Kabanata 11: Study Date
Days had passed at nandito ako ngayon kila Athena. It's Sunday and i miss this girl! Last na usap namin ay noong birthday pa ng Kuya niya. Hindi kami nagkikita sa University kaya napagdesisyunan namin sa chat kagabi na dito kami tumambay sakanila para magreview.
"Nakakatamad mag-review." reklamo ko sakanya habang nandito kami sa kitchen nila. Magluluto daw kasi siya ng pasta, meryenda namin.
"Mag-chill ka na muna ngayon. Sunday naman e. Mamayang gabi or bukas ka na lang ulit mag-review." sagot niya sa'kin habang naghihiwa ng kung ano.
"Yung pagchi-chill ko aabot ng Tuesday. Tapos Wednesday yung test." sagot ko na pareho naming ikinatawa.
"Ano bang pangarap mo? Ano yung kukunin mo sa College?"
"BS Accountancy." sagot ko. "Ikaw? Anong pangarap mo?" agad naman siyang natigilan sandali sa paghihiwa at nagpilit ng ngiti at tinignan ako sa mata.
"Simple lang...humaba pa yung buhay ko." agad naman akong natigilan sa sagot niya. Anong ibig niyang sabihin? Sasagot na sana ako pero bigla siyang tumawa ng malakas. "Kidding!" dagdag niya habang tumatawa pa rin. Agad naman akong kumuha ng hotdog na hiniwa niya at binato 'yon sakanya.
"Bwisit ka!" singhal ko sakanya.
"You're so serious girl." sagot niya kaya inirapan ko nalang siya.
"What's that?" agad kaming lumingon sa bagong dating. Sino pa ba? Edi yung mahangin na Kuya ng babaeng 'to. "Ohh, my wifey is here!" agad na sabi niya pagkakita niya sa'kin. Agad agad siyang naglakad papunta sa pwesto namin ni Athena at akmang yayakapin ako nung bigla kong tinutok sakanya yung sandok na ikinatigil niya.
"Kung mahal mo 'yang alaga mo lumayo ka na sa'kin." pagbabanta ko sakanya. Agad naman siyang tumingin sa alaga niya at tinakpan iyon gamit ang kanyang dalawang kamay. Tumingin siya sa'kin ng malaki ang ngisi sa labi.
"You're so aggressive baby. Mahal ko yung alaga ko." he said and pouted. "Pero mas mahal kita." banat niya.
"See? I told you, he's not funny. He's corny." singit ni Athena tsaka niya na pinatay yung electric stove nila. "Kuya tulungan mo'ko dito."
"Pagkatapos mo'kong laitin papatulong ka?"
"Ah gano'n? MOM--"
"Joke lang!" agad na sabi ni Jaze at dali daling tinulungan si Athena. Napangiti naman ako sakanila.
"Ang sweet niyo." sabay naman nila akong nilingon dahil sa sinabi ko.
Agad na umarte si Athena na nasusuka siya. "Kadiri!"
"Sagutin mo na kasi ako para mas lalo tayong sweet." agad ko namang inirapan si Jaze.
"Nanliligaw ka ba?"
Agad namang lumapad yung ngiti niya. "Papayag ka ba?" balik na tanong niya. Agad naman akong umiwas ng tingin. "It's okay, i can make you fall inlove hanggang sa ikaw na yung manliligaw sa'kin." he said and smirked.
"You're really full of yourself." sagot ko.
Hindi ko namalayan na napatagal yung pag-uusap at pag-aasaran namin kaya 6:30 nalang ako nakauwi. Nagpresinta si Jaze na ihatid ako kaya pumayag na'ko.
Pagpasok ko sa sala ay yung apat agad yung bumungad sa'kin. May kumakain, may nanonood, may naglalaptop at may nakahiga habang nagbabasa.
"Hi Caliah, saan ka galing?" tanong ni Oliver pagkakita niya sa'kin kaya pati yung tatlo ay lumingon sa gawi ko.
BINABASA MO ANG
Strum My Pain (LBS #1)
General FictionLover Band Series #1 Caliah Vera. Pushing people away became her hobby. Simula nang mangyari ang mga insidenteng iyon sa buhay niya ay ayaw niya ng mapalapit sa mga tao. She thinks that she always bring misfortune to everyone around her. Until this...