Kabanata 6

66 3 8
                                    

Kabanata 6: Crush

"CALIAH VERAAAA, NANDITO NA YUNG BOYLET MO!" Sigaw ni Jonas, my gay friend. Agad naman akong sumilip sa labas ng room namin at nakitang naglalakad na nga papunta dito si Aiden.

"Una na'ko, kitakits sa Monday!" paalam ko sakanila at dali-daling kinuha yung bag ko sa upuan ko at lumabas na ng room.

Friday ngayon at may gig kami. Simula nung nagperform kami nung school fest nahiligan ko ng sumasama sakanila.

"Nasaan sila?" agad na tanong ko nung makalapit ako sakanya.

"Nauna na sila para maayos na nila yung set-up." agad naman akong tumango sa sinabi niya. Naglakad kami pababa ng building namin at bawat madaanan naming room ay hindi pwedeng walang nagbubulungan o tumitili ng mahina. I don't know pero after namin magperform nung school fest ang daming bali-balita na kami raw ni Aiden kaya napapailing nalang ako sa mga rumors na kumakalat.

Pagdating namin sa venue ay agad kong inilibot yung paningin ko roon. Isa iyong malaking bahay at halatang marami ng tao dahil sa dami ng mga sasakyan na naka-park sa labas. Sabi nila Aziel birthday party daw 'to ng schoolmate nila--i mean namin.

Hindi rin nagtagal ay nagperform na kami. Nung una chill lang, kantahan lang. Pero after kumain ay umakyat ulit sila doon sa mini stage para kumanta. The crowd is just so wild!

Umalis na'ko sa pwestong inuupuan ko dahil ang sakit na ng tenga ko sa sobrang ingay ng paligid. Palabas na sana ako ng gate pero biglang may humawak sa'kin.

"Hey!" bati ko.

"Hi?" nahihiyang bati niya.

"Invited ka rin pala dito." nakangiting sabi ko. Agad naman siyang natawa.

"Actually kuya ko yung birthday celebrant." she chuckled.

"Ooh, by the way you look fine na." siya yung girl na tinulungan ko noon. The girl that i saved.

"Uh, yeah. By the way I'm Athena." agad ko namang inabot yung kamay niya at nagpakilala rin.

"Caliah. Nice to meet you."

"Nice to meet you too. Gusto mo sa loob tayo? Para tahimik." agad naman akong tumango sakanya. Buti nalang at nakita niya'ko, kung hindi loner ako dito, though sanay naman akong mag-isa.

Pagpasok namin sa dining area nila ay may mga lalaki doon at nagkatinginan kami nung isang lalaki dahilan para maibuga niya yung iniinom niya.

Huwag kang tatawa self!

At dahil madaling kausap yung sarili ko ay natawa ako ng mahina dahilan para tumingin yung lalaki sa'kin.

"Kadiri ka Kuya!" agad ko namang nilingon si Athena dahil sa sinabi niya. Kuya? Kuya niya 'yon??! "Gross." dagdag niya pa.

"Uhh, Happy Birthday po." i greeted. Agad naman lumingon yung Kuya ni Athena sa'kin habang nakakunot yung noo niya at kasabay nun ay yung pagtawa ng mga lalaking kasama niya.

"Happy Birthday po HAHAHAHAHA." panggagaya nung isang lalaki sa sinabi ko. May problema ba? Tsk!

"Mom's calling you." sabi nung Kuya ni Athena.

"Hintayin mo'ko dito. Sandali lang ako." paalam ni Athena sa'kin kaya tumango nalang ako.

"Bro punta muna kami sa labas." paalam din nung mga kasama nung Kuya ni Athena kaya naiwan kaming dalawa dito sa dining area. Lalakad na rin sana ako paalis pero bigla siyang nagsalita.

Strum My Pain (LBS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon