🎀Chapter 18🎀

44 13 2
                                    

"Master Eight, pinadala po ni Grand master iyong babaeng tinulungan niyo minsan, nasa East po siya at palagay ko ay kasalukuyan siyang pinahihirapan ni Miss Thalia dahil sa inyo." mahabang saad ni Ging.

Mabilis na napabangon si Eight, "Bakit siya naroon?" kunot noong tanong nito.

"Wala na po akong ibang alam master." yumuko si Ging senyales nang pagsasabi siya ng totoo. Tumayo si Eight sa sofa ngunit humarang si Ging." hindi ko po sinabi ang bagay na iyon upang sumugod kayo sa lugar na iyon."

Halos mapataas ang labi ni Eight sa sinabi ni Ging "Baliw ka ba, kapag namatay ang babaeng yon ay mapapahamak pati ang kapatid ko."

"Master, kapag po nadamay si Master Ivo at Master Raizen sa plano niyong ito ay itatakwil po sila ng organisasyon pati na po ang buhay ng mga kaibigan niyo ay baka masira." nakayukong ani ni Ging.

Batid ni Eight na Tulad niya ay tagapagmana din si Raizen at Primotivo ng pamilya nila kaya't isang maling kilos lang ay maaari silang mamatay pero isang bagay lang ang malinaw sa kaniya, iyon ay ang iligtas si Hayasein dahil alam niyang iisa lang ang gusto nilang magkakaibigan.

Siniringan ni Eight si Ging kaya't hindi na ito kumontra pa.

Pumasok si Eight sa kwarto niya para kunin ang Long sleeve na uniform niya, nagmadali siyang tahakin ang garahe para kuhanin ang motor niyang nakaparada roon, ang lolo niya ang pakay niya tungkol sa lalaking sumusunod sa kanya ngunit hindi na iyon mahalaga dahil kailangan niyang iligtas si Hayasein para kay Yana.

'Para nga ba kay Yana?' iyon ang tanong sa isip niya, napailing na lamang si Eight bago padyakan ang motor tsaka pinaharurot iyon palabas ng mansyon.

'Ano ba talaga ang plano mo Lolo!'

Wala siyang minuto na sinayang, pinilit niyang makarating sa unibersidad sa loob ng Dalawampung minuto.

Halos ibalibag niya ang motor inya nang marating ang parking lot bumaba siya, palabas na siya nang salubungin siya ng pulutong nang mga Gwardya na nasisiguro niyang tauhan ni Thalia.

"Patawarin niyo po kami ngunit ito ang utos ni Lady Thalia, ang pigilan kayo na makarating sa lugar na nais niyo." mahabang litanya ng leader nila.

Ipinasok Ni Eight ang isang kamay niya sa bulsa habang ang isang kamay niya ay nanatiling nakalaylay tsaka siya tumayo ng maayos.

Nang mag angat siya ng tingin ay napaatras sandali ang ibang gwardya dahil nakakatakot ang mga mata nito, sa isang iglap ay nakalapit siya sa harap ng namumuno sa pulutong ng mga Gwardya nakatayo lamang siya at hindi manlang, nakita ng mga ito na gumalaw ngunit lima na sa kanila ang, mabilis na bumagsak. "Ngayon sabihin mo kung desidido ka pa ring humarang sa daraanan ko." nagbabanta ang boses ni Eight pero nananatili itong kalmado.

Mabilis na nagbigay daan ang mga gwardya habang naka yuko, ang iba naman ay nanginginig pa sa Takot.

Hindi nawala ang nakakatakot na presensya ng binatang Silvannia habang naglalakad siya patungo sa Puno kung saan madalas itali ang mga pinarurusahang mga Estudyante.

Paliko na si Eight nang makasalubong niya si Thalia, "Eight!" masiglang bati nito habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lalake kung nagalusan manlang ba ito ng mga tauhan niya pero madilim na tingin lamang ang isinukli ni Eight nang magsalubong ang mata nito. "Bakit ganiyan kang tumingin." inosenteng ani ng babae habang nakangiti.

"Talaga bang..." pinigil ni Eight ang nanginginig na kamao niya na naka suksok sa bulsa niya dahil baka masaktan niya si Thalia. "handa kang pumatay para sa walang kwenta mong feelings!"

Napakurap-kurap si Thalia dahil sa paraan kung paano laitin ni Eight ang nararamdaman niya para sa binata pero itinago niya iyon kahit pa nasasaktan na siya "Ano bang sinasabi mo, syempre ganun kita kamahal." nakangiting ani nito pero nagbabadya ang luha sa mata niya.

"Paano kung sabihin kong wala akong pakialam sa pagmamahal mo na yan" isinuksok ni Eight ang isa pa niyang kamay sa kabilang bulsa ng pants niya tsaka naglakad, sinadya pa niyang banggain ang balikat ni Thalia kaya bahagya itong napaatras.

Ang katotohanan na matagal nang kinakatakutan ni Thalia ang malaman ang totoong nararamdaman ng binatang Silvannia para sa kanya.

'Hindi! Hindi dapat ganito!' mangiyak-ngiyak na saad ni Thalia sa Sarili niya.

"Eight!" gigil niyang nilingon si Eight na tumigil sa paglalakad dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya. "Subukan mong ulitin ito! Papatayin ko talaga ang babaeng yan." unti-unting tumulo ang luha ni Thalia dahil sa galit pero nginisihan lang siya ni Eight nang lumingon ito sa kanya.

"Subukan mo, para makilala mo ang tunay na pinagmulan ng babaeng gusto mong patayin baka magulat ka na lang na patay na pala ang buong angkan mo." saad ni Eight tsaka Nagdiretso sa paglalakad.

Napasalampak si Thalia sa Lupa dahil sa sakit na ipinamukha ni Eight sa kanya.

"E-Eight..." nanghihinang tawag ni Hayasein sa Pangalan niya gayun pa ma'y nagawa padin ng dalaga na ngumiti. "D-dumating ka..." bagama't unang araw pa lang ng itali siya ni Thalia ay inisip na niyang dadating si Eight para iligtas siya tulad ng dati.

Hindi malaman ng binata kung ano ang gagawin nang bumungad ang maputlang si Hayasein, hindi pantay-pantay ang pagkaka gupit ng buhok niyang hanggang balikat na animo'y pinaglaruan, puro sugat din ang buong katawan nito dahilan para magkulay brown na ang puting uniporme nito dahil sa natuyong dugo ang labi niya din ay bitak bitak dahil sa kakulangan nang tubig, pero hindi din maintindihan ni Eight ang sarili dati na siyang nakakakita ng mga gantong senaryo pero wala lang iyon para sa kanya ngunit tila nabago ang sitwasyon ngayon o mas higit pa dahil sa magulo niyang damdamin awa ba talaga ang nararamdaman niya para sa dalaga o nasasaktan siya sa inabot nito dahil sa kanya na tila dinudurog ang puso niya.

"Anong ginawa nila sa'yo." sa kauna-unahang pagkakataon ay narinig ni Hayasein ang pinaka malambot na paraan nito nang pagsasalita.

"A-ano k-ka ba, Wala lang t-to..."napapikit si Hayasein nang kumirot ang sugat sa labi niya.

"H-Hayasein..." napalingon si Eight sa boses na kamuntikan nang pumiyok. Naroon si Seken.

"K-Kuya..." unti-unting tumulo ang luha ng dalaga nang makita niya si Calvin. "Kuya... Ko..."

Napaluhod si Calvin dahil sa itsura ni Hayasein, "Bakit nila to ginawa sa'yo." umiiyak na ani nito.

Ngayon lamang naintindihan ni Eight na Kapatid pala ang koneksyon ng dalawa sa isa't-isa.

Unti-unting lumapit si Calvin kay Hayasein tsaka pinahid ang luha nito. "Tahan na, nandito na ko, pagbabayarin ko ang mga gumawa nito sa'yo." nagmadaling kalagan ni Seken si Hayasein kaya't pumwesto si Eight para saluhin si Hayasein kasabay ng pagbagsak nito sa bisig niya.

"Ah-" daing ng dalaga dahil sa sugat niya.
"Seken! Eight!" eksakto ang pagdating ni Ivo at Raizen.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa kaawa-awang inabot ni Hayasein na halos kaibigan na ang turing nila.

"Mauna kana Seken Dalhin mo sa clinic ang kapatid mo, may pananagutin lang ako." madilim ang matang saad ni Eight tsaka humakbang palayo.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon