Kabanata 13: Dream
"Hoy girl sinabi ko mag date, hindi ko sinabing mag honeymoon kayo." agad ko namang tinigil yung ginagawa ko at humarap sa laptop ko na nakapatong sa kama.
"Honeymoon agad?" sagot ko at nilagay yung damit na tinupi ko sa duffel bag.
"Grabe naman kasi, first date overnight agad." sagot ni Bella tsaka sila nagtawanan ni Jonas.
After kasi ng ilang minuto nung nag-usap kami ni Aiden sa phone nung Thursday ay nagtext siya na mag-oovernight daw kami sa Batangas. Hindi ako nakatulog sa text niyang iyon. Yung idea nga na magdedate kami ay hindi na'ko mapakali, yung mag-oovernight pa kaya kami? Tapos kaming dalawa lang!
"Basta girl ha? Gumamit kayo ng proteksyon. Ayoko pang magka-inaanak sa'yo, kalurkey mare!" agad naman akong namula sa sinabi ni Jonas.
"What the fudge, Jonas?? Seriously??" gulat na usal ko. Pero ang bakla, tinawanan lang ako.
"What? Pinapaalala ko lang girl." he replied while laughing.
"Aziel will kill me."
"Girl if ik-kwento mo sakanya talagang lagot ka." inilingan ko nalang si Jonas. Igagaya pa'ko sakanya.
"Stop giving her ideas, Jonas." Bella said. Agad ko namang kinuha yung laptop ko dahil ayoko ng marinig yung mga pang-aasar nila.
"Matutulog na'ko, bahala kayo diyan."
"Good luck sa honeymoon!" pahabol ni Jonas bago ako mag-leave sa video call. Napailing nalang ako sa mga sinabi ni Jonas. For Pete's sake, grade 12 pa lang ako!
Pagkatapos kong ayusin yung mga gamit na dadalhin ko bukas ay nahiga na agad ako sa kama ko. Gusto ko ng matulog para mapahinga yung utak ko. Ilang araw din akong kulang sa tulog kakareview.
10:30 am ay nagising na ako pero hindi pa'ko bumabangon. Nag-scroll muna ako sa mga social media accounts ko para tumingin kung may issue ba or what. Pero syempre hindi papahuli sa text yung dalawa kong kaibigan.
Baks
Today 9:12 AM
Baby girl safe sex okay?😇😇
Bella
Today 10:03 AM
Good morning bibi, ingat kayo.😚
Enjoy!😉Hindi na'ko nag-reply sakanila dahil bumaba na'ko para mag-almusal. Sakto namang paakyat si Aziel sa hagdan. Mukhang galing siyang gym dahil may gym bag siya na bitbit.
"Sila Tita and Tito?" tanong ko.
"Business Trip." tumango nalang ako at dumiretso sa kusina. Grabe, Sabado na Sabado tapos nasa business trip sila. Pero okay lang naman, nakapagpaalam na'ko kay Tita Vivian kahapon ng umaga and gladly pumayag siya.
Pagkatapos kong mag brunch ay nag-ayos na agad ako. Baka around 12 ako susunduin ni Aiden kaya kailangan ko ng mag-ayos.
Nagsuot lang ako ng oversized black shirt and shorts tsaka ako nag-apply ng konting liptint. Nung matapos ako ay kinuha ko na yung mga gamit na dadalhin ko at bumaba na.
"Grabe, pinayagan ka ba talaga ni Mommy?" bungad sa'kin ni Aziel na nakaupo sa sofa. Agad naman akong umupo sa tabi niya.
"Kung inggit ka, magpaalam ka rin. Oh sorry, I forgot, wala ka pa lang lovelife." agad naman niyang binato yung throw pillow sa'kin kaya tumawa ako ng malakas.
BINABASA MO ANG
Strum My Pain (LBS #1)
Fiksi UmumLover Band Series #1 Caliah Vera. Pushing people away became her hobby. Simula nang mangyari ang mga insidenteng iyon sa buhay niya ay ayaw niya ng mapalapit sa mga tao. She thinks that she always bring misfortune to everyone around her. Until this...