🎀HAYASEIN🎀
"Nandito na'ko." masiglang saad ko, sinadya ko pang ihagod ang kamay ko sa Coffee table counter para kuhanin ang atensyon ni Mommy Chairyl, nakangiti akong pumasok at inabutan kong nagtitimpla si Calvin ng Kape.
"Wow... Special?" biro ko, sa pagkaka alam ko kasi ay ako lang ang tinitimplahan niya kaya't napaka special naman ng customer na pagbibigyan niya yan.
"Nandyan sila Eight eh." ewan ko ba, pero may ibang dating sa akin ang tonong ginamit niya kaya't nginusuan ko siya. Palihim akong sumilip sa mga bakanteng mesa hanggang sa huminto iyon sa tatlong lalake na naguusap.
Si Raizen, Ivo at... napako ang paningin ko sa lalakeng naka cross arms at nakasimangot habang nakatanaw sa akin, tila ba pinagbabawalan ako na titigan siya kaya't nginusuan ko siya pero tumaas ang kilay niya hindi ako nagpatalo sa halip ay siniringan ko siya.
"Maiwan muna kita, kakausapin ko lang sila." nakangiting saad ni Calvin, naka cross arms ko siyang pinagmasdan hanggang sa makalapit ito sa Mesa nila Eight.
Palihim kong sinilip muli si Eight at halos mapatawa ako nang makita kung paano lumukot ang mukha nito matapos tikman ang Kape.
"Hihihi." naisatanig ko nang hindi ko makayanan.
"Kilala mo ba sya?" tanong ni mommy, narito siya at nakayuko ka level ko.
"Schoolmate ko po." natatawang saad ko. Napalingon ako nang hindi sumagot si mommy pinagmamasdan niya ako ngunit, nababasa ko ang lungkot sa mata niya.
"Ang mga ngiting iyan dahil sa binatang iyon, sana ay hindi iyan mapalitan ng Hinagpis at pagtatangis oras na malaman mo kung ano ang papel ng lalakeng iyan sa buhay mo."
Pakiramdam ko ay biglang nawala ang saya na naramdaman ko, muli kong nilingon si Eight na nakasimangot na naman. Dapat ko ba syang iwasan?
Siguro ay may alam talaga si Mommy Chairyl sa buong pagkatao ng Nanay ko.
"Aya..." agaw pansin ni Calvin. "Pwede mo ba akong igawa ng Caramel macchiato? Hinahanap kasi ni Eight ang timpla mo." kung normal na pangyayari ay tiyak na ngingiwi ako sa sinabing iyon ni Calvin pero dahil iniisip ko ang sinabi ni Mommy Chairyl ay natimpla ko ang kape na iyon ng wala sa sarili.
'Ang lahat ba ay nakatadhana pati ang pagsasalubong namin ni Eight? May alam ba siya tungkol sa'kin?'
Kasalukuyan akong nakatulala habang nakasakay sa Taxi pabalik sa bahay, pinakiusap ni Calvin na huwag na'kong bumalik sa lugar na iyon pero hindi pwede.
Napangiti ako sandali, bakit nga ba ngayon lang sumagi sa isip ko? Isang linggo akong nakatali sa punong iyon pero kataka-takang hindi ko manlang nakita si Yana, kahit pa kaunting anino niya ay hindi ko manlang naramdaman alam kong may ideya siya tungkol sa lugar na iyon dahil kapatid niya si Eight pero hinayaan niya paring makapasok ako don?
'May Alam siya sa pagkatao ko, natitiyak ko iyon at palagay ko ay ganun din si Eight.'
Si Mommy Chairyl, wala ba talaga siyang alam tungkol sa magulang ko bukod sa pangalan nila? O ayaw niya lang talagang sabihin?
Kinuha ko ang envelope na natanggap ko kanina lang bago ako tumungo sa Coffee shop tulad din iyon ng invitation na dumating nang enrollment sa West.
'Nakarating kana sa Pinto, kaunti na lamang at mahahanap mo na ang pinaka malaking kakulangan sa nawawala mong pagkatao.'
Paniguradong ang East ang tinutukoy sa mensaheng ito, at tiyak na naroon din siya sa lugar na iyon kaya't kailangan kong manatili sa East para bigyan ng kasagutan ang lahat ng katanungan ko.
Napabuntong hininga ako. Parang kailan lang ay naghahanap ako ng sagot kung ampon nga lang ba'ko at mabilis naman iyong nasagot. Nakalikom pa nga ako ng ilang detalye tungkol sa mga magulang ko.
Kasunod naman ang pagkikita namin ni Eight, pinagbantaan niya ng ilang ulit ang buhay ko pero nakakapag taka na ilang ulit niya rin iniligtas ang buhay ko sa kamay ng Black Phantom kahit pa hindi ko naman hinihiling iyon. Kaya't hangga't maaari ay pinipilit kong kontrolin ang sarili ko dahil ayaw kong makasakit ng kapwa ko, pero kung isa sila sa haharang sa bawat daraanan ko ay, hindi ako magdadalawang isip na paslangin silang lahat.
Nakakapanghinayang lang ang mga Effort na Ginawa ko, sinadya kong mag mukhang mahina dahil nag babaka sakali ako na lumabas ang Nanay ko sa tuwing nasa panganib ako pero wala akong napala.
Isang taon ang aking tiniis para makuha ang impormasyong nakalaya na siya sa kulungan, kinailangan ko pang pumunta sa Alpha.At dahil na rin sa yapak ni Alexa ay hindi manlang ako nahirapan na makapasok doon, nakakapanghinayang lang dahil hindi ako nagkaroon ng Ranggo Matapos akong tapatin ng Heneral doon. "Paniguradong magiging Elite Commander ka kung nasa tamang edad ka lamang."
Pero sapat na ang mga natutunan ko para makipag laro sa mundong ginawa ng mga kalaban ni Alexa. At sisimulan ko iyon ngayon.
BINABASA MO ANG
I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update)
ActionSa Isang malayong lugar ay mayroong Eswelahan na nahahati sa Dalawa ang isa Ay tinatawag na West Bridge, limitado lamang ang nakakapasok na kung saan mga maharlikang Estudyante lamang ang maaaring makapasok, anak ng presidente, mga bilyonaryong pami...