🎀EIGHT🎀
"Young Master, pinasusundo po kayo ng GRAND MASTER." wika nang butler sa harap ko kasabay ng pag yuko kasama nang anim pang kalalakihan na ngayo'y nakaluhod sa likod niya senyales ng pag bibigay galang sa'kin suot ang unipormeng purong itim, hindi ako umimik at bumalik sa kotse ko. "Hindi na kita maihahatid." seryosong saad ko patungkol kay Hayasein.
"S-Sino S-Sila?" kinakabahan siya ngunit mahirap ipaliwanag kaya't sa halip na sumagot ay tumalikod ako tsaka nag lakad palapit sa mahabang sasakyan na kadalasang sumusundo sa'kin papunta sa mansyon.
Mabilis ang naging pag tayo nang isa sa kanila para pagbuksan ako ng pinto. Nanatili akong tahimik sa loob habang binabaybay ang lihim na daan sa likod ng eskwelahan mula sa kaninang simpleng pag kakaupo ay umayos ako at nagcross legs kasabay ng pag pikit ng mata.
Batid kong wala paring pag babago ang daang ito kaya bakit pa'ko mag aaksaya ng panahon para tanawin ang bawat detalye ng walang kwentang lugar.
Bukod sa mga puno kung saan naka kabit ang mga camera ay nakapalibot pa dito ang mga walang kwentang gwardya na nag sisilbing bantay sa dulo kung saan itinuturing kong Empyerno.
'Ipinasundo ako ni Lolo para kwestyunin ang pangingialam ko kanina.'
"Sinusubokan mo ba talaga ko?" bungad ni Lolo, na naro'on ang pag babanta sa tono niya. "Darating ang panahon na ikaw ang papalit sa posisyon na mayroon ako kaya ngayon pa lamang ay binabalaan na kita Estiven Ieon Throy! Kailangan mong kitilin ang buhay ng huling tagapag mana ng Mc Cleary." galit na saad niya ngunit kalaunay tumikhim siya upang pakalmahin ang sarili. "Hindi ka magtatagumpay kung patuloy mong paiiralin ang puso mo." batid kong si Yana ang tinutukoy niya.
"Sabihin niyo sa'kin, iyong babaeng kaibigan nang kapatid ko anak ba sya ng lalakeng nasa Under ground ng East." bahagya siyang nagulat dahil alam kong inilihim niya ito ng maigi ngunit sa kabila noon ay nalaman ko padin.
"Hahaha sige, mag unahan kayo ng Black Phantom sa, pag kitil sa babaeng iyon."
'Eh ano naman kung napatay ko siya?'
"Sinabi ko na sa inyo, wala akong planong sumunod sa yapak niyo kaya't kay Gray niyo na lamang ilaan iyon lolo."
"Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo! Anak lamang siya sa pagkakamali ng walang kwentang babae na nag luwal sa'yo."
Gusto kong mag wala dahil sa paraan kung paano niya bastusin ang kauna unahang babae na minahal ko at nag alay ng buhay para manatiling buhay ako. Ang mommy ko... siya ang walang kwentang babae na sinasabi mo!
"Kung ganoo'y hayaan niyo din akong tawagin bilang walang kwenta niyong apo."
Nag baba ako ng tingin tsaka inaalala ang mga nakaraan.
~FLASHBACK~
Nakangiti kong hawak ang regalo para sa kaarawan niya habang patuloy na nag dri drive ng kotse palapit sa bahay nila, ngunit gano'n nalang kabilis ang pag tibok ng puso ko nang makatanggap ng mensahe mula sa kanya.
~Kuya Ieon, tulungan mo kami maraming armadong lalaki ang nakapalibot sa bahay na'min!.~
Nabalot ako nang takot dahil baka wala na akong ma abutan, nang gabing iyon ay umaangil ang gulong ng kotse ko senyales na sagad na ang bilis na naibibigay nito pero para sa'kin ay mabagal parin yun sa kagustuhang makarating kaagad sa bahay nila bitbit ang matinding pag aalala.
Nang matanaw ko ang gate nila ay lalo akong natakot ng marinig ang sunod sunod na putok ng baril.
Mabilis kong tinakbo ang lugar na iyon papasok at inabutan kong nakahandusay ang ilang mga katawang wala nang malay.
BINABASA MO ANG
I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update)
AcciónSa Isang malayong lugar ay mayroong Eswelahan na nahahati sa Dalawa ang isa Ay tinatawag na West Bridge, limitado lamang ang nakakapasok na kung saan mga maharlikang Estudyante lamang ang maaaring makapasok, anak ng presidente, mga bilyonaryong pami...