Kabanata 2

82 5 1
                                    

Kabanata 2: Meet the Lovers

Ngayon yung unang araw ko dito sa University kung saan nag-aaral yung pinsan ko. At dahil bago lang ako dito ay napupunta tuloy sa'kin ang atensyon ng ibang estudyante. Bago lang yung mukha ko dito kaya malamang ay maraming atensyon ang mapupunta sa'kin. At iyon ang ayaw ko.

Nandito ako ngayon sa Garden dahil dito ako dinala ng mga paa ko habang nag-iikot ikot. Medyo malayo-layo 'to kung saan yung building ko pero okay lang dahil tahimik naman dito. Lunch Time naman kaya ayos lang na dito muna ako tumambay kahit papaano. I want peace right now.

Nahiga ako sa damo dahil mukhang malinis naman 'yon. Nung una ay nasilaw ako sa liwanag ng langit pero nasanay rin yung mga mata ko kinalaunan.

"I miss you, Louie." bulong ko sa sarili ko tsaka ko pinikit yung mga mata ko at nagsimulang kumanta.

Summer after high school when we first met
We'd make out in your Mustang to Radiohead
And on my 18th birthday we got matching tattoos
Used to steal your parents' liquor and climb to the roof
Talk about our future like we had a clue
Never planned that one day I'd be losing you

In another life
I would be your girl
We'd keep all our promises
Be us against the world
In another life
I would make you stay
So I don't have to say you were
The one that got away
The one that got away

"I didn't know you could sing." tinig ng isang lalaki kaya napaupo ako ng wala sa oras.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Aiden pagkakita ko sakanya.

"Kanina pa'ko nandito. Tsaka bakit dito ka tumambay malapit sa College Building?" tanong niya habang naglalakad palapit sa'kin, bitbit ang isang gitara.

"Bawal ba dito? Sorry, hindi ko alam." tatayo na sana ako para umalis pero pinigilan niya naman agad ako.

"No, it's okay. You can stay." tumango naman ako sakanya tsaka nalang umayos ng upo.

"You play?" tanong ko sabay turo sa hawak niyang gitara.

"Yeah, malapit na kasi yung school fest and kami ng Lovers yung mag oopening number." he said. Kumunot naman yung noo ko. Lovers?

"Lovers??" takang tanong ko? Ano 'yon?

"That's our Band Name." nagulat naman ako sa sagot niya. May ganun dito? Cool!

"The Lover Band?" tanong ko. Tumango naman siya. "Bakit ganyan yung naisip niyo?"

"Ask your cousin." dahil sa sagot niyang 'yon ay nasagot na ang tanong ko. Basta kapag talaga galing sa lalaking 'yon, walang matino. "By the way, can i ask who's Louie?" natigilan naman agad ako sa tanong niya. "Boyfriend mo? Curious lang kasi The One That Got Away yung kinanta mo. Parang pinapatay mo naman." dagdag niya pa atsaka siya tumawa. "Iniwan ka ba?"

"Shut up!" sigaw ko na ikinagulat niya. "Walang nakakatawa sa sinabi mo." inis na sabi ko tsaka na tumayo.

"Hey, wait, I'm sorry. I was just askin--"

"Don't ask. Wala ka sa lugar para magtanong. Sino ka ba?" galit na tanong ko tsaka ko siya iniwang nakatayo doon. I suddenly felt a pang of guilt dahil sa inakto ko. I guess i was too harsh. Pero kung 'yun yung paraan para layuan niya'ko, mas maganda.

Natapos yung klase ko ng malalim ang iniisip ko. Agad akong lumabas ng University para hindi ko makasalubong si Aziel at Aiden. Hindi pa'ko ready na makita ulit agad si Aiden dahil sa inakto ko kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit pa rin ako pinapansin ni Aiden matapos kong tanggihan yung alok niya sa mall nung isang araw. Ganun ba talaga siya ka-persistent?

Strum My Pain (LBS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon