Kabanata 1: Unang Pagkikita
"Let's go?" tanong ng pinsan kong si Aziel. Pinagmasdan ko muna ulit yung kabuuan ng bahay namin bago tumango sakanya.
"Let's go." sagot ko kaya sabay kaming naglakad papunta sa sasakyan niya.
"Sabi ni Mom naayos niya na yung papers mo. Pwede ka nang pumasok sa Monday." tumango naman agad ako sa sinabi niya. Grade 12-ABM student ako and mabuti nalang tinanggap parin ako ng school kahit na second sem na. Lilipat na kasi ako kila Aziel dahil gusto ni Tita Vivian na doon na muna ako tumira hangga't hindi pa nagigising si Mama sa pagkaka-comatose. Si Tita Vivian yung Mama ni Aziel at kapatid siya ng Papa ko. Namatay si Papa when i was a child. And ngayon si Mama naman comatose kaya kinuha ako nila Tita.
Only child ako, ganun rin si Aziel. Pero dapat talaga ay may kapatid siya pero nakunan si Tita. Close kaming magpinsan ni Aziel dahil tinuturing niya na akong nakababata niyang kapatid. Kahit na madalas ay nakakairita siya.
"Hindi ka ba natatakot?" tanong ko sakanya habang nakatingin ako sa bintana ng sasakyan niya.
"Natatakot saan?" takang tanong niya.
"Sa'kin." diretso kong sagot.
"Why would i?"
"Dahil napapahamak yung mga taong nakapaligid sa'kin." agad naman siyang natigilan sa sagot ko. Actually ayoko talagang lumipat sakanila dahil kaya ko naman tumira mag-isa sa bahay. Pero sobrang kulit ni Tita Vivian. Ayoko lang na may mapahamak ulit na taong malapit sa'kin. H-hindi ko na kakayanin kapag meron pa.
"Seriously, Caliah? Hanggang ngayon ba sinisisi mo parin yung sarili mo sa mga nangyari?" tila inis na tanong niya.
"Because it's my fault." i hissed.
"Ang tagal na non Caliah. For Pete's sake, wala kang kasalanan." he said softly. They always say na wala akong kasalanan. They are always convincing me na it's not my fault.
"Ang tagal na pero bakit ang sakit parin?"
"Dahil sinisisi mo parin yung sarili mo hanggang ngayon." agad akong natigilan sa sagot niya. Wala nga ba talaga akong kasalanan sa mga nangyari? Pero bakit pakiramdam ko ako lahat ng may kasalanan kaya napapahamak yung mga taong nasa paligid ko?
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa biyahe dahil sa kakaisip ko. Nagising lang ako nung maramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko.
"Hey, Caliah wake up." agad kong binuksan yung mga mata ko at umayos ng upo. "We're here." nag-unat muna ako ng mga kamay ko tsaka ko pinagmasdan yung harap ng bahay nila. Medyo matagal na rin nung nakapunta ako dito kaya namiss ko yung ganda ng lugar.
Agad kong tinulungan si Aziel na ibaba yung mga maleta ko tsaka kami pumasok sa loob ng bahay nila. "Nasaan sila Tito at Tita?" tanong ko dahil maids lang yung sumalubong sa'min.
"Nasa hospital si Mom, binabantayan si Tita. Nasa work naman si Dad." tumango nalang ako sa sinabi niya. "Kung gusto mong magpahinga dun ka nalang muna sa kwarto ko matulog. Hindi pa tapos ayusin yung magiging kwarto mo. Tapos ipapalinis ko muna yung guest room para maayos yung tutulugan mo mamayang gabi."
"Sige, thank you." sagot ko tsaka na umakyat sa taas. Alam ko naman na yung pasikot sikot ng bahay dahil nagbakasyon na rin naman ako dito noon. Agad akong pumasok sa kwarto niya at pagpasok ko ay makalat na kwarto ang bumungad sa'kin. "Bwisit talaga 'yon! Pinapatulog ako dito para linisin ko 'to! Walang hiya talaga." bulong ko sa sarili ko tsaka na sinimulang ligpitin yung mga gamit niyang nakakalat.
BINABASA MO ANG
Strum My Pain (LBS #1)
Fiksi UmumLover Band Series #1 Caliah Vera. Pushing people away became her hobby. Simula nang mangyari ang mga insidenteng iyon sa buhay niya ay ayaw niya ng mapalapit sa mga tao. She thinks that she always bring misfortune to everyone around her. Until this...