🎀Chapter 22🎀

45 9 2
                                    

Napalagay sila Seken sa huling pag uusap nila kasama si Hayasein, umaasa ito na sa sang-ayon ang dalaga para sa sariling kaligtasan, gayun pa man ay itinuloy ni Eight ang mga panibagong patakaran sa loob ng East.

Ipinatawag ni Eight ang lahat ng Estudyante sa harap mismo ng East, habang naroon sa likod niya sina Raizen, Ivo at Calvin o mas kilala bilang Seken.

"Naging sunod-sunod ang mga pangyayari na hindi akma sa paaralang ito." matigas na boses ang ginamit ni Eight. "Ang unang paglabag ay mahigpit na ipinagbabawal na tumapak ng East sa West hindi ba? Pero pinangunahan pa ito ng malaking grupo ng Black Phantom!" ipinukol ni Eight ng masamang tingin si Spade na nakasandal sa Pader. "Labag ba sa kasunduan ang ginawang pag paparusa sa babaeng ito?" itinuro ni Eight si Avanshien habang nakatali sa upuang bakal.

Naikuyom ni Thunder ang kamao niya nang makita ang sariling miyembro sa Harapan, ngunit hindi siya maaaring kumilos dahil lalo lang itong mapapasama.

"Ngunit nasa batas din ng East na paslangin ang mga panibagong tao na makakaalam dito hindi ba?" naglakas ng loob si Nuckel na sumagot.

"Sana ay matagal na kitang pinatay, mula nang mag krus ang landas natin sa West." madilim ang mata ni Ivo habang sinasabi iyon dahil batid niyang si Hayasein ang tinutukoy ni Nuckel.

"Bakit niyo ba kasi pinagtatanggol ang babaeng iyon!" hindi natiis ni Thalia na hindi sumagot, pilit na pinipigilan ni Seken ang sarili niya upang hindi mahalata ng mga eatudyanteng naroon kung ano ang koneksyon nila, batid niyang kapag nangyari iyon ay gagawin itong kahinaan ng mga kalaban nila.

"Dahil Espesyal siya sa lahat ng Espesyal." nakakasuya para kay Thalia ang paraan ng pagsagot ni Eight non.

"Bro ano bang sinasabi mo!" hindi na napigil ni Seken ang sarili niya.

"So, Dapat ko na ba siyang tuluyan?" pilit na ginawang sarkastiko ni Thalia ang boses niya. "Hayaan mo dahil sa susunod na magkita kami ay babasagin ko na ng husto ang pagmumukha niya." biglang tumalas ang tono nito.

Pero kasunod noon nang maglihisan ang mga Estudyante, ang kaninang pulutong ay biglang nahati sa dalawa dahil sa pag lakad nang tatlong panauhin sa gitna nito.

Si Kenzo Gray na nakapamulsa habang ang isang kamay niya ang syang may bitbit sa bag na nakapatong sa balikat niya, si Yana naman ay nakayuko habang sumusunod sa babaeng nasa Harap niya na si Hayasein, maikli na ang buhok nito ngunit kulay Gold na iyon na may pagka curl ng kaunti, mas maiksi ang palda niya kumpara nung una habang ang medyas naman ay lumagpas na sa tuhod at umabot na iyon sa ibabaw ng hita niya, may kataasan narin ang black shoes na suot niya at ganun parin ang blouse na suot niya.

"Si Hayasein na ba yan?"

"Bakit bumalik pa siya?"

"Ang swerte na nga niya dahil nirequst'an na siya ng mga Rank student ng Gate pass kay Dean eh."

Bulungan ng mga Estudyante.

Ang lahat ng mga Rank Student ay nabigla, talagang hindi nila inaasahan ang pangyayaring ito.

"Ako si Kenzo Gray, ika limang pwesto sa Ranggo." mayabang na saad ni Kenzo. Oo nga naman, ilang taon na siyang nag aaral sa lugar na iyon ngunit kahit minsan ay hindi niya manlang nailakas ang boses niya para sabihin iyon kaya't sinamantala niyang ipagyabang iyon ngayon.

Nakasimangot na naglakad si Hayasein palapit kay Thalia, "Hindi ba..." paputol na saad ng dalaga. "sabi mo, babasagin mo ang mukha ko?" tumaas ang kilay ni Hayasein.

"Oo!" inis na sigaw ni Thalia. "At ngayon yon!" galit na ani nito, gaya ng dati ay buong pwersa ni Thalia na inilagay ang lakas niya sa kamay para sampalin si Hayasein pero mabilis na nadakot ni Hayasein ang pulsuhan nito at ipinaikot kasabay ng pag ikot niya kaya hindi nakita ni Thalia ang Paa ni Hayasein na sumalubong sa mukha niya dahilan para mapaatras ito kasabay ng pagdurugo ng ilong niya nang bitawan siya ni Hayasein.

Mabilis namang dinaluhan ito nang dalawa niyang alalay, pero hindi roon natatapos dahil dinakot ni Alexa ang kuwelyo ang isang alalay ni Thalia tsaka iyon iniangat at ibinagsak sa sahig na kaagad nitong ikinapilipit upang indahin nito ang sakit. "Hands up!" utos ni Hayasein sa isang alalay ni Thalia na sa pagkakatanda niya ay hindi siya nito sinaktan, sa halip ay tinulungan nito si Thalia, wala namang nagawa ang baabe at itinaas na lamang ang kamay niya dahil sa takot kay Alexa. "Oh, nakalimutan kong magpakilala, Alexandriea Hayasein Villamoriz ika apat na Ranggo."

Hindi makapaniwala sila Raizen, Ivo o maging si Calvin dahil sa tagal nilang hinanap ang ika apat ay si Hayasein lamang pala iyon, maliban kay Eight, na alam ang totoo. Bahid niyang si Yana ang ika apat at nagpapanggap lamang si Hayasein, dahil si Hayasein ang nag iisang taga pag mana ng mga Mc. Cleary na kailangan niyang tapusin.

"Talk to me." madilim na tinanaw ni Eight si Hayasein, hindi iyon pakiusap kundi isang Utos.

"Huwag kayong sumunod." nagbabadya ang boses ni Eight nang humakbang si Calvin palapit sa kanila.

"Pero Eight..." nakikiusap ang kapatid ni Hayasein.

"Hindi ko siya sasaktan, isa pa nakita mo naman siguro kung ano ang inabot ng dalawang babae sa kanya." lukot ang kilay na saad pa ni Eight.

Pumasok silang dalawa ni Hayasein sa Punishment Room, naupo si Hayasein na animo'y wala ang binata sa harap niya.

"Hindi ba't nag usap na tayo?"

"Hindi sumagot kaya't wala kang magagawa, isa pa nandito na'ko eh." sarkastikang ani ni Hayasein.

"Nababaliw kana ba? O gusto mo na talagang mamatay."

"Bakit? Pagbabantaan mo ko ulit?" nakangiting ani ni Hayasein, "Sabihin mo nga, kilala mo ba talaga ako?"

Natigilan si Eight, tama ang kutob niya... Walang kaalam-alam si Hayasein kung sino nga ba' siya, na nasa harap na niya ang taong papatay sa kanya.

"Paano kung sabihin ko sayong, Oo." nakangising saad ni Eight.

"K-kung ganun, sabihin mo ang mga nalalaman mo please." bigla ay tila lumambot si Hayasein, bumalik ang dating Hayasein na unang nakilala ni Eight.

"Sasabihin ko yun sa'yo kapag mamamatay kana." seryosong ani Eight tsaka tumayo pero nagawang hawakan ni Hayasein ang kamay niya at iniangat ang paa nito mula sa likod dahilan para tumama iyon sa Ulo ni Eight kaya't napaupo siya ulit.

"Kung ganun, makikipagpatayan ako sayo." seryoso rin ang dalaga sa sinambit niya pero napatawa lang si Eight, kinailangan pa nitong takpan ng likod nang palad niya ang bibig niya pero sumilay parin ang mapuputi nitong ngipin na nagpakalma sa dalaga.

Ito ang kauna-unahang beses na makita niyang tumawa si Eight at ayaw man niyang aminin ngunit napaka gwapo ni Eight sa mga sandaling iyon, siguro nga ay natulala pa si hayasein kaya't pinitik ni Eight ang noo niya.

"Maglinis ka ng buong East kung gusto mong manatili dito, parusa yan dahil nanakit ka sa harap ng maraming Estudyante dapat kung gaganti ka ay wala dapay nakakakita." nangangaral ang tinig ni Eight pero hindi nawala ang pagkangiti nito. "Sige na." ani niya pa tsaka ginulo ang ulonan ng buhok ni Hayasein bago umalis natanaw pa ng dalaga na nakangiti parin ito kaya't napalabi na lamang siya.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon