Kabanata 10: Last night
Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko. Agad akong bumangon sa kama at sumandal sa headboard habang hawak hawak yung ulo ko. Agad kong tinignan yung phone ko at nakita kong 8:15 na ng umaga. Late na naman ako sa first subject namin.
Mabuti na itong late ako, kesa makasabay ko si Aziel. Paniguradong sermon niya yung magiging almusal ko.
Agad akong pumikit para alalahanin kung sino yung naghatid sa'kin dito pauwi. Agad na nagflashback yung pagsusuka ko, yung pagvivideo sa'kin ni Jonas, yung pagdating ni Aiden, yung pagsakay niya sa'kin sa kotse, at yung paghalik niya sa--
"WHAT THE FVCK??" agad akong napatuwid ng upo dahil sa huli kong naisip. "No! Hell no! H-hindi totoo 'yon! W-we didn't k-kiss!" hinampas hampas ko yung noo ko para alalahanin yung mga nangyari kagabi.
Flashback
"Stop staring at my lips." mahinang bulong ko dahil sa sobrang lapit ng mga mukha namin. Maling galaw ko lang ay magdidikit ang mga labi namin.
"Yeah, can i kiss it?" he asked. Hindi niya na hinintay pa yung sagot ko at unti unti niya ng nilapit yung mukha niya sa'kin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na'to. Hahayaan ko ba siya? Itutulak ko ba siya? Calm down self!
Konti nalang at maglalapat na yung mga labi namin, nakita kong pumikit na siya kaya pumikit na rin ako ng mariin. Hanggang sa maramdaman kong sumuka ako.
End of flashback
"No! Panaginip lang 'yon!" pagkukumbinsi ko sa sarili ko. "What the hell! B-bakit ko siya sinukahan? LORD KUNIN MO NA'KO!" sigaw ko tsaka ako nagpagulong gulong sa kama.
Bakit parang mas gusto ko pa yung idea na pag-halik niya sa'kin kesa sa pagsuka ko sakanya?! Napakalaking kahihiyan no'n Caliah! Ang tanga tanga mo talaga!
"Calm down, Caliah." pagpapakalma ko sa sarili ko. "You're fvcking wasted last night, Caliah. Just act na wala kang maalala. Yeah, that's right! That way, you can save yourself from embarrassment."
Dali-dali akong naligo at nag-ayos para makahabol pa'ko sa second subject namin. Lagi na'kong absent sa first subject and kailangan ko ng bumawi.
"Musta ulo natin mare?" agad na bungad ni Jonas sa'kin pagdating ko sa pinto. Buti nalang at wala pa yung teacher. Dali-dali akong pumasok at binagsak yung sarili ko sa upuan ko.
"Tangina, 'di na'ko iinom." sagot ko na ikinatawa nila. Agad rin kaming umayos nung dumating yung teacher.
Kunwari nga ay pumasok ako, pero yung utak ko naman ay lumilipad. Wala akong naintindihan sa mga diniscuss ng mga teacher dahil busy ako mag-isip kung paano iiwasan sila Aziel. Lalong lalo na si Aiden!
Nung dumating yung breaktime ay nagpabili lang ako ng pagkain ko sa dalawa dahil ayokong umalis ng building namin. Dinahilan ko nalang na masakit yung ulo ko kaya sinunod nalang nila ako.
"Paano niyo pala na-contact si Aiden kahapon?" tanong ko sakanila habang kumakain kami.
"Hinanap ko yung phone mo sa bag mo. Tapos nakita ko na ang daming missed calls ni Aiden. Hindi ko alam yung password tapos buti nalang tumawag ulit siya kaya ayon." paliwanag ni Jonas. "Tapos ka-lurky mare! Galit ang jowabels mo nung sinabi kong lasing ka at umiiyak dun sa banyo."
"Truuu! Jusko pagdating niya akala ko pa nga susuntukin niya si Jonas dahil sa itsura niya e." singit ni Bella.
"Buti nalang narealize niya na sayang ang ganda ko, jusko." maarteng dagdag ni Jonas na ikinailing ko.
BINABASA MO ANG
Strum My Pain (LBS #1)
Ficción GeneralLover Band Series #1 Caliah Vera. Pushing people away became her hobby. Simula nang mangyari ang mga insidenteng iyon sa buhay niya ay ayaw niya ng mapalapit sa mga tao. She thinks that she always bring misfortune to everyone around her. Until this...