Kabanata 9: Drunk
"Kahapon ka pa tahimik. May problema ba?" tanong ni Aziel habang busy sa pagmamaneho.
"Nothing. Wala lang ako sa mood." sagot ko ng hindi siya nililingon.
Nung natatanaw ko na yung Campus namin ay doon ko lang naalala yung sinabi nila Jonas sa'kin kahapon. "Uhm, Aziel..." tawag ko sakanya. Agad naman niya akong nilingon sandali at binalik din agad yung tingin sa daan.
"What?"
"May lakad ako mamaya, hindi ako sasabay. I'm with my classmates naman."
"Okay, just text me if something came up." agad naman akong tumango sakanya. Matapos niyang maipark yung sasakyan ay inayos ko na agad yung bag ako at bumaba na. Saktong pagbaba ko ay nakita ko si Aiden na nakasandal sa sasakyan niya. Agad akong nag-iwas ng tingin.
Nakakahiya naman, baka makita niya na naman yung pagmumukha ko.
"Bro! Aga mo ata?" tanong ni Aziel pagkababa niya sa sasakyan. "Sinong hinihintay mo dito?"
"Una na'ko." paalam ko kay Aziel. Hindi ko na hinintay yung sasabihin niya dahil dali-dali na'kong naglakad paalis.
"Caliah..." rinig kong tawag ni Aiden sa'kin nung madaanan ko siya. Pero hindi ko siya pinansin. "Caliah, let's talk." hindi ko namalayan na sinusundan niya pala ako. "I'm sorry, please. Talk to me." pakiusap niya tsaka niya hinawakan yung kamay ko.
"You don't want to see my face, right? Then don't talk to me." inis na sagot ko sakanya tsaka ko binawi yung braso ko.
"Caliah please..."
"Aiden stop. May gagawin pa'ko. Kaya please lang." tinignan ko siya ng seryoso na ikinatahimik niya. Agad ko na siyang iniwan doon.
Iniiwas ko na nga yung mukha ko, tapos lapit pa siya ng lapit. Stupid!
"Ang aga aga naman nating nakabusangot." agad kong nilingon yung nagsalita na sana hindi ko nalang ginawa. "Oh, bakit lalo kang napabusangot diyan?"
"Aga aga mukha mo na naman nakita ko." nakabusangot na sagot ko.
"Why are you here? Ang aga aga pa para iuwi mo na'ko." sagot niya. I mentally rolled my eyes. Nandito na naman 'tong mahangin na'to.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. Dito muna kasi ako sa may bandang likod ng Campus dumiretso dahil badtrip ako kay Aiden. I need air.
"For your information nandito ka sa harap ng building namin." turo niya. Agad naman akong nagulat sa sinabi niya.
"Engineering student ka?" gulat na tanong ko.
"Why? Mukha bang sa paggawa lang ng bata ako magaling?" agad naman akong napangiwi sa sinabi niya.
"Kadiri ka!" nandidiring sagot ko. Agad naman siyang natawa sa reaksyon ko.
"3rd year, engineering student. Kapag ako inasawa mo sigurado na future mo." he proudly said.
"Marami akong pangarap." sagot ko.
"Ilan ba yung gusto mo?" tanong niya. Agad ko naman siyang nilingon.
"Na bahay?" takang tanong ko.
"Na anak." agad ko siyang hinampas sa braso na ikinahalakhak niya. "Your reaction was priceless!"
"Wala ka talagang kwentang kausap!" singhal ko sakanya tsaka ko na siya tinalikuran. Ramdam ko yung pag-iinit ng pisngi ko. Kung ano ano kasi yung lumalabas sa bibig ng lalaking 'yon. Asar!
"Bye baby! See you at home!" hindi ko na siya liningon at tinaas ko nalang yung middle finger ko sakanya. "Yeah baby, later." bwisit talaga 'tong lalaking 'to! Alam na alam kung paano ako asarin!
BINABASA MO ANG
Strum My Pain (LBS #1)
General FictionLover Band Series #1 Caliah Vera. Pushing people away became her hobby. Simula nang mangyari ang mga insidenteng iyon sa buhay niya ay ayaw niya ng mapalapit sa mga tao. She thinks that she always bring misfortune to everyone around her. Until this...