Kabanata 12

46 3 13
                                    

Kabanata 12: Let's Date


Nakatitig lang ako sa cereal ko habang nilalaro laro iyon. "Kuya..." agad namang nabilaukan si Aziel dahil sa sinabi ko. Pero masyadong malalim yung iniisip ko para tignan pa siya.

"What the fvck?" buti nalang ay kaming dalawa lang yung nag-aalmusal dito. Kung hindi ay masesermunan na naman siya sa Daddy niya. "Are you sick?" minsan ko lang ba talaga siyang tawagin na Kuya kaya ganyan siya maka-react?

Hindi ko sinagot yung tanong niya dahil pinag-iisipan ko kung itatanong ko sa kanya yung nasa isip ko.

"What do you want?" he asked kaya tumingin na'ko sakanya habang ngumunguya siya.

"Anong gagawin mo kapag may umamin sa'yo?" agad namang tumaas yung kilay niya dahil sa tanong ko. Nagpunas muna siya ng bibig gamit yung table napkin bago niya ako sinagot.

"Give him an answer para alam niya yung susunod niyang gagawin. If you feel the same, then good. But if you don't, then tell him. Para hindi na siya umasa." paano kapag hindi ko alam yung sasabihin ko? Ang unexpected naman kasi ng pag-amin niya kahapon. Kung alam ko lang na gugulatin niya rin ako. Edi sana hindi ko siya ginulat dun sa baby!

"It's Aiden, right?" agad naman akong nagulat sa sinabi niya. Alam niya?? Obviously Caliah! After all magkakaibigan sila! "Based on your reaction, I'm right." agad na siyang tumayo para siguro mag-ayos na. Pero bago siya lumabas ng dining area ay may sinabi siya na lalong nagpagulo sa isip ko. "Kilala ko si Aiden. Hindi ka niya sasaktan."




***



"Ang lalim ng iniisip natin ah?" sabi ng kung sino at umupo sa tabi ko.

"What are you doing here? Wala ka bang klase?" tanong ko sakanya.

"Ikaw? Nag-cutting ka 'no?"

"For your information, vacant ko. Baka ikaw yung nag-cutting."

"For your information din, wala kaming prof." pareho lang kaming nakaupo dito sa wooden bench at pinagmamasdan yung mga dahon ng puno na hinahangin.

"Para kang tanga." agad ko naman siyang nilingon at inirapan dahil sa sinabi niya.

"Mas mukha kang tanga." ganti ko.

"Tanga sa'yo. Yieeee!" agad naman akong napairap sa kanya. Buti pa 'tong lalaki na 'to hindi nahihiyang lumandi. "Ano bang problema natin mare? Share mo naman. Hindi yung buga ka ng buga ng hangin diyan." pareho naman kaming natawa sa sinabi niya.

"Jaze?" agad naman siyang lumingon sa'kin. "Can i have a favor?" agad namang tumaas yung kilay niya.

"Sure, what's that?"

"Uhm...c-can you..." paano ko ba ipapagawa sakanya?!

"What?"

"Can you say..." pumikit muna ako bago ko sabihin. "I like you?"

"Why would I?" tsk! Ang KJ talaga ng lalaking 'to! Agad ko naman siyang hinawakan sa braso para pilitin. "Ikaw ha, pasimpleng chansing ka." agad ko namang hinampas yung braso niya.

"Bilis na kasi. May titignan lang ako." pamimilit ko.

"Ayoko. Pilitin mo muna ako."

"Ano ka? Bata?"

"Hmp! Edi 'wag." 3rd year College na ba talaga 'tong lalaking 'to??

"Sige na kasi. KJ mo naman e."

"I.DON'T.WANT."

"Edi huwag. Hindi na tayo ba--"

"I like you." pagpuputol niya sa sinabi ko. Agad akong natigilan. Pinakiramdaman ko yung sarili ko.

Strum My Pain (LBS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon