"San ka galing? Bakit hindi kita nakita sa Campus?" bungad ni Hayasein nang pumasok si Yana ng alas kwatro ng Hapon.
"Besh." maarteng saad ng Kaibigan. "Iba kasi ang building mo sa building ko, baka nga dumating pa sa punto na maghiwalay pati ang unit natin." murokolyong ani nito, hindi niya maamin sa kaibigan ang tunay na nangyari palibhasa'y alam niyang walang kaalam-alam si Hayasein na Apo siya nang May ari ng Eskwelahan at kapatid niya ang Lalakeng kinaiinisan nito. "Isa pa Besh. Hindi ako aattend kaya Wag ka na ding pumunta please." nag mamakaawang saad ni Yana sa kaibigan ng hapon na iyon, nalalapit na ang oras para tumungo ang lahat ng mag aaral sa Stadium sa gaganaping Welcome party.
"Bigyan mo ako ng dahilan?" umaarya ang kuryosidad ni Hayasein kaya't kahit ayaw niyang tumungo doon ay gumayak pa rin siya dahil nag babaka sakali siya na sasabihin ni Yana ang dahilan kung bakit ayaw siya nitong padaluhin sa party na iyon, malaking katanungan para sa kanya kung paanong nakakuha ang kaibigan ng ID ng walang kahirap-hirap nung araw ng enrollment.
"Besh maboboring ka lang don!" pangungumbinsi pa ni Yana pagka kita sa kaibigan na nakasuot na ng dress.
"Kung hindi mo sasabihin ang dahilan ay aalis na ako." pananakot na ani niya.
Nang wala siyang natanggap na pagtutol ay naglakad na siya palabas ng Unit nila. Mabigat siyang napabuntong hininga dahil mukhang napasubo siya sa desisyong ito.
May kataasan ang takong ng puting sandalyas niya ngunit hindi ito naging hadlang para masira ang postura niya, sumasabay sa bawat pitik ng bewang niya ang pag indayog ng mahaba at ang ikinulot niyang buhok.
Malayo pa lamang siya ay naririnig na niya ang napaka lakas na musika na nanggagaling sa lugar na pagdadausan ng Party.
Sa sandaling minuto ay narating niya ang Entrada ng Lugar napahanga siya dahil sa pag kakaayos nang Stadium na halos mag mukha na talaga itong mamahaling Bar dahil sa pagkakadisenyo.
Sa pagitan ng pag hanga niya ay hindi niya inaasahan na tatapat sa kanya ang Spot light dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon ng lahat, lalo na ang taong naka upo sa Sofa kung saan halos nakatapat ang pwesto sa mismong bukana ng Daan.
🎀EIGHT🎀
Abala ako sa pag simsim sa baso ng alak na kasalukuyang hawak ko habang ang mata ko ay nag mamasid sa nakakairitang paligid.
Kung hindi lang sana binanggit ng taong katabi ko na Unlimited ang alak, sana'y wala ako dito.
Nakaupo ako sa mahabang sofa kaharap ang mga nakatumbang bote ng alak habang si Raizen naman ay nasa solong sofa at pinapanood ang mga nag sasayaw na kababaihan.
Playing: TIME OF MY LIFE
"Eight? Tignan mo kung gaano sila ka desperada na matikman ako" mayabang na ani nito kasabay ng pag iling habang nakangiti. Pervert!
Napaka galing ng pag ka-kaset up ng lugar, aakalain mong totoong bar ito dahil sa iba't ibang kulay ng spotlight na pumapalibot sa kabuuan ng paligid, isama mo pa ang mga kababaihang sumasabay sa indayog ng musika habang mapanuksong mga nakatingin sa'min. Bitches!
"Bakit kaya ang tagal nila?" muli na namang banat ni Raizen na mukhang nag hihintay sa pag dating ni Ivo.
'Bakit kaya hindi makayanan ng bunganga mo na hindi mag salita?' Saad ko sa isip ko, hindi ko naman trabaho na sagutin ang tanong niya kaya nanatili na lang akong tahimik.
Napangisi ako nang palihim matapos mapag tanto ang suot ni Raizen. Para siyang may business meeting na pupuntahan dahil sa pormal suit attire niya.
Nakuha ang atensyon ko nang mag pasukan ang mga hindi inaasahang panauhin na hindi bababa sa walo.
"Galing sila sa East?" ani Raizen na nakatingin din sa mga bagong dating. Hindi pa'ko nakakasagot ng mabilis nang napalitan ang kanta.
BINABASA MO ANG
I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update)
حركة (أكشن)Sa Isang malayong lugar ay mayroong Eswelahan na nahahati sa Dalawa ang isa Ay tinatawag na West Bridge, limitado lamang ang nakakapasok na kung saan mga maharlikang Estudyante lamang ang maaaring makapasok, anak ng presidente, mga bilyonaryong pami...