Kabanata 5

63 3 0
                                    

Kabanata 5: New Goal

I was lying on my bed when my phone suddenly beeped. Agad agad ko iyong kinuha sa lamesa katabi ng kama ko.

+639908******

Kailan mo babayaran
yung utang mo?

Agad namang kumunot yung noo ko dahil sa nabasa kong text message. Walang akong utang at hindi ako nang-uutang kaya agad ko ring pinatay iyon at binalik sa lamesa.

It's Tuesday and hindi ako pumasok dahil wala naman akong gagawin sa school. I don't have friends kaya mabobored lang ako doon kahit pa na may booths and such. At mukhang hindi rin pumasok si Aziel dahil late na siyang umuwi kagabi dahil uminom sila ng barkada niya. I heard na they will talk something important and sila nalang yung may alam non.

Lalabas na sana ako ng kwarto ko para mag-lunch dahil bibisitahin ko ulit si Mama sa hospital pero tumunog na naman yung phone ko kaya inis na kinuha ko ulit iyon.

+639908******

Kailan mo babayaran yung utang mo?

Mamaya mo na bayaran yung utang mo.


Wala akong utang. Stop texting
me, you're bothering me.
I don't even know you.


Hindi naman nagtagal ay agad ding nag-reply yung tao na 'yon.

Grabe naman, kahit sa text
english pa rin? :<

It's me, Aiden.


Nagulat ako nung mabasa ko yung pangalan niya. What the hell? Paano niya nalaman yung number ko??

Sinong nagbigay ng
number ko sayo?

I have my ways, madame.


Pagkatapos niyang i-text 'yon ay bigla nalang tumunog yung phone ko dahil tumatawag siya.

Should i answer it?

In the end ay wala akong nagawa kung hindi ang sagutin iyon. "What?" agad na bungad ko.

[I need your payment later.] sagot niya sa kabilang linya. Akala ko nagjojoke lang siya nung sabihin niyang A dinner with me will do. I didn't expect na he's serious about that one pala!

"May lakad ako." i said. I'm not lying though. "I will visit my mom."

[Doon ka matutulog?] he asked.

"Hindi --"

[Then it's settled, I'll pick you up. Just send me the address. And don't worry, alam na ni Aziel.] i can feel na he's smiling over the phone. Bakit ba tuwang tuwa siya? At bakit ba ganun yung naisip niyang ibayad ko when in fact na pwede naman siyang humingi o magpabili ng material things?

"Bakit ba atat ka? Hindi ba pwedeng sa susunod?"

[It's my birthday today.] agad naman akong natahimik sa sinabi niyang 'yon. [My parents are not around, and i just want accompany tonight. But if you're really busy it's okay.]

"Okay, then I'll see you later." hindi ko alam kung bakit yun yung lumabas sa bibig ko bago ko patayin yung tawag. Maybe i feel him. Gusto ko ng kasama. Alam ko kung gaano kahirap mag-isa at walang makausap. Yung feeling na sinasarili mo lahat dahil wala kang mapagsabihan. At kahit na may pagsasabihan ka ay hindi ka naman nila maiintindihan. Natatakot ako na baka husgahan nila ako. Some people will think na i am just overreacting when in fact yun talaga yung nararamdaman ko. Kaya instead of opening myself to others, why not sarilihin ko nalang?  Tutal ako lang naman yung makakaintindi sa sarili ko.

Strum My Pain (LBS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon