🎀Chapter 14🎀

54 14 2
                                    

"Binigyan ko na nga kayo ng Plus tapos eto lang pala kaya niyo? " naiiritang tanong ni Yana, sabog ang kilay niya at bahagyang nagdurugo narin ang gilid ng ulo niya dahil sa pagkakapalo ng malapad na Paddle.

"Ang hirap mo talagang patumbahin! Bakit mo ba kasi pupuntahan iyong babae na taga West!" nag mumurokolyong saad ng matabang lalake na tumatayo bilang leader.

"Sige, sasabihin ko na." pinahid ni Yana ang gilid ng labi niya na may dugo tsaka pabagsak na naupo sa lupa.

Iniangat ni Yana ang gilid ng blouse nya dahilan para mamilog ang mata ng mga kalalakihan nang tumambad sa kanila ang tattoo na M4. "Ako ang letter 'M ' sa magic Eight, Rank four ako, Margaux Alillyana silvannia ang tunay kong pangalan bunsong kapatid ni Eight at tungkol sa babaeng tinutukoy niyo, anak siya ni Alexa Chadreia ang Ripper Hunter ng Alpha ang nag iisang tanyag na si WILD SILENCE."

Nanlaki lalo ang mga mata ng mga ito, "Ibig sabihin anak iyon ng babae na pinaka mataas na Organisasyon?" ani ng leader nila.

Walang interes na tumayo si Yana. "Ngayong alam niyo na walang dapat makaalam ah." inosenteng waring saad ni Yana kaya't tumango ang mga lalakeng kaharap niya ngunit palihim siyang ngumisi tsaka sabay na pinuntirya ang dalawang lalake sa gilid ng leeg nito, itinuon ni Yana ang buong pwersa niya para bumaon ang daliri niya sa ugat ng leeg nito at mabilis na hinila iyon palabas.

Halos mapaatras ang tatlo nang makita ang pagbagsak ng dalawa, hindi pa man nakakaatras ang isa ay nakalapit na si Yana at walang pigil na sinuntok niya ang tiyan ng lalakeng malapit at hindi makapaniwala ang leader ng mga lalake na nabutas iyon ni yana kaya't lumaylay ang lamang loob ng lalake.

Inilagay ni Yana ang daliri niyang may dugo sa labi niya. "Ssshhh." wari'y nag papatahimik ng maingay tsaka siya tumalon at siniko ang bunbunan ng leader at mabilis din itong nawalan ng malay. "Sige Lolo, wag mo kong sisihin kung maubos ko ang mga anak ng mafia na kasapi sa grupo nuyo." nakangising saad ng dalaga. Si Alexa.. Ang ina ni Hayasein ang nagturo sa kanya ng lahat ng ito pati na ang pagiging inosente sa harap ng maraming tao.

🎀HAYASEIN🎀

"Let me go little bastard!" ani ng boses ng babae na kaagad kong nilingon. Si Avanshien hawak siya ngayon ni Kenzo.

"Kenzo?" tawag ko sa pangalan niya.

'Nandito ba siya para iligtas si Yana?.'

Marahil hindi, dahil matalim lang itong nakatanaw sa lalakeng katabi ko, ngunit kaagad na napatigil ako sa pagmamasid nang muling may tumulo ng kung ano sa ulo ko.

Iniangat ko ang paningin ko pero malambot na palad ni Eight ang sumalubong sa noo ko dahilan para wala akong makita, hindi ko alam kung ano ang naroon pero alam kong sinadya ni Eight na tabingan ang mata ko para hindi na dumami pa ang nalalaman ko.

"Sa susunod ay siguraduhin mong hindi ko malalaman na babawasan mo ang estudyante sa kampo ko." walang emosyong saad ni Eight sa maawtoridad niyang tono.

Nilingon ko kung saan siya nakatingin, matalim na tingin ang binato nya kay Eight...

Hindi... Hindi kay Eight!

Sa'kin!

Sa'kin siya nakatingin.

"Let's go." anyaya ni Eight tsaka ako hinatak palayo, hindi ko na nagawang magreklamo kahit napaka higpit ng pag kakahawak niya sa pulsuhan ko.

"Bakit tayo nandito? Si Yana, Pano si Yana." nag aalalang tanong ko nang marating namin ang clinic.

"Nadapa ka kanina sa ugat ng puno tama?" sarkastikong tanong niya wari'y iniiba ang usapan.

Pero pano niya nalaman?

"P-pano mong nalaman?" utal na tanong ko.

"I saw you lying on that dirty place." nang iinis ang tonong saad niya.

"Nandaya ka siguro kaya mo nakita?" nakangusong saad ko dahilan ng pag ngisi niya.

Ano kayang iniisip nito, lumapit siya at bahagyang lumapit sa tenga ko. "Yana is my Younger sister, wala kang dapat ipag alala." nakangising ani pa niya.

Hindi niya 'ko nasagot dahil iniabot sa'kin ng nurse ang lab gown na susuotin ko para malinis ang sugat ko sa tuhod.

"Your lucky one for having sir Eight." kinikilig na saad ng nurse. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa salitang HAVING." Naku sa susunod ay ingatan mo ang balat mo, ang kinis mo pa naman." ani ng nurse habang nililinis ang sugat ko. Nakapikit ako habang nakahiga kaya hindi ko siya makita."Hayaan mo bibigyan na lang kita ng ointment para hindi magkapeglat." hindi ako sumagot.

"Hello?" boses ni Eight "Tell them na excused ang babaeng ito, na'sa clinic cleaning her bruises." kahit sa linya ng telepono ay napaka bossy niya.

Maya maya pa ay muling nag salita ang nurse. "We're done." masiglang ani niya kaya't unti unti kong idinilat ang mata ko at sa pangalawang pagkakataon ay mukha na naman niya ang bumungad sa paningin ko. Nakasandal siya sa pader at seryosong naka tingin sa'kin.

"Take care of your self..." senserong ani niya, hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin dahil parang umurong ang dila ko lalo na ng dugtungan pa niya ito. "baby." napakunot naman ako.

Samantalang siya ay tumaas ang gilid ng labi na animoy nang iinis talaga.

'Mas gwapo ka sana kung ganiyan ka palagi'

"I said take care, not stare." dahilan ng pag balik ko sa ulirat.

"ah-eh-oh-o." hindi ko maituloy.

"Oh?" panggagaya niya sa tono ko wari'y naghihintay ng sagot.

"O-okay na'ko." utal man' ay naisatinig ko.

"I have to go." ani ni Eight sa nurse ngunit na sa'kin ang paningin tuloy ay parang ako ang kausap niya.

Mariin kong ipinikit ang mata ko kasabay ng pagkagat sa labi dahil sa kalokohang iniisip nang utak ko.

Hayasein! Tandaan mong ayaw mo sa kanya at sa lugar na'to!

Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Hindi ko alam kung gaano ko katagal na ginawa iyon hanggang sa magdesisyon akong idilat ang mata ko at mabilis na tumingin sa lugar kung saan siya nakatayo kanina.

HANGGANG NGAYON!.

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko at kailangan niya pang tumawa ng matunog.

"Hahahaha" boses niya ang bumalot sa kabuoan ng lugar.

Ano bang itsura ko nakakahiya!

"Baby? Do you want me to take you home?" ang paraan niya ng pagtawag ng Baby ay iyong paraan tulad din ni Ck.

"Will you please stop calling me baby?" naiinis na saad ko.

"What's the matter?" ani niya habang lukot ang noo. "Hindi ba't iyon ang tawag niya sa'yo?" sabi na eh! Si Ck ang tinutukoy niya. Nanatiling magkasalubong ang mata namin ngunit nanliliit ang kanya. "Don't tell me your worried about him.?" nakataas ang isang kilay niya at makahulugan ang tingin na ginawad niya pero hindi ko alam kung natutuwa ba siya o ano.

"Weren't close so stop annoying me!" inis na talagang saad ko nang patuloy siya sa pag ngiti habang nakasakay sa kotse niya. Sana'y hindi niya na lang ako hinatid!

"Ilang beses kong iniligtas ang buhay mo tapos hindi tayo close?" sarkastikong ani niya habang nakangisi. "Kahit thank you ay wala, but it's okay mag bestfriend naman kami ni Ck, kaya nga dapat ay maging close ka din sa'kin dahil girlfriend ka niya." nakakainis ang mga tonong ginagamit niya! "Lalo kung EX ka na niya." pinakadiinan niya talaga ang salitang iyon!

"Hindi kami! At lalong hindi niya'ko Ex!" inis na sigaw ko.

"Oh easy... kanina takot na takot ka ngayon naman ay matapang kapa sa kinakatakutan mo kanina." biro niya. "Hindi ka ba takot sakin?"

"Why would i?" mataray na tanong ko.

"Mas maganda kung hindi. So kasal na talaga kayo? Well I'm willing to-"

*BEEP BEEP!

Hindi siya nakapagsalita matapos kaming harangin ng tatlong itim na close Van. Kunot ang noo ni Eight na bumaba.

I'm The Daughter Of An Assasin (Slow Update) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon