🎀Prologue🎀

598 25 2
                                    

Sa Isang malayong lugar ay mayroong Eswelahan na nahahati sa Dalawa ang isa Ay tinatawag na West Bridge, limitado lamang ang nakakapasok na kung saan ang mga maharlikang Estudyante lamang ang maaaring makapasok, anak ng presidente, mga bilyonaryong pamilya o yung mga tinatawag na High profile.

Samantala ang isa naman ay tinatawag na East Bridge, isa iyong lihim na Eskwelahan, ang lahat ay inaanyayahan ngunit kung hindi ka papalarin ay maaring dun na ang iyong maging katapusan, mga Estudyanteng Gangster, Killer,Assasin at mga miyembro lamang ng Mafia ang maaaring mabuhay. Sa lugar na iyon ay hindi na kakailanganin pa ng pera basta may kapangyarihan ka.

Ang pwesto ay binubo ng walong Ranggo kaya't kung mapapabilang ka sa pwesto na iyon ay matitiyak ang iyong kaligtasan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Napakunot ang noo ng dalaga nang mabasa niya ang nilalaman ng sobre na ipinadala sa bahay nila, isa siyang dalaga na nag hahanap ng katanungan tungkol sa kanyang pagkatao.

Matapos niyang malaman ang katotohanan na ampon lamang siya ng kinikilala niyang magulang ay halos mabaliw ito sa kakaisip kung sino nga ba siya hanggang sa matuklasan niya na Anak siya ng isa sa pinaka magaling na Assasin ang isang Samahan na walang pagkakakilanlan.

🎀HAYASEIN POV🎀

"Good morning mom." bati ko kay mommy habang pababa ng hagdan mula sa kusina ay abala sya sa pag luluto pero nagawa niya parin akong lingunin para suklian nang matamis niyang ngiti.

"Good morning honey. Bakit hindi ka pala nag dinner kagabi?" bakas ang pag aalala sa tono niya kahit pa nasa niluluto na ang atensyon niya.

Imbis na sumagot ako ay niyakap ko siya mula sa likod.

'It's been a month mom, but i still wanna go with him.'

Iyon ang gusto kong sabihin kay mommy. Na hanggang ngayon ay ito parin ang aking nararamdaman, kahit pa alam kong ilang araw na lamang ay dadating na ang taong namimiss ko.

Mabilis kong iwinala ang nasa isip upang matugunan si mommy.

"Ayos lang po ako" malambing na bawi ko. "Hindi naman po ako na gutom." pag sisinungaling ko kahit ang totoo ay kumakalam na ng husto ang sikmura ko.

"Hindi po kayo pumunta sa coffee shop?"
Maya't maya'y tanong ko nang lumapit si mommy sa dine table para ilapag ang kaning nasa rice bowl.

"Hindi eh. Bakit gusto mo ba ng coffee anak?" Balik tanong niya matapos akong lingunin. Umiling na lamang ako bilang sagot.

Matapos ihain ni mommy ang lahat ng niluto niya ay naupo narin siya sa harap ko. "Anyway tinatanong ng Kuya mo kung saan mo balak mag enroll?."

"Enrollment na nga po pero wala parin po akong school na nagugustuhan." wika ko.

"I suggest na dun ka mag aral sa school ng kuya mo." nakangiting saad ni mommy na ikinagulat ko.

Alam na alam niya kasi na ayaw ni kuya na dun ako mag enroll kaya nakakapagtaka na doon niya ako gustong pumasok ngayon.

"I'm not sure mom." saad ko pa tsaka nag simulang kumain. Hindi pa man ako nasisiyahan nang mag ring ang phone sa bulsa ko.

*KRIIING!
*KRIIING!

Pangalan kaagad nang kaibigan ko ang bumungad sa screen.

Yana's calling...

"Haya besh!" bungad niya sa linya.

"Kumakain ako." malamyang sagot ko.

"Tatanungin lang naman kita kung may school kanang papasukan?" sarkastikang ani niya na nag pabuhay sa interes ko sa pakikipag usap.

"W-wala pa." nahiya tuloy ako. Kaagad akong tumayo para makipag usap sa kanya.

"Balak sana kitang yayain mag enroll ngayon eh." pagpapatuloy pa niya na ikinangiti ko. "Kaso diba ayaw mo--"

Hindi ko na siya pinatapos "Sure, i'll go with you. Sandali lang gagayak na'ko." Excited na saad ko. Tsaka patakbong umakyat sa kwarto.

"Oh. Saan ang punta mo?" bungad na tanong ni mommy pag baba ko ng hagdan mukhang napansin niya din ang suot ko.

"Mag eenroll po ako kasama ang best friend ko."

"Ganun ba? Oh sige mag ingat ka." Ngumiti ako kasabay nang pag tango tsaka nag lakad palabas.

Pag labas ko ng gate namin ay kaagad kong natanaw ang kotse ni Yana kaya nakangiti akong nag lakad palapit at pumasok doon.

"Ang tagal mo besh" paunang sabi niya. "Alam mo bang ngayon lang nag open ang school na yun? At limited lang ang slot para sa mga mag eenroll?" paliwanag nya kasabay ng pag bukas ng makina ng kotse.

"Talaga? Bakit? Sobrang sikat ba nang University na yun?." kunwaring tanong ko para hindi nya isiping wala akong pakialam.

"Oo besh! As in sobrang dami ang gustong makapasok doon pero limited lang talaga." mahabang litanya niya.

Bigla akong na curious kung ano bang klaseng school ang papasukan namin at ganito siya ka OA mag react.

"Nandito na tayo besh." maya maya'y saad nya. "Bumaba kana at ipa-park ko lang itong kotse." tumango na lamang ako at bumaba na sa kotse.

Hinarang siya sandali ng guard sa entrance ng malaking gate pero bahagya pang nagulat ang guard nang makita siya nito kasabay non ang pag turo niya sa akin, tumango ang guard at sumenyas sa kasama niya na papasukin ako.

Nanlaki ang mata ko pag pasok sa Entrance ng campus, wala pa man kasi kami sa mismong building ay naroon na ang NAPAKA HABANG PILA! ng mga mag e-enroll.

Dinaig pa ang talent audition! Hindi ko naisip na ganito pala ang ibig sabihin ni Yana.

"Napaka haba ng pila." hindi ko maiwasang hindi umangal nang makalapit kami.

"Pero kaya yan diba?" seryoso ka ba?! gusto ko sana iyong itanong ngunit "Tara na besh." kaagad na anyaya niya. Mukhang seryoso nga sya.

Bukod sa mahabang pila ay may mga tao talagang pinanganak upang sirain ang araw mo.

"Sa haba ng pila? Tingin niyo makakapasok pa kayo?" anang ng babae habang naka halukipkip at masamang nakatingin sa amin.

Akmang mag sasalita si Yana ngunit mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya.

"Sa ibang school nalang kaya tayo mag enroll?" suhestyon ko.

"Besh naman mag tiyaga na lang tayo wag mong pakinggan ang clown na yan." tukoy niya sa babae matapos bumaling dito.

"What did you say? Clown?" inis na tanong niya kay Yana tsaka mabilis na umakma ng sampal kaya't mabilis akong humarang dahilan para ako ang tamaan ng malakas nyang sampal.

Aray...

Hindi ko maipihit ang leeg ko paharap dahil hanggang ngayon ay namamanhid parin iyon.

"How dare you to hurt my-" hindi na natapos ni Yana ang sasabihin niya ng mag salita ang lalaking nasa likod namin.

"SERIOUSLY" iyon lamang ang sinabi niya, ngunit pati ako ay kusang natigilan dahil sa boses niya, hindi iyon galit ngunit hindi malumanay.

Nakakakilabot at maawtoridad ang dating non, kahit ang totoo ay napaka LAMIG ng paraan kung paano niya iyon isinatinig.

Lumingon ako paharap sa lalake, maputi ang balat nito na lalong nag pa angat sa kagwapuhan niya, mamula mula at, manipis ang kanyang labi, maganda din ang hubog ng mga mata niya na wari'y nakangiti kahit ang totoo ay hindi mo makikitaan ng emosyon.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon