Kabanata 4: Titig
Today is Monday. And ngayong araw magsisimula yung school fest. Wala sana akong balak pumasok kung hindi lang ako kakanta ngayon.
Unang araw ng school fest and puro competitions yung magaganap ngayon. Isang linggo 'to kaya medyo mahaba haba rin yung bakasyon ko kung hindi ako papasok.
Pwedeng mag civilian clothes dahil wala namang klase kaya i wore a black leather fitted skirt partnered with black lettuce mini crop top longsleeve. Mini crop top lang yung sinuot ko dahil school parin yung pupuntahan ko. Baka hindi ako papasukin ng guard kapag litaw yung belly part ko. Pagkatapos kong maisuot yung white shoes ko ay kinuha ko na yung sling bag ko at bumaba na.
"You look stunning, iha." si Tita Vivian agad yung bumungad sa'kin pagbaba ko. Nakabihis na siya at mukhang ready nang pumasok sa trabaho.
"Thank you Tita." nakangiting sabi ko.
"Gotta go, your Tito is waiting outside. Enjoy your day iha." hinalikan muna ako sa noo ni Tita bago siya maglakad palabas ng pinto.
"Take care Tita." sigaw ko. Aakyat na sana ulit ako para tawagin si Aziel pero narinig ko nang bumukas yung pinto ng kwarto niya. "What took you so long? We're late." pagbubunganga ko sakanya.
"I know, i know. I overslept." sagot niya tsaka niya kinuha yung susi ng sasakyan niya na nakasabit sa pader. "Let's go. Kanina pa'ko tinatawagan ng mga 'yon." nagmamadaling sabi niya kaya sumunod na'ko sakanya.
Hindi naman nagtagal at nakarating na kami sa University. Unlike tuwing pumapasok ako tuwing may klase ay konti lang yung students na nakikita ko. Pero ngayon ay makikita mo yung mga students na pagala-gala.
Hindi ko alam na may mga bitbit pa pala si Aziel kaya tinulungan ko siyang buhatin yung mga 'yon. Sinabit ko sa balikat ko yung electric guitar tsaka ko kinuha yung isang kahon na hindi ko alam kung anong laman.
"Saan tayo?" tanong ko habang naglalakad kami. Kanina pa kasi ako tinitignan ng mga students na nadadaanan namin. Hindi ko alam kung dahil 'yon sa ngayon lang nila ako nakita o kung dahil kasama ko si Aziel.
"Sa field, dun magaganap yung competition ngayong araw."
"Ha?? Hindi ba mainit doon?" gulat na tanong ko. Wala namang masisilungan don.
"Yearly ng ganito yung set-up. Aayusin lagi ng officers yung field at lalagyan nila ng stage 'yon. Masyadong marami yung students ng University na'to kaya kailangan sa open space gawin." mahabang paliwanag niya. Pagdating namin sa field ay nakita ko ngang nakaayos iyon. May stage na nakaayos at sobrang daming design ng paligid. Halatang pinag-handaan talaga.
"Yan puyat pa!" agad na bungad nila Raddix sa'min.
"Gago, sino bang nag-aya na maglaro ha?" sagot sakanila ni Aziel.
"Atleast hindi kami late."
"Hoy gago ka talaga. Wala kang kwentang pinsan, bakit pinabuhat mo kay Caliah 'tong mga 'to?" agad na kinuha ni Oliver yung bitbit ko na box tsaka niya kinuha yung Electric Guitar na nakasabit sa'kin at inabot kay Aiden.
"Anong gusto mo? Palakarin ko 'yang kahon tsaka 'yang electric guitar?" barumbadong sagot ni Aziel kaya napailing nalang ako sa pagbabangayan nila.
"Kailangan na nating kumilos, malapit ng magsimula yung program." singit sakanila ni Lyle kaya nagsikilos na sila. Agad naman akong sumunod sakanila papuntang backstage.
"Kami muna yung mauunang magpeperform Cal, tapos--"
"It's Caliah, Aziel. Caliah." pagdidiin ko. Agad namang natawa yung mga kaibigan niya.
BINABASA MO ANG
Strum My Pain (LBS #1)
Ficción GeneralLover Band Series #1 Caliah Vera. Pushing people away became her hobby. Simula nang mangyari ang mga insidenteng iyon sa buhay niya ay ayaw niya ng mapalapit sa mga tao. She thinks that she always bring misfortune to everyone around her. Until this...