Panimula
"Caliah, Caliah, Caliah, Caliah, Caliah!!!"
Hindi ko pinansin yung ingay na naririnig ko at sa halip ay tinakpan ko ng unan yung tenga ko tsaka nagtalukbong ng kumot. Gusto ko pang matulog ng mahaba, hindi ba pwede 'yon?
"CAL, CAL, CAL, CAL" dahil sa sinabi niyang 'yon ay padabog akong umupo sa kama na ikinagulat niya.
"How many times do i have to tell you na stop calling me that?" iritang tanong ko tsaka nag-unat. Gusto ko pang matulog ng mahaba pero malabong mangyari 'yon kung kasama ko 'tong lalaking 'to.
"Bakit ba? Ang cute naman ng Cal ah?" sinamaan ko naman agad siya ng tingin. "Ayaw mo ng Cal? Sige, Ali nalang." agad namang nagseryoso yung mukha ko dahil sa pangalawang pangalan na tinawag niya sa'kin. "I-ito naman! Hindi mabiro. B-bumangon ka na kasi diyan."
"Alam mo kaya ka iniiwan kasi ang ingay mo!" ganti ko sakanya. "Bakit ba kasi?" tanong ko tsaka ulit humiga sa kama.
"Birthday ni Raddix kaya bumangon ka na diyan." sagot niya tsaka lumabas na ng kwarto.
"Aziel! Close the goddamn door!" sigaw ko. Pero ang nakakabwisit kong pinsan ay parang walang narinig. Kahit kailan talaga nakakabwisit 'tong lalaking 'to!
Dali dali na'kong bumangon sa kama at inayos 'yon. Nawala na yung antok ko dahil sa bwisit na lalaking 'yon. Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba na'ko para kumain. Nakita ko naman agad si Aziel na nasa sofa at nagce-cellphone.
"Anong oras yung party?" tanong ko sakanya habang dire-diretso papunta sa dining table at uminom ng tubig.
"Mamaya pang 6:00." agad naman akong nasamid dahil sa sagot niya.
"MAMAYA PA PALA TAPOS GINISING MO NA'KO??" sigaw ko sakanya. Agad ko namang narinig yung malakas at nakakairita niyang tawa.
"Chill. 2PM na mahal na prinsesa kaya dapat lang talaga na bumangon ka na. Tsaka wala akong kasama dito kaya ginising na kita."
"Nasaan ba sila Tito and Tita?" tanong ko habang ngumunguya ng tinapay. Kagigising ko lang kaya ayoko pa kumain ng heavy meal.
"Out of town. And yeah, tayo lang dito sa loob ng isang linggo." kung dati ay tinatamad pa'kong kumain kahit na light meal lang, ngayon ay parang nawalan ako ng gana dahil sa narinig ko.
"I guess kailangan ko ring mag-out of town hangga't di pa sila umuuwi dito." isang araw palang nga ay nakakairita na kasama 'to. Isang linggo pa kaya??? Patayin niyo nalang ako! Saksakin niyo nalang ako!
"You hurting mah feelings you know?" maarteng sabi nito kaya napairap nalang ako.
"Like i care." ganti ko.
Around 5pm ay nag-ayos na'ko ng sarili ko. Sa bahay lang naman nila Raddix gaganapin kaya nagsuot lang ako ng Red Halter Jumpsuit pants tsaka ko iyon tinernuhan ng black heels.
"Caliah bilisan mo! 6:10 na. Hintayin kita sa kotse." katok ni Aziel sa labas kaya nagmadali akong kunin yung mga gamit ko.
"Ayan na." sigaw ko pabalik. Tinignan ko pa ng isang beses yung sarili ko sa full length mirror na nasa kwarto ko bago lumabas.
"Alam ko si Raddix yung magb-birthday pero bakit ikaw yung naka-red?" agad na bungad niya pagkapasok ko sa sasakyan.
"Just shut up and drive." masungit na sagot ko habang sinusuot yung seatbelt. Aalis na nga lang kami, mang-aasar pa.
BINABASA MO ANG
Strum My Pain (LBS #1)
General FictionLover Band Series #1 Caliah Vera. Pushing people away became her hobby. Simula nang mangyari ang mga insidenteng iyon sa buhay niya ay ayaw niya ng mapalapit sa mga tao. She thinks that she always bring misfortune to everyone around her. Until this...