🎀Chapter 19🎀

43 9 2
                                    

Padarag na binuksan ni Eight ang pinto ng Dean Office tsaka ibinagsak ang dalawang kamay niya sa mismong harap ni Esteven.

*BLAAAAG!

"Ano ba talagang balak niyo!" galit na ani ni Eight sa lolo niya. "Una! Tinapon niyo si Yana sa impyernong iyon! Pangalawa ay dinamay niyo pati ang kaibigan niya!" hindi nito napigil ang pag sigaw niya. "Gusto niyo ba talagang kamuhian ako ng kapatid ko!" nang gigilid ang luha ni Eight dahil sa galit.

"Kumalma ka apo, dahil si Thalia naman ang gumawa noon para sa'yo." nakangising ani ni Esteven.

"Lolo!" sigaw ni Eight na halos lumabas na ang litid nito sa leeg, iniangat niya ang paningin niya tsaka pumikit kasabay ng paghigop niya ng hangin para pakalmahin ang sarili. "Gumagawa kayo ng hakbang na walang pasabi manlang sa'kin? Bakit Gusto niyo din bang gumawa ako ng hakbang na wala ang utos niyo."

Napatayo si Esteven kasabay ng pag bagsak din niya ng palad sa mesa. "Kinakalaban mo ba'ko Estevan Ieon Throy!"

"Wala po akong binanggit pero kung ganun ang dating sa inyo, wala akong magagawa sa susunod na galawin niyo ang babaeng iyon ay hindi ako magdadalawang isip na makipag usap kay Alexa Chadreia para pigilan kayo."

Nasabi iyon ni Eight dahil iniisip niya ang kasunduan sa pagitan ng babaeng iyon at nang bunsong kapatid niya.

"P-paano mo nakilala ang taong iyon!" galit na sigaw ni Esteven kahit pa nauutal siya.

Hindi sumagot si Eight sa halip ay tinalikuran niya ang sariling Lolo nito.

"Eight.." bungad ni Ivo nang makalabas si Eight sa office.

Nakapamulsa niyang tinungo ang Office ng mga professor. "I suggest to make a Party with in one month, pati na ang Campus Queen ay babaguhin na." ani ni Eight.

"Pero bakit?" ani ng babaeng proffesor sa English.

"Isang tanong mo pa ay sa Deathris kita dadalhin." nakakatakot ang paraan kung paano magsalita at umasta si Eight. "Ngayon, magsisimula na ang totoong laro." ani ni Eight tsaka nagpatuloy sa paglakad kasama si Ivo at Raizen.

Tinungo nilang tatlo ang classroom kung saan naroon sila Thalia. "Kailangan kitang makausap." malamig na saad ni Eight. "Pati ikaw, Sa punishment room." tukoy nito kay Avanshien.

"Bro hindi kaya maging tagilid tayo sa Gregx Group?" bungad ni Raizen pag labas ni Eight.

"Subukan nila na kantiin ang isa man sa'tin ay hindi ako mag dadalawang isip na papuntahin ang babaeng Mc Cleary dito." tukoy ni Eight sa ina ni Hayasein.

"Sinong babae?" takang tanong ni Ivo. "Si Alexa ba? Iyong Captain ng Alpha? Pero hindi ba't kalaban siya ng ating pamilya?"

"Sa bawat kwento may nakatagong sekreto paano kung siya ang nag sasabi ng totoo?" ani ni Eight.

"Ibig mo bang sabihin ay Kakampi tayo sa babaeng iyon at tatalikuran natin ang ating pamilya.?"

"Wala akong sinabing ganun." ani ni Eight bago buksan ang Kwarto kung saan naroon si Hayasein at Calvin.

"Anong lagay niya?" ani ni Ivo.

"Minor lang naman ang mga sugat niya iyon nga lang ay napagod siya ng husto dahil ilang araw siyang walang pahinga." ani Calvin.

"Teka, tama ba ang pagkakaintindi ko na magkapatid kayo?" tanong ni Raizen, tumango si Seken. "Pero matagal na namin siyang binabanggit sa'yo."

Napayuko si Seken "Ang tanga ko nga sa Part na hindi ko manlang nalaman na siya pala yung hinahabol ng Black Phantom."

'Malamang na walang ideya si Calvin tungkol kay hayasein.' iyon ang laman ng isip ni Eight pero itinikom niya lamang ang bibig niya dahil kulang pa ang mga alam niya. "Tama na yan, puntahan mo na si Thalia at kausapin mo siya nandon siya sa Punishment room. " ani Eight.

"Ginawa niyang hayop ang kapatid ko kaya ipararanas ko rin iyon sa kanya." ani ni Calvin. Tsaka binuksan ang kwarto palabas.

"Teka! Sino ang maiiwan kay Hayasein kung lahat tayo ay pupunta ron?" ani ni Ivo.

"Ako na lang." nakangising saad ni Raizen. Napataas ang kilay sina Eight at Calvin dahil wala talaga silang tiwala sa kaibigan nilang ito pag dating sa babae.

"Ako na." lahat sila ay napalingon sa pagsulpot ng panibagong boses.

"Kenzo?" chorus na saad nina Ivo at Raizen.

"Paano ka nakapasok dito?" ani ni Ivo. Pumosisyon si Raizen dahil iyon ang unang batas ng East, paslangin ang mga taong nakakaalam ng sikreto ng paaralan.

"Huwag kayong mag alala." ani ni Kenzo tsaka iniangat ang manggas sa bakikat nya at bumungad ang tatoo nito '~G-5~' na katulad sa mga Rank Student "Ako ang ika-lima."

Ang tatlo ay nagulat dahil ang inaakala nilang lampa na si Kenzo Gray ang siyang ika limang miyembro ng magic eight, maliban kay Eight na nakatanaw lang dito. "Tayo na." anyaya ni Eight.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Sabihin mo kung bakit mo iyon nagawa kay Hayasein!" matigas na tanong ni Seken kay Thalia.

"At bakit hindi? Pilit niyang inaalam ang tungkol sa East hindi ba at ganon naman dito? Ang matapang mananatili at ang mahihina ang syang mamamatay, bukod don ay pinakawalan niya ang dalawang bihag." sarkastikang ani ni Thalia.

"Pero yung bihag ang siyang inutusan mo para parusahan siya? Tama ba yun?" ani ni Ivo patungkol kay Avanshien na tahimik na naka upo.

"Paano mo nasabing siya ang nagpakawala? Siguro ay naroon ka?" bawi ni Eight na ikinalunok ni Thalia.

"S-syempre, iyon ang sabi-sabi sa west " confident na sagot ni Thalia ngunit hindi nito maitatago ang kaba sa loob niya dahil siya talaga ang may kagagawan noon na katuwang si Spade na myembro ng black phantom.

"Utos ni Dean na patayin ang babaeng iyon." natahimik sila sa pagsagot ni Avanshien. "Lahat ng Black phantom ay nag nanais na makitil ang babaeng iyon para sa kalayaan!" hindi makapaniwalang nilingon ni Raizen si Eight, alam nila na pumapatay ng tao ang pamilya nila ngunit hind kabilang ang inosenteng tulad ni Hayasein.

"Matapos kitilan ng mga buhay ang pamilya namin nang mga Ama niyo ay Ilang taon kaming ikinulong dito kaya't bakit kami magdadalawang isip na hindi siya paslangin!" matapang na saad ni Avanshien habang nang gigilid ang luha nito.

Itinikom ni Ivo ang kamao niya. "Hindi totoo yan! Huwag kang manira!"

"Totoo ang lahat ng sinasabi ko! Inangkin ng organisasyon ang mga kayamanan namin matapos ay pinagpapatay sila kaya kami nandito ngayon!"

"Ano ba!" maarteng saway ni thalia kay Avanshien.

"Alam kong alam mo iyon Thalia dahil gumawa din kayo ng kasunduan." ani ni Avanshien. "Narinig ko ang usapan niyo ni Dean kung mapapatay mo si Hayasein ay hahayaan ka niyang makasama si Master Eight habang buhay, kaya't kung papatayin niyo ako nasisiguro kong lahat ng estudyanteng narito ay magtatangka din sa buhay ng babaeng niligtas niyo."

Ngumisi si Eight. "Akala niyo ba talaga ay maiisahan niyo kaming Rank Student?" ani ni Eight. "Sige kung may mga kasunduan din kayong ganiyan magpapatupad din ako ng panibagong patakaran, ang sino mang humawak sa babaeng iyon ay kikitilan ko ng buhay. Kahit t pa ang buong organisasyon ang makatapat ko." nag babantang boses ni Eight. "Ikaw thalia, ay ibinababa ko sa posisyon mula sa pagiging campus Queen ako si Eatevan Ion Throy at ito ang hatol ng pinaka mataas na Ranggo." walang emosyong ani ni Eight tsaka umalis sa lugar.

"Eight! Please... Magagalit ang daddy ko sa'yo ayokong mangyari yon!" naiiyak na saad ni Thalia ngunit hindi siya pinansin ni Eight.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon