🎀Chapter 9🎀

69 19 3
                                    

Nakapamulsang tinungo ni Eight ang Venue sa loob ng Entrance ng building.

Sinwipe nito ang Rank Card niya at mabilis na bumagsak ang Calamansi Soda. Pag pulot niya noon ay naglakad siya para humanap ng magandang Hotspot pero naagaw kaagad niya ang atensyon niya ng apat na kalalakihan.

"Huh? Taga East ba ang mga yon?"

Balak ba talaga nilang gumawa ng gulo?

'Haiist! Pag kakataon nga naman! Sa babae na namang iyon?'

Sa Tantya niya ay Nasa Sampong kilometro ang layo ng mga ito sa kinatatayuan niya pero isa lang ang malinaw.

'Kinakaladkad nila si Stupid.' nasabi niya sa isip niya.

"Sabi ko gusto ko siyang paslangin kapag nagkasalubong kami pero bakit palaging may umeeksena?" iritang ani niya tsaka nag lakad.

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanila habang tinatahak ko ang mas madaling daan para makalapit.

Akmang hahawakan ang damit ni Stupid ng isa sa Apat, malamang na dahil gusto nilang makita ang katawan nito.

'Tsk! Mga walang taste!'

'Hindi yata ako makakaabot'

"Pwede ba binatawan niyo ko!" angal na saad ni Hayasein at pilit na nag pupumiglas pero wala siyang magawa dahil hawak ng dalawang lalaki ang parehong braso niya.

"Hihihi. Hindi naman nasabi ni Master Spaid na ganito pala kaganda ang babaeng gusto niyang ipakidnap satin." saad ng lalaking may hawak sa kanang braso niya. "Kahit hindi ako lumapit ay naaamoy ko kung gaano siya kabango."

"Pwede ba! Kapag nakawala ako pag sasapakin ko kayo!" saad ni Hayasein.

"Oh, eh pano yan eh hindi ka nga makawala." saad naman ng lalaking may hawak ng kutsilyo. "Gusto kong malaman kung anong kulay ang suot mo kapag nawala ang damit na puti na yan." ani pa nito tsaka pinaikot ang dila niya paikot sa labi niya at tila takam na takam sa putaheng nakahain sa harap niya.

"Ha, anong gagawin mo!" kaagad na ginapangan ng takot ang buong katawan ni Hayasein. "Please, pakawalan niyo na ko." nag mamakaawang saad ni Hayasein pero hindi siya pinakinggan ng mga ito sa halip ay inamba nito ang kutsilyo sa dibdib na bahagi ng damit ni Hayasein para tastasin ang suot niya.

"EIGTH!!!" malakas na sigaw ni Hayasein habang nakapikit, hindi niya alam kung bakit ito ang naisip niyang isigaw basta nagulat na lamang siya sa isinigaw ng bibig niya iyon.

"Hoy." iyon lamang ang sinabi ng boses mula sa madilim na bahagi ng lugar.

Hindi nag dalawang isip si Eight na bumwelo para ibato ang Soda na hawak niya.

BULL's EYE!

'Tsk! Sayang naman yung soda' nasabi niya sa isip niya.

Kasabay ng malakas na pagtama ng Soda sa mukha ng lalaking may kutsilyo dahilan para bumulagta ito.

"Sino yun?!"

"Tignan nyo!"

Humangin ng malakas dahilan para gapangan ng matinding panlalamig Ang tatlong natitira, halos mabitawan ng dalawa ang braso ni Hayasein dahil sa Takot.

Dahan dahang nagpakita ang lalaki mula sa dilim at bumungad ang Walang emosyong mukha ni Eight, nakasuksok ang kamay niya sa bulsa habang tinatangay ng hangin ang malambot niyang buhok.

"Si eight!"

"Katapusan na natin!"

Sa sandaling iyon ay hindi siya nakita ni Hayasein bilang si Eight, nakita niya ito bilang isang napaka gwapong binata.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon