Huminto si Eight sa malawak at kulay gray na Gate. Binuhat nuya si Hayasein tsaka niya Sinwipe ang Rank ID niya para bumukas iyon.
'Bakit ba nakukuha mo palagi ang atensyon ko?' napailing na lamang siya matapos pagmasdan ang babaeng walang malay.
Naglakad siya sa magarbong hallway na may mga bakal na Rehas sa magkabilang gilid nito na kapares din ng kulay nang Gate na dinaanan niya.
Ang kaliwa't kanang bahagi ng daan ay sinakop ng napaka lawak na Hardin.
Umabante si Eight ng tatlong hakbang para lampasan ang hagdan bago makarating sa harapan ng bahay na may narra'ng pinto.
"Mommy, nandito ko." hindi maamo ngunit hindi din naman galit ang tonong ginamit niya.
Bumukas ang pinto At bumungad ang isang babae, maputi ito at bouncy ang blonde niyang buhok na hanggang balikat.
Suot ang itim na dress na lagpas sa tuhod at may tatak na Hermes. Para sa kanya ay pangbahay lamang ang posturang iyon ngunit para sa ibang mayayamang pamilya ay expensive na iyon dahil iilan lang ang desinyong iyon na nailabas sa buong mundo.
"Oh my god!" natutop ng babae ang bibig niya. Hindi dahil sa buhat-buhat ni Eight, kundi dahil siya ng dahilan mismo
"Son..." naluluhang ani nito. "Binatang binata kana. Ten years old ka pa nung huli tayong magkita." dagdag na saad pa nito tsaka hinaplos ang pisngi ni Eight.
"Mom, pwede niyo po ba muna kaming patuluyin?" putol ni Eight sa, pag dradrama ng ina.
"Ah... Oo, syempre naman." tarantang sagot niya. "Sino ba iyan? Hindi ka ba mapapahamak dahil sa kanya? Alam mo naman na ayaw ng lolo mo sa mga babaeng napapalapit sa pamilya niyo."
"Wala akong pakialam sa kanila." saad ni Eight nang paakyat na sila sa Hagdan papunta sa Second floor.
Ngunit napahinto sa pag hakbang ang mommy niya at kaagad na hinawi nito ang buhok na nakaharang sa mukha ni Hayasein. "Ano po bang ginagawa niyo."
"Nako, binata kana talaga at napaka galing mong pumili. Kaya pala pati ang lolo mo ay sinusuway mo dahil worth it naman, maganda sya at mukhang mabait." nanunuksong saad ng ina niya patungkol sa babaeng karga niya.
"Ano po bang ibig niyong sabihin? Itikom niyo nga po ang bibig niyo." tumaas ang nguso ni Eight nang magpatuloy sa paglakad ang mommy niya.
"Yang Girlfriend mo, maganda siya." ulit na puri nito.
"School mate lang po at wala nang iba."
"Pero wala kapa namang school mate na naipakilala sa'kin?"
"Mom, nawalan kasi siya ng malay alangan namang hayaan ko siya doon?"
"Pero may sarili kayong Hospital sa Campus niyo ah?" depensang saad ng ina tsaka binuksan ang pinto ng kwarto.
Pumasok si Eight at inilapag si Hayasein sa kama. "Dahil may iba akong pakay." naging seryoso ang boses niya, humarap siya sa mommy niya at halatang seryoso ito sa sinabi niya. "Nakauwi na ang bunso kong kapatid hindi ba?"
Hindi nakaimik ang mommy niya at tila gulat na gulat sa narinig. "Yang dugo sa ilalim ng damit niyo, Kay Yana yan hindi ba?" hindi padin nakasagot ang mommy niya.
"Kayo na po muna ang bahala dyan sa kasama ko." bilin niya. Akmang maglalakad na siya pababa ng hagdan pero tumigil siya at naglakad pakanan.
Binuksan niya ang nakasarang pinto at tumambad sa kanya ang nakadapang babae, taimtim itong natutulog habang walang suot na saplot pang itaas dahil sa mga Sariwa nitong sugat sa Likod.
BINABASA MO ANG
I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update)
AcciónSa Isang malayong lugar ay mayroong Eswelahan na nahahati sa Dalawa ang isa Ay tinatawag na West Bridge, limitado lamang ang nakakapasok na kung saan mga maharlikang Estudyante lamang ang maaaring makapasok, anak ng presidente, mga bilyonaryong pami...