CHAPTER 15

7 0 0
                                    

Dre POV

Umayos ako nang upo nang may mapansin na kakaiba. Tangina! Ang alam ko horror pinapanood namin pero bakit may tumutunog na kakaiba! Lumingon ako kay Ell na nakayuko habang kumakain ng popcorn. Kinulbit ko s'ya.

"Ell, naririnig mo ba 'yon? Parang ano.." Napalunok ako. Nakanguso s'yang tumingin sa akin at tumango-tango.

"Yes. And, tignan mo 'yon... they're here to make love not to watch the movie." Pasimple n'yang tinuro ang gilid sa unahan namin.

Napanganga ako sa nakikita ko. Grabe naman 'tong mga 'to! Dapat sa kwarto 'yan ginagawa hindi dito! Mga kulang sa experience! Tsk tsk.

"'Wag mo na lang pansinin... Gusto mo panoorin mo na lang sila." Sagot ko.

"I'm distracted! And... It looks disgusting!"

"Ah oo." Tanginang ingleserang 'to. Kung hindi ko lang 'to kaibigan baka sinuntok ko na 'to.

Halos mabitawan ko ang hawak kong popcorn nang biglang may umungol ang potangenaaaa! Ano ba naman 'to! Porn room ba 'to?! Kaya ayoko pumupunta sa sinehan eh!

Lumingon ako kay Ell nang bigla itong mabilaukan. Halos matawa ako sa itsura n'ya. Para s'yang diring-diri.

"Okay ka lang?" Si Kiel habang hinihimas likod n'ya. Naku, chansing pa 'to.

"Can we go out na? Wala na akong maintindihan sa movie because of that..." Mahina n'yang sambit. Tumango si Kiel at inalalayan s'yang tumayo. Kotang-kota si koya!

Tumatawang lumabas ako ng room dahil kay Kiel. Lakas maka-chansing eh, porket wala si Nial. Pero grabe talaga 'yung kababalaghan kanina. Sinasamantala talaga nila porket walang ilaw at sobrang dilim. Pero kainggit. Joke!

Halos tumalon ako sa tuwa nang pumayag silang mag-karaoke kami. Si Kiel ulit ang nag-bayad sa lahat. Aba mapera si gago. Dumeretso 'agad ako sa song book at hinanap ang paborito kong kanta.

Ell POV

Tawa lang ako ng tawa habang pinapanood si Dre. Hindi ko masabi kung maganda ba boses n'ya o ano. Kinuha ko ang phone ko at vinideohan s'ya para may remembrance ako. Sinundan ko ng tingin si Kiel nang tumayo ito at dumeretso sa song book. Kakanta rin siguro s'ya.

"Kakanta ka, pre? Marunong ka ba?" Si Dre. Tumawa ako at sinave na ang video.

Umupo si Dre sa tabi ko at tumitig kay Kiel na nasa gitna.

"Maganda ba voice n'ya?" I asked.

"Hindi ko alam. Hindi pa 'yan kumakanta sa tanang buhay n'yan." He replied. Tumango-tango ako.

Binuhay ko muli ang phone ko para videohan din s'ya.

"Ako ba vinideohan mo?" Lumingon ako kay Dre at tumango. Ngumiti s'ya na parang ewan.

Halos mabitawan ko ang phone ko nang mag-simulang kumanta si Kiel. Boses n'ya 'yan?! Gulat akong lumingon kay Dre upang mag-tanong kung boses n'ya ba talaga 'to. Pero kahit s'ya ay tulala rin.

Hanggang sa matapos s'ya ay walang umimik sa'min ni Dre. Sinave ko ang video at mabilis na itinago ang phone ko sa bag nang tumingin s'ya sa'kin.

"Tangina mo, pre! Ang galing mo naman pala!" Sigaw ni Dre at lumapit sa kan'ya at mahina n'ya itong binatukan.

"Try lang 'yon." Sagot n'ya. Umirap ako. Yabang pa!

"Ikaw naman Ell ang kumanta." Halos mahulog ako sa couch nang sabihin ni Kiel iyon.

Umiling ako, "Hindi ako kumakanta!"

"Ang daya naman! Kami kumanta kaming dalawa." Si Dre.

"O-okay." Nag-aalinlangan akong tumayo at lumapit sa song book.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Drowned by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon