🎀Chapter 5🎀

72 19 1
                                    

Naka upo paikot ang pitong miyembro ng Black Phantom sa sofa samantalang ang pinuno nila ay nanatili sa pag simsim ng alak na kulay lila sa malimaw at mamahaling baso habang naka upo sa kanyang trono.

"H-hindi ko po napatay iyong babae." na nanginginig ang boses ng lalaking nakaluhod at tila takot na takot.

Padarag na tumayo ang isa pang lalaki mula sa sofa
"Ano? Napaka simple lang ng inutos ko hindi mo pa magawa?" galit na anito.

"Kumalma ka Spaid." saad ng babae na siyang may maamong mukha hawak ang pusa na nasa kandungan niya.

"Sabihin mo nga Beatrix paano ako kakalma kung ang simpleng babaeng iyon ay hindi natin ma kitil!" depensa muli ng nag ngangalang Spaid.

"Nasa tuktok ako ng building kanina sa pinangyarihan ng insidente at may pakialamerong lalaki na nag ligtas sa babae." nakataas ang kilay ng isa pang babae na may walong kulay ang buhok.

"Papasok ako sa West bridge, Kasama si Nuckel."

Lahat sila ay natigilan, "Pero Pinuno!" kaagad na tutol ng may walong kulay na buhok.

"Wala pang nakakakilala sa akin kahit pa si Eight kaya't bakit kayo matatakot." nakangiting saad ng pinuno na lalong nagpahulog sa loob ng babaeng kumontra kanina lang.

"Yung laway mo Avanshien! Hihihi." biro ni Nuckle sa babaeng may kulay ang buhok. "Exciting to, gusto kong makita kung ano ba ang itsura ng babaeng pakialamera." nakangising saad ni Nuckle na halos mag mukha nang pusa sa pag kakangiti. "Sayang dahil saglit ko lang napanuod ang pag papahirap kay Primotivo. Gusto kong pag laruan ang babaeng iyon hihihi."

Ang Black Phantom ay nag hahanda sa magiging pagkikita nila at ng grupo ni Eight.

Naging mabilis ang mga araw hanggang sumapit ang Lunes, ito ang unang araw para sa pag bubukas ng klase. Ngunit sadyang naiiba ang Eskwelahan kung saan nag parehistro ang magkaibigang sina HAYASEIN VILLAMORIZ at ALILLYANA SATFORD.

"Besh!" umalingawngaw ang boses nang kaibigan ni Hayasein nang magkita sila sa Entrada ng isang pribadong villa na pag mamay-ari din ng Eskwelahan. "Natanggap mo na ba yung envelope?"  saad pa ng kaibigan niya patungkol sa sobre ng imbitasyon nang eskwelahan, nakahayag doon ang tungkol sa dormitoryo pati na ang mga patakaran sa, pananatili dito. "Grabe, ganun sila ka sosyal! Biruin mo may sarili silang Dorm na ganito tapos mamaya daw ay may Opening party para sa mga bago." napaikot ang mata ni Hayasein sa binanggit nang kaibigan, napapaisip siya kung saan ba nito nalalaman ang mga bagay na iyon gayung parehas lamang silang bago sa Lugar na iyon.

'Kung para sa'yo ay masaya ito, mukhang para sakin ay para itong Bangungot na kailangan kong harapin.' iyon ang nasa isip ni Hayasein sa mga oras na iyon matapos niyang makatanggap ng mga mensahe ng pagbabanta mula sa kinaiinisang lalake.

'Ihanda mo ang sarili mo dahil ano mang oras ay maaari mong makaharap ang iyong kamatayan'

Ayaw niyang paniwalaan ang mga sinabi ni Eight pero hindi iyon maalis sa isip niya lalo na ang BLACK PHANTOM gayong hindi pa man niya ito nakakaharap.

Dahil sa labis na pag iisip ay hindi niya manlang namalayan na nakarating na pala sila sa numero ng Unit na ibinigay sa sobreng ipinadala.

Naroon at naghihintay ang lahat ng mga bagong estudyante kabilang na ang babaeng may walong kulay ang buhok na miyembro ng Black Phantom.

Iginala nito ang kanyang mata para tukuyin kung nasaan ang babae na siyang nakialam nung araw ng Enrollment, hindi niya nakita ang mukha nito nung huling sinundan niya ito sa Villa kung saan pumunta si Hayasein.

'Kung mapapaslang ko siya dito ay hindi na kinakailangan na pumasok ni pinuno sa paaralan ng West.' nakangising saad nito sa isip niya.

"Magandang umaga." panimula ng matandang babae na naroon, naka salamin ito at naka pulupot ang buhok sa suot nang lumang kasuotan na formal. Naka saya siya na damit na hanggang siko ang manggas nasa kaliwang kamay niya ang abaniko na iwinawasiwas niya ng bahagya sa ilalim ng mukha niya.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon