🎀Chapter 1🎀

137 24 2
                                    

Nabalik lamang sa ulirat ang dalaga nang maramdaman nito ang pag piga ni Yana sa palad niyang nakasiklop din ng kanya habang pilit na itinatago ang sarili sa likod ni Alexandreia dahil sa kaba.

"RANK. IN. TROUBLE?" anang ng lalake, wari'y iniisa-isa ang mga salita, malamig parin ang pag bitaw niya sa salitang sinabi tila inilalarawan ang babaeng nambubuyo.

"E-Eight?" utal niyang saad sa alanganing tono kapalit non ang pag ngisi ng lalaki sa kanya pero nanatili ang malamig niyang presensya tila naging dahilan para mabalutan ng katahimikan ang buong paligid.

"Say it again" pinapaulit ng lalake ang salitang 'EIGHT' kalmado ngunit may bakas parin ang pag babanta sa boses nito.

"Eight!" galak na tawag sa kanya ng panibagong lalake na may blonde na buhok.

Napataas ang kilay ni Alexandria nang mabasa nya ang salitang 'PLAYBOY!' base sa personality nito.

"Hahaha-" napatigil ang pag tawa niya nang lumingon ang lalakeng tinatawag na Eight.

"Did you find it." naroon na naman ang maawtoridad niyang boses. Kaya't ang lalaking kaninang tumatawa, ngayon ay nasa seryosong mukha at hindi umiimik.

"Hangga't walang nag babalik ng Badge ID nya ay ibigay niyo ang karampatang parusa na naaayon sa kapabayaan niya." saad niya pa bago tuluyang umalis.

"Eight naman si Primotivo yun!" Apila pa ng lalake.

"Huwag mong tangkain na sumalungat sa utos ko Raizen." ani nito tsaka nag patuloy sa pag lalakad habang nanatili ang kamay niya sa bulsa ng pantalon na suot.

'Eight? Raizen? Primotivo?. Ano bang klaseng mga pangalan iyon.' napanguso naman si Andrei.

"Okay ka lang?" tanong nito kay Yana ng maalala ang kaibigan. Tumango naman ito bilang sagot kahit ang totoo ay halatang hindi siya okay dahil sa butil-butil na pawis sa noo niya.

'Aray...' bahagyang lumukot ang mukha ni Andrei dahil sa kakaibang pakiramdam mula sa tyan niya. "Pupunta muna ako sa comfort room." paalam niya sa kaibigan.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

*SPLASH!

Tunog nang flash sa loob ng cubicle matapos niyang gumamit.

"Ang tanga lang ng mga Rank Student sa University na'to hahaha."

"Yeah, lalo na yung ika anim, isipin mong ganun lang natin kadaling nakuha ang Badge ID nya. Ngayon ay paniguradong parurusahan sya ni Eight at malaking pilay ang mangyayare sa kanila kapag nawala si Primotivo sa grupo nila."

'Sikat ba talaga yung EIGHT?' tanong nya sa sarili nya.

'Pero....' natigilan ito kasabay nang panlalaki ng mata dahil sa narinig. 'Malamang na iyon ang tinutukoy nung lalake kanina. Kung gayon, hindi iyon nawala.' Ninakaw!

'Iyon siguro yung primotivo na sinasabi nung Raizen. Teka? Ano kayang klaseng parusa?. Kawawa naman siya kung luluhod sya sa munggo o baka ibibilad siya sa gitna nang arawan?'

"Sshhh...Don't mention his name! Mamaya marinig ka diyan sa labas."

"Excuse me?" nakaka suya ang bawat tanong na pinakawalan nito. "They are all busy for that stupid newbies."

'Isa ako sa stupid newbies na tinutukoy mo letch* ka!'

"Ilagay mo muna sa bag mo baka masama yan sa flash."

"Eh di mas maganda."

'Ang tagal naman nilang mag usap!.' reklamo niya.

"Oh eh pano tayong magiging ranggo sa university natin kung naiflash mo? Iwan mo na sa labas."

*click!
*click!

Tunog ng pag lock.

Senyales na nakapasok na sila sa loob nang cubicle, iyon ang ginamit na pagkakataon ni Alexandreia para makalabas

Isang hakbang na lang sana ang gagawin nito upang tuluyang marating ang bukana ng pinto palabas ngunit natigilan sya.

"Hangga't walang nag babalik ng Badge ID niya ay ibigay niyo ang karampatang parusa na naaayon sa kapabayaan niya." pakiramdam ng dalaga ay sinadya ng konsensya niya na ulit-ulitin iyon sa tainga niya.

'Kung hindi ko maibabalik ang ID niya malamang na mapaparusahan siya!'

'Kung mahuli ka aber?...Tsaka wala ka naman pakialam don!'

'Sige ka KARGO DE KONSENSYA mo yan!'

Bat kayo nag tatalo! Tulungan nyo na lang ako huhuhu!

"Naku, nababaliw na yata ako" naibulong niya habang nakangiwi.

*SPLASH
*SPLASH

*click!

Nanlaki ang mata niya kasabay ng matinding kabog sa dibdib tsaka taranta niyang kinalkal ang bag na naroon mabuti na lamang at mabilis nitong natanaw iyong nakasuksok sa maliit na pocket ng bag tsaka mabilis na tumakbo palabas.

"Hey bitch!" sigaw nang babae sa likod niya na alam niyang siya ang tinutukoy pero pinili niyang huwag lumingon sa halip ay mas binilisan pa ang pag takbo.

Kung saan-saan ito lumilinga-linga, nag hahanap nang maaaring pag taguan.

'Konti na lang liliko na'ko- patay!' Halos mapahinto na ang pag hinga niya dahil sa labis na takot dahilan ng mariin niyang pag pikit matapos maramdamang may humatak sa braso niya!

"F*ck you!" anang ng babae na humahabol sakanya.

Idinilat niya ang mata niya at nilingon ang gilid ng pinto kung saan siya naroon samantalang ang babaeng humahabol ay walang kaalam alam na naroon lamang siya, nakahinga lamang si Alexandreia ng maluwag nang tuluyan itong umalis.

Ibinalik niya ang paningin sa taong nasa harapan at siyang nag ligtas sa kanya.

Nakataas ang kilay ng taong iyon habang nakasimangot, ang mata nito ay walang pinag bago mula nang makita sya ni Alexandreia sa line up.

"What are you doing here?" tanong niya na tila ba obligadong sumagot ang kaharap. Ang boses niya ay kalmado ngunit may autorisasyon.

Palibhasa'y salamin ang pinto nang abandonadong kwarto kung saan sila naroroon kaya kampanteng sumagot ang dalaga.

"Nag CR a-ako." nauutal na saad nito.

Naniningkit ang mata ng binatang kaharap na para bang inaalam kung nag sasabi ba nang totoo ang dalaga, bahagya itong umabante kahit wala nang maatrasan pa ang dalaga, sa palagay ni Alexandreia ay hahalikan siya nito kaya't ipinikit niya ang mata niya.

Isa...
Dalawa...
Tatlo...

Nang wala siyang maramdaman ay idinilat niya ang mata niya.

*dilat...

Halos tatlong pulgada na lamang ang layo nila sa isa't isa ngunit mas naagaw ang atensyon ni Alexandreia sa pag ngisi ni Eight.

'Ngingiti din ba'ko? mag susungit? ano ba? tutunga na lang?' tarantang kinakausap ang sarili.

"What do you think." masungit na saad naman ng lalake.

'Nakakabasa ba siya nang isip?'

"Hala nababaliw na yata ako." bulong niya pa sa sarili. Ngunit hindi nya namalayan na naisatinig niya pala iyon.

"Yeah. Your Really crazy." kaagad na sagot ng binata.

Walang nagawa ang dalaga kundi kagatin ang pang ibabang labi niya dahil sa kahihiyan na pinapakita niya, yumuko siya tsaka mabilis na tumakbo sa kung saan para makalayo sa lalakeng naroon.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon