Kabanata 14

47 4 0
                                    

Kabanata 14: First Night Together

Nandito ako ngayon sa kwarto ko dito sa beach resort. Pagkatapos naming mag-swimming sa dagat ay naligo agad kami pagpasok namin dito. Wala talaga akong balak maligo sa dagat ngayon pero pinaliguan ako ng buhangin ni Aiden kaya gumanti ako. Hanggang sa nagbabasaan na kami sa dagat.

Dati ang ganda panoorin ng sunset, pero hindi ko alam na mas may igaganda pa pala 'yon kapag kasama mo yung taong espesyal sa'yo.

Kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa kama dahil magpopost ako ng pictures ko at pictures naming dalawa sa Instagram. At pagpindot ko agad ng app ay sarili ko yung nakita ko.

Hindi ko alam na na-ipost na pala ni Aiden yung mga pictures naming dalawa sa Fantasy World kanina. Pagka-scroll ko ulit ay ako pa rin yung nasa picture. Kakapost lang 13 minutes ago. Hindi ko namalayan na pinicturan niya pala ako kanina sa labas.






 Hindi ko namalayan na pinicturan niya pala ako kanina sa labas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Liked by lyledv, a.ziel and 938 others

a.suarez mine❤️

View all 356 comments

vidaloliver @a.ziel mine daw oh!🙊🙊

a.ziel 👍🏻👍🏻👍🏻

rad_t sinong online seller niyan?? STEAL!!!

a.suarez fck u, rad!

lyledv kayo ba??🤪

vidaloliver BOOOMMM WASAK!!!

rad_t si lyle ba talaga yan???😳😳

a.suarez @lyledv 🤫🤫🥰🥰

a.ziel wtf????

vidaloliver 😲😲😲😲😲😲

it'sbella @JonasDMmeNOW tea!!!!

lyledv what's with the emojis???

rad_t (2)

Napailing na lang ako sa sobrang kalat ng mga 'to sa comment section. Pinost ko na rin yung picture namin sa Fantasy World kanina at yung solo picture niya sa beach kanina. Sakto naman na kumatok si Aiden.

"Ali, dinner's ready."

"Coming!" sigaw ko at nagmadaling lumabas sa kwarto ko. Sabay kaming nagpunta sa dining area. Dahil nasa likod niya 'ko ay doon ko lang namalayan yung suot niya. Nakasando lang siya na medyo loose tsaka shorts. Samantalang ako ay nakaterno na pantulog pero hindi pajama yung dinala ko dahil baka mainitan ako kaya short yung sinuot ko.

Hanggang ngayon ay starstruck pa rin ako sa ganda nitong beach resort na tinutuluyan namin. Sobrang relaxing ng lugar. Wooden style siya kaya sobrang aliwalas sa mata.

Strum My Pain (LBS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon