Kabanata 8: Pag-iwas
Inunahan ko sa pagpasok si Aziel dahil baka sinumbong ako ni Aiden sa nangyari kahapon. Ayokong mag-almusal ng sermon sakanya kaya bumangon ako ng maaga para maunahan lang siya pumasok.
"Ano bang ginagawa mo girl? Bakit ba parang may tinataguan ka at hindi ka na natigil sa pagtingin tingin mo sa pinto ng cafeteria?" tanong ni Jonas pero hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa pagtingin sa entrance ng cafeteria.
"Tinataguan agad? Hindi ba pwedeng inaabangan? Baka naman kasi inaabangan niya si kwass!" pakikisali ni Bella. "Ang gaga kaya pala maaga umalis nung Friday dahil nakipag birthday kila Fafi Jaze!"
"Hindi ko crush 'yon. Siya yung may crush sa'kin. Nagpapicture siya dahil yun na raw yung birthday gift ko sakanya kapalit ng mga shanghai ni kinain ko. Hudas diba?" sagot ko tsaka ko ininom yung chuckie ko.
"Hudas daw. Kaya pala kumain pa kayo ng Mami nung Sabado no? Chusera ka! Paano na si Fafi Aiden kung meron ka ng Fafi Jaze?" agad ko namang inirapan si Jonas dahil sa sinabi niya.
"Bakla sainyo na 'yang mga fafi niyo." sagot ko tsaka sumubo ng fries.
"Speaking of fafis, andiyan na sila!" agad naman akong lumingon sa pintuan ng Cafeteria at nakita ko yung lima na naglalakad papunta dito sa pwesto namin. "Gaga! Ang layo pa nila pero naamoy ko na!" tili ni Bella.
Jusko, kung sesermunan mo'ko Aziel, please lang sa bahay nalang.
"Yow!" bati ko pagkadating nila sa pwesto namin. "May kailangan kayo?" patay malisyang tanong ko.
"Bakit hindi mo'ko hinintay?" tanong ni Aziel.
"M-may ginawa kasi ako kanina." pagdadahilan ko.
"Hala te, nakatunganga ka lang nga kanina e." tangina, mamatay ka na Jonas!
"Tell me the truth, sinundo ka ba niya?" agad namang tumaas yung kilay ko.
"Huh? Sino?" takang tanong ko.
"That guy, JL." sunod sunod naman yung naging pag-iling ko.
"No! Hindi ko pa nga nakikita yung lalaking 'yon e."
"Tama 'yon. Kanina niya pa nga inaabangan na pumasok e." singit ni Bella dahilan para tumalim yung titig ni Aziel sa'kin.
"Gaga ka! Hindi kaya! Huwag ka ngang maniwala sakanila Aziel. Tara na." dali daling sabi ko bago pa'ko mamatay sa tingin dito. Agad agad kong binigyan ng matalim na tingin yung dalawa bago hinatak si Aziel palabas ng Cafeteria. "I swear, hindi ko pa nakikita yung lalaking 'yon." paliwanag ko.
"But you're waiting for him, right?" agad ko namang binigyan ng masamang tingin si Raddix na nakangisi.
"Totoo ba yung chismis Caliah? Kayo na nung Jaze Limuel na 'yon?" tanong ni Oliver.
"No way!/No!" sabay na sagot nila Aziel at Aiden.
"Kailan pa naging Caliah pangalan niyo?" singit ni Lyle. "Understood pa yung kay Aziel kasi pinsan, pero yung isa OA." pang-aasar niya pa.
"Fvck you, Vidal."
"Oh c'mon Suarez."
Sumabay lang ako sa paglalakad nila hanggang sa nagpahuli ako para makatabi si Aiden.
"Hey, hindi mo sinabi sakanya?" bulong ko.
"Do you want me to tell him?" sagot niya ng hindi man lang tumitingin sa direksyon ko.
BINABASA MO ANG
Strum My Pain (LBS #1)
General FictionLover Band Series #1 Caliah Vera. Pushing people away became her hobby. Simula nang mangyari ang mga insidenteng iyon sa buhay niya ay ayaw niya ng mapalapit sa mga tao. She thinks that she always bring misfortune to everyone around her. Until this...