🎀Chapter 17🎀

45 13 2
                                    

"Borex!" nangangalaiti ang tunay na ina ni Hayasein nang sagutin ang tawag niya. "Nasaan ang Anak ko!" nakakunot ang noo nito.

"Huwag ka nang mag alala, magiging okay din ang anak mo." Alexa. "Tulad mo ay mukhang namana niya ang matitigas mong buto." nagbibirong saad ng Lalake na tinatawag na Borex. "Hindi ako maaaring makialam Alexa, professor ako sa East at hanggang don lang yun kung hindi ay mapapahamak si Master Jiro."

Halos mapakurap si Alexa nang, banggitin nito ang pangalan ng asawa niya, pero pilit niyang hindi pinahalata ang Galak sa puso niya. "Hindi ako magiging okay hanggat hindi pinakakawalan sa punong iyon ang anak ko! Nasan si Alyana bakit wala, suyang ginagawa?" nakatuon ang kamay ni Alexa sa mesa habang nasa kawalan ang matatalim nitong titig.

"Wala si Alyana, mukhang nag papagaling pa ng sugat niya, tsaka tiyak na nagalaw lang nila ang Anak mo dahil wala roon ang mga Rank student. Bakit ba kasi, napasok siya sa East, samantalang nananahimik na nga siya sa West!"

"Ang matandang iyon! Hindi siya talaga titigil hangga't hindi kami, nauubos!" gigil na ibinaba ni Alexa ang Telepono samantalang napa buntong hininga si Borex dahil mula sa office niya ay natatanaw niya si Hayasein na namumutla na ang mga labi dahil sa labis na uhaw.

"Tsong Wala ba tayong gagawin?" ani ni Kevin, isa pang proffesor sa East. Nakasandal ang kalahati niyang katawan sa pinto habang nakatanaw din sa dalagang naroon sa puno.

"Wag mo kong tawaging tsong piste ka!" suway ni Borex.

"Ang batang Sillvannia." patungkol pa nito kay Eight. "Iba siya kumpara sa mga matatandang Silvannia, alam kong gagawin niya ang tama kaya tayo na sa klase." binitbit nito ang mga libro tsaka naglakad palabas ng office. "Wala na si Alexa sa Kulungan."

"Talaga?" sabik na saad ni Kevin. "Ibig sabihin ba ay makakaalis na tayo dito at makakapag asawa na tayo?"

Kamuntikan na siyang mabatukan ni Borex dahil sa sinabi. "Siraulo ka talaga fourty three na tayo kaya wag ka nang umasa!" inis na ani nito tsaka dumeretso sa room niya. "Good morning Class." bati niya sa mga Senior na Estudyante ngunit isa ma'y walang sumagot sa kanya, animo'y walang professor sa harap. Patuloy lamang ang mga Estudyante sa kung ano ang ginagawa ng mga ito. Mayroong naninigarilyo, mayroong nag do'droga halos lahat ay may kanya-kanyang bisyo.

Napangiwi si Borex dahil sa loob ng dalawampung taon na pagkaka kulong sa lugar na ito ay mukhang ngayon lamang siya napuno at nakaramdam ng pagka inis lalo na nang malaman niyang nakalaya na si Alexa.

Hinubad niya ang jacket na suot niya tsaka kinuha ang baril na nakasukbit sa likod niya tsaka iyon ikinasa.

"Magtaas ng kamay ang hindi makikinig sa'kin." ani ni Borex pero wala paring tumingin sa kanya kaya napilitan siyang asintahin ang kisame ng kwarto.

*Boogsh!

Isa iyong Shotgun na pinasadya pero hindi bala ng baril ang iniluluwa kundi bulitas na maliit na mayroong kulay kapag sumabog pero nagawa parin nitong mabutas ang kisame.

Dahil sa takot ay napilitan ang mga estudyante na umayos ng pagkakaupo. "Good." tatawa-tawang saad ni Borex.

"Sir!" nag taas ng kamay ang babaeng may piercing sa kilay na mayroong violet na buhok. "Alam, niyo po ba kung bakit nakatali iyong babaeng mula sa West sa puno?"

"May bali-balita kasi na mayroong Estudyante na mula dito sa East ang tumapak sa west kaya pinarusahan ito ngunit may nakakita na ang babaeng daw na iyon ang nagpakawala sa mga Tiga East."

"Pero sir, apat na araw na po siyang walang pahinga at kain o kahit pag inom manlang!" tutol nang isa pang Estudyante. Hindi nakasagot si Borex kahit pa mas masahol pa doon ang alam niya, gusto niya man pakawalan ito ay wala naman siyang magagawa dahil isang maling galaw niya lang ay may buhay na mapapahamak.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Hoy! Dalawang araw na ah! Hindi ka padin mag sasalita?" nakangiwing saad ni Raizen. "Ivo! Nabuburo na'ko dito."

"Hayaan mo, hawak ko naman na ang pamilya nya." ani ni Ivo habang hawak ang cellphone niya.

"Hahaha hindi mo'ko maloloko." ani ng lalake na bihag parin nila, sarado na ang kaliwang mata nito at puro pasa na din ang buong mukha nito dahil sa kagagawan ng dalawa.

"Okay~" pinindot ni Ivo ang phone niya.

"Papa tulungan mo kami! Please!" ani ng boses ng bata mula sa linya. "Pakiusap maawa ka sa'min ng anak mo!" nag mamakaawang saad ng boses ng babae matapos ay pinatay ni Ivo ang Linya.

"Sa totoo lang ay nabuburyo na rin ako eh... kaya sige, subukan mong huwag magsalita sisiguraduhin kung hindi mo na sila maabutan." seryosong saad ni Ivo.

"M-mag sasalita na'ko! Magsasalita na'ko." tarantang saad ng lalake.

"Haist! Magsasalita ka rin naman pala eh, pinapatagal mo pa!" inis na saad ni Raizen.

"P-pinasundan k-kayo ni Ma'am Thalia."

"Si Nathalia? Bakit?" buryong na saad ni Raizen.

"Ano- kase- yung Hayasein. Balak siyang patayin ni Ma'am." hindi nito, natapos ang sasabihin niya nang magkatitigan si Raizen at Ivo tsaka nagmadaling lisanin ang lugar para tumungo sa East.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon