🎀Chapter 12🎀

56 14 2
                                    

🎀HAYASEIN🎀

Biyernes ng umaga, Nang mag dilat ang mata ko kaagad akong napabalikwas nang bangon tsaka mabilis na kinuha ang phone sa gilid nang drawer na katabi ng kama ko.

'Late na pala!'

Nasabi ko sa sarili ko nang makita ang oras sa screen. Binaba ko muli ang phone tsaka tamad na naglakad patungo sa Bathroom, pinihit ko ang handle ng shower tsaka pumikit habang dinadama ang lamig na taglay ng tubig.

'Paano ko mahahanap ang sagot sa mga tanong ko kung palaging haharang ang diyablong yon.'

'Sa tingin ko ay, nagugustuhan na kita..'

'Sa tingin ko ay, nagugustuhan na kita..'

'Sa tingin ko ay, nagugustuhan na kita..'

Napataas ang kilay ang ko, 'Pinagtritripan niya ba'ko?' sa sandaling minuto ay napahawak ako sa noo ko kasabay ng pag hagod pababa papunta sa buhok kong basa dahil sa tubig na dumadaloy sa shower.

Lukot ang mukha kong nakagat ang pang ibabang labi habang nakapikit. 'Isa ma'y walang nasasagot sa mga katanungan ko.'

Bumalik lamang ako sa ulirat ng may kumatok sa pinto ng banyo.

"Besh!" tawag ni Yana kasabay ng dalawang sunod na pag katok.

'Huh? Bakit nag iba yata ang ihip ng hangin at narito suya ngayon?'

"Siguro'y balak mo talagang mag pa-late, nahiya ka lang sa'kin." bungad niya ng makalabas ako, napanguso na lamang ako tsaka sumabay sa kanyang maghintay ng school bus na dadaan. "May activity yata kayo ngayon sa P.E kaya kakailanganin mong magdala nang pants."

Pants!

Napatingin ako sa bag ko kung saan naroon ang pants na hiniram ko mula kay Eight.

"Hoy! Makikinig kaba?" tanong ni Yana kasabay ng bahagyang pag tapik ng isang kamay niya sa braso ko.

"Ah a-anong klaseng activity?" kaagad na tanong ko.

Nag kibit balikat siya. "Hindi ko alam eh kahapon ay hindi nakadalo ang karamihan sa inyo kaya ngayon ay iyon ang gagawin niyo maghapon."

"Paano mong nalalaman ang mga bagay na iyan?" tanong ko, ayaw kong malaman niya na may ideya ako kung nasan siya kaya pipilitin kung mag mukhang walang alam.

Ngumiti si Yana, "Ganun naman ang magkaibigan diba? Kailangang nagbabantayan." natatawang ani niya. "Wag kang mag alala papanuorin kita, Sa Activities niyo."

'Paano? Eh nasa East ka!' gusto ko iyong itanong ngunit muli, na naman siyang nagsalita.

"Nakita ko si Ck sa school kahapon."

Heto pa ang isa!

"Nakita ka niya?" kabadong tanong ko.

"Alam kong ayaw mo kaya nag tago ako, kinausap siya ni Dean matapos ay umalis din, nga pala baka mas dumalang pa ang pag i-stay ko sa unit natin kaya hinintay kita para hindi ka mag alala." nakangiting ani niya.

"Saan ka namamalagi kung ganun?" nag aalalang saad ko ngunit tanging pag ngiti niya lang ang tumugon sa'kin dahil dumating na ang School bus na sasakyan niya.

Hindi ko na talaga alam kung ano ang uunahin ko, si Yana ba o ang pagkatao ko?

Dumaan ang panibagong dilaw na bus, kung saan nakabalandra sa katawan nito ang malaking lettering ng 'WESTBRIDGE UNIVERSITY SCHOOL BUS'

Naghintay ako hanggang makasakay ang iba pang naroon, matapos ay akmang tatapak ako sa hagdan papasok nang maunahan ako ng panibagong paa na nakasuot ng makintab na black shoes pang lalaki.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon