso with all the matters about fixing the university. I was expecting that he will be resigning after what happened but he insisted on looking over the university while it undergoes construction. I am very grateful because he chose to stay and helped me.

I already sent all of my students to their homes with my letters of apologies to their parents. Paniguradong maraming magulang ang magugulat dahil sa biglaang pagdating ng kanilang mga anak mula sa nangyari. Marami ring empleyado ng unibersidad ang nawalan ng trabaho mula sa pagsasara nito. Nakalulungkot man pero wala naman akong ibang pwedeng gawin kundi ang bagay na ito.

Kahit ako ay hindi rin ginusto ang naging desisyon ko dahil dumating pa sa puntong kailangan ko munang isara ang unibersidad. Alam kong may pagkakamali ako pero hindi ngayon ang oras para isisi ko na lang ang lahat sa aking sarili at walang gawin.

Kailangan kong maresolba ang bagay na ito at siguraduhing hindi na mangyayayri pang muli. Ngunit para mangyari ang bagay na 'yon, kailangan kong malaman kung sino ang taong nagbabanta sa likod nito at ang puno't dulo ng nangyari. I need to find out who's that someone called Master Ezinia.

I won't let this go, mas magiging komplikado ang sitwasyon at delikado para sa lahat ang hayaan na lang siyang gawin ang gusto niya. I'll make him pay for what he did and get my answers.

But the problem is that I don't have an idea where to find him. Hindi ko alam kung saan ako unang magsisimula para matuntun siya. Maliban sa mensaheng ipinadala at iniwan nito sa akin ay wala na akong ibang alam na paraan, wala na akong ibang alam tungkol sa kaniya.

I parked my car when I arrived and entered my house. I'm moving back to my home where Axziel and I used to live. I've got no choice but to move back and since I will live with my child, I've got no problem with that.

This is my family's idea. Sinabi nila sa akin na ilaan ko na lang ang mga araw na wala akong trabaho kasama si Xayron dahil wala na kaming magagawa mula sa nangyari kundi ang maghintay na lang na muli itong maayos. Pagkakataon ko na rin daw ito para makasama ang anak ko.

Hindi ko na nagawa pang tumanggi dahil tama naman sila at gusto ko ring makabawi kay Baby Xay. Pagkakataon ko na rin ito para maalagaan siya.

Lumabas ako ng kotse at pumunta sa likod para buksan ang compartment nito. Sinimulan kong ibaba ang mga gamit ko mula roon na may dalawang malaki at isang maliit na storage box. Matapos ko naman na mailabas 'yon ay isinara ko na ang compartment ng kotse.

"Tulungan na kita." Kaagad akong napalingon sa gilid ko nang marinig ang pamilyar na boses na 'yon.

"Dylan," pagtawag ko sa pangalan niya bago nakangiting humarap dito.

"Anong ginagawa mo rito?" nagtataka kong tanong sa kaniya.

"Thara invited me, she said there's a welcoming party, mukhang dahil yata sa'yo," nakangiti naman niyang sagot sa'kin.

Napakunot ang noo ko habang napataas pa ang isang kilay mula sa sinabi niya. Bakit naman siya iimbitahan ni Thara? Anong welcoming party ang sinasabi niya, kararating ko nga lang kaya walang tao sa bahay. Saka sinabihan ako ni Mommy na mamayang hapon pa sila pupunta rito para ihatid si Baby Xay.

"Long time no see 'yang reaksyon mo," natatawa niyang saad na inirapan ko naman. Ano bang aasahan ko sa kaniya? Dylan will always be Dylan. Siya pa rin itong bigla na lang matatawa dahil sa reaksyon ng mukha ko. He always makes fun of me.

Gangster Association: Forgotten QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon