Kabanata 7: Baby
What the hell? Tambay ba sa fb 'tong lalaki na'to at nabasa niya agad yung reply ko kay JL??
Hindi na'ko nagreply sa text niya dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Dali-dali akong namili ng damit na isusuot ko at naligo na agad sa banyo. Mas mabuti pa kung bibisitahin ko nalang si Mama ngayon sa hospital.
Nagsuot lang ako ng high waisted maong short and white cropped top na cardigan. Pagkatapos kong mag-spray ng perfume ay bumaba na agad ako para mag-almusal. Sakto namang pagkalabas ko ng kwarto ko ay nakasalubong ko si Aziel na nagkukusot pa ng mata.
"Morning, saan ka pupunta?" bati niya.
"Hospital." sagot ko. Pagbaba namin sa dining area ay nandoon na sila Tita at Tito, nag-aalmusal. "Good morning po." bati ko sakanila tsaka ko sila hinalikan sa pisngi.
"Bihis na bihis ah, saan lakad?" tanong ni Tito pagkaupo ko.
"Bibisitahin ko po si Mama." tumango naman agad si Tito sa sagot ko. Kumuha lang ako ng itlog at bacon tsaka ko 'yon pinalaman sa tinapay at kinagatan. Hindi ko hilig mag-almusal ng kanin dahil feeling ko isusuka ko lang. Tinapay at kape lang sapat na.
"I'm happy na bumalik na yung dating ikaw." agad naman akong lumingon kay Tita dahil sa sinabi niya. "The old Caliah. Yung palatawa, laging nakangiti, friendly. I'm glad that you're back." agad naman akong ngumiti sakanya.
"Yes Tita, I'm back." sagot ko kaya nginitian niya'ko.
"Yeah, thanks to Aiden." singit ni Aziel na busy sa cellphone habang ngumunguya ng hotdog. Hindi ko nalang siya pinansin at pinagpatuloy ko nalang yung pagkain ko.
Pare-parehas kaming natigilan nung biglang naubo si Aziel. Nabulunan siguro.
"What the fvck!" pagmumura niya habang hinahampas yung dibdib niya.
"Watch your words Aziel. Nasa harap ka ng hapag kainan." sita sakanya ni Tito. Ininom ko naman yung kape ko para itago yung ngiti ko.
Yan sige, mura pa.
Tinaasan ko naman siya ng kilay nung tumingin siya sa'kin. "What?" takang tanong ko pagkatapos kong inumin yung kape ko.
"Do you like that Jaze Limuel guy?" seryosong tanong niya. Mabuti nalang wala akong iniinom, kung hindi ay naibuga ko 'yon ng wala sa oras. Buti nalang din ay napigilan kong mapamura kung hindi ay pati ako masisita ni Tito.
"What?? No!" sigaw ko.
"Who's that?" tanong ni Tita Vivian.
"Looks familiar. Son of Mr. Ortega?" tanong ni Tito kaya tumango si Aziel. "You're dating that guy, Caliah?" nakangiting tanong niya sa'kin.
"No Tito!" agad na sagot ko. Lalo naman lumapad yung ngiti niya.
"Why? He's handsome." agad namang nag-react si Aziel dahil sa sinabi ng Papa niya.
"Wear your eyeglass Dad. He's a womanizer."
"Like you?" singit ko. Agad naman niya akong tinignan ng masama.
"Excuse me?? Huwag mo ngang ibahin yung usapan. Bakit may picture kayo kagabi? J.Lo huh?" agad namang natawa si Tita sa inaasta ng anak niya. Daig niya pa sila Tito at Tita mag-react jusko!
"Tita, Tito una na po ako." paalam ko sakanila kaya tumango naman agad sila.
"Hey, we're not done yet!" singit ni Aziel pero walang pumansin sakanya.
BINABASA MO ANG
Strum My Pain (LBS #1)
General FictionLover Band Series #1 Caliah Vera. Pushing people away became her hobby. Simula nang mangyari ang mga insidenteng iyon sa buhay niya ay ayaw niya ng mapalapit sa mga tao. She thinks that she always bring misfortune to everyone around her. Until this...