CHAPTER 1

9 0 0
                                    

Malayong lugar ang bago kong Paaralan. Napili ko itong Paaralan na 'to dahil balibalita na maganda ang pagtuturo nila sa mga studyante. Sa tingin ko nga tuktok na ng San Pedro ito, ang sabi kasi nila bundok na raw ang papunta rito.


"Bakit kasi ito ang napili n'yo Ma'am Ell?" Lumingon ako kay Kuya.

"Wala lang, gusto ko lang ng new experience." I replied. Umiling iling s'ya kaya bahagya akong tumawa. Tinuturing kong kapatid si Kuya Chan kahit na sobrang tanda n'ya na.


Unang araw ko ngayon at 12 pm ang pasok ko. Hindi na rin masama dahil hindi ko kayang gumising ng 4 in the morning!


"Goodluck ma'am Ell. Sana magkaroon ka na ng kaibigan." Kuya said, tumawa ako sa sinabi n'ya.

"That's impossible! For sure, against na naman si Mama do'n." I replied, napabuntong hininga s'ya at kumaway na lamang sa'kin.

Bigla akong nalungkot sa sinabi ni Kuya. Simula ng mag-aral ako, wala akong naging kaibigan. Dahil tutol palagi si Mama. Walang emosyong pumasok ako sa loob. Napahinto ako at napa-upo sa bench sa gilid nang mapagtanto na hindi ko alam kung sa'n ako tutungo.


Naiinitan na rin ako dahil sa suot kong uniporme. Long sleeve ito ay may vest pa! Tirik na tirik ang araw kaya sobrang init na. I sighed, tumayo ako at lumapit sa tatlong estudyante sa harap ko.


"Can I ask you something?" Gulat silang tumingin sa'kin. Sinigurado ko rin na mataray akong tignan, ayon ang turo ni Mama. Na ipakita ko sa ibang tao na gano'n ang ugali ko, kahit ayaw ko.


"Tangina pre. Sabi ko sainyo 'wag tayo sa Private eh, tignan mo... Mga englisera!" Pinigilan kong 'wag matawa sa payat na lalaking nag-salita.


"Yeah, yeah.. pano ba 'to? Ang ibig kong sabihin, you... P'wede! Ano ba sa English ng p'wede?!! Tangina, tulungan n'yo ko!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa dahil sa isa pang lalaking nag-wika.


"I'm so sorry. Hindi ko al--" Napahinto ako sa sasabihin ko ng maalala ang mga paalala ni Mama sa'kin." Never mind!" I said and rolled my eyes.

Lumayo ako sa kanila. For sure, nagulat sila sa inasta ko. Pero pinagsawalang-bahala ko na lang ito dahil ayon ang dapat.


Dre POV

Nayayamot na ako habang nag-iintay sa mga gago kong tropa. Tanghali na nga pasok, late pa din!

"Dre!" Tumatakbong sigaw ni Nial.

"Tangina mo! Nakakahiya ka, ano ka taga bundok?!" Iritang sambit ko.


"Masama ba sumigaw dito?"

"Oo, ang bobo mo talaga!" Binatukan ko s'ya." Para kang bata!"

Si Kiel na lang hinihintay namin. Alas dose na pero wala pa rin ang bugok na 'yon!


"Tangina n'yo, kanina pa kayo?" Sabay naming binatukan si Kiel na kararating lang.


"Gago ka pre!" Sabi ko. Nag-tawanan kaming tatlo.


"Oy tangina. May papalapit na dyosa!" Napahinto ako sa ginagawa ko nang kulbitin kami ni Nial. Tinignan ko ang taong tinitignan n'ya...at totoo ngang maganda!


"Tama nga, tamang school pinasukan natin!" Si Nial na nauulol na.

"Mga gago!" Singit ni Kiel

Pinigilan ko ang sarili kong mapangiti dahil hindi ko makakaila na maganda nga ang babaeng ito.

"Can I ask you something?" Aniya, umurong ang dila ko ng mapagtanto na englisera pala 'to.

"Tangina pre kausapin mo...pass na ko, 'di pala maganda." Bulong ni Nial at tinulak pa ako.

"Tangina pre. Sabi ko sainyo'wag tayo sa Private eh. Tignan mo...mga englisera!" Sabi ko, napakamot ako sa ulo ko ng mapansin na natatawa 'yung babae sa sinabi ko. Hinawi ako ni Nial at s'ya ang humarap sa babae.

"Yeah, yeah.. pano ba 'to? Ang ibig kong sabihin, you... P'wede! Ano ba sa English ng p'wede?!! Tangina, tulungan n'yo ko!" Umiwas na lang ako ng tingin dahil sa kahihiyan na sinabi ni Nial.

"Pre, tama na...mahiya ka sa angkan n'yo." Bulong ko at hinila ang vest n'ya.

"I'm so sorry. Hindi ko al---" Nagtaka kami ng huminto s'ya sa pagsasalita at iniwan kami. Problema no'n?

"Gago 'yung babae. Baliw ata!" Tumatawang wika ni Nial.


"Natakot sa mukha mo, mukha ka kasing sanggano!" Binatukan n'ya ako dahil sa sinabi ko. Nagtaka ako ng makitang tahimik si Kiel,"Tahimik ka ata Kiel. Anong problema?"


"Wala, tanga! Halika na nga." Sagot n'ya at iniwan kaming dalawa.


"Problema no'n?" Si Nial

"Tara na nga!" Tugon ko.

Magulo sa loob ng classroom, mukhang kompleto na kaming lahat.

"Sana walang englisera dito." Bulong ni Nial.

"Syempre, wala! Tignan mo nga, puro mukha ng mga kaklase natin nung grade 10. Kaumay!" Sagot ko, akala ko naman may bagong mukha akong makikita, puro pala mga makaluma.

"Kiel!" Sabay sabay kaming lumingon sa likod. Nanlumo ako ng makita s'ya.

"Hanggang ngayon ba naman kaklase pa rin kita!" Bungad ni Nial, ngumiti lang s'ya at kumaway sa'min.

"Namiss n'yo ba 'ko?"

"Sino bang makakamiss sa'yo? Asa ka pa!" Pang-asar ko." Tara na Nial!" Hinila ko na s'ya upang makahanap na ng mauupuan.


"Gagu pre...tingin ko, 'yung kaninang babae. Naaalala mo?" Aniya

"Oh? Bakit?"

"Siguro inisip no'n na...Bobo tayo kaya umalis!" Natawa ako sa sinabi n'ya.

"Bobo ka naman talaga!" Pang-asar ko

"Tangina mo!"

Ell POV

Tahimik lang akong nag-mamasid sa loob ng classroom namin. Lahat sila magkakakilala at may mga sariling mundo. Parang naligaw lang ako rito. Pero sabi nga ni mama, mag-focus lang ako sa pag-aaral at sa sarili ko.

Dumating na ang aming guro kaya natahimik na ang lahat.

"Magandang umaga mga humanista!" Pagbati n'ya." Ako nga pala si Ms. Perl, adviser n'yo. Syempre, hindi mawawala ang pagpapakilala n'yo, kaya simulan na natin sa likod." Masiglang dugtong ni Ms. Perl.

Bigla naman akong kinabahan dahil nasa pang-apat akong hilera. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito, siguro dahil ibang mukha ang nakikita ko. Nag-simula na ngang mag-pakilala ang mga kaklase ko. Kumunot ang noo ko ng mapansin na pamilyar ang lalaking nag-papakilala sa unahan.


"Nial Mendez nga pala, ang susunod na Presidente!" Sumaludo pa ito.


Pinigilan kong 'wag matawa dahil sa sinabi n'ya. Tignan mo nga naman, kaklase ko pala sila. Bigla tuloy gumaan ang pakiramdam ko.


"Hep hep hep. Nasa inyong harapan ang prinsipeng nagngangalang, Prince Dre Guzman future Police man!" At nag rock 'n roll gesture pa s'ya.


Umingay ang buong classroom dahil sa kanila. Nakakatuwa sila.

"Tangina Dre, makatang makata ah!"

Lalong umingay ang klase dahil sa kaklase kong nag komento. Pati ang aming guro'y natatawa na rin.

Nag-ingay ang lahat dahil sa sumunod na magpakilala. Why? Sikat kaya 'tong mga 'to?

Drowned by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon