Ell POV
Napangiti ako nang makita silang nasa labas ng gate, kumaway ako at lumapit.
"Hi, sino inaantay n'yo?" Tanong ko, hindi sila nag-salita at seryosong nakatingin lang sa'kin.
"Bagay ba?" Tanong ni Dre.
"Huh?"
"Nag-papractice lang kung pa'no maging seryoso..." Sagot n'ya at ngumiti. Tumango ako.
"Pasok na tayo.." Nauna akong nag-lakad, tahimik lang silang nakasunod sa'kin.
Kinabahan ako bigla nang mag-announce si Sir na mamimili s'ya ng dalawa na mag-babasa sa unahan about do'n sa ginawa naming story nung nakaraan.
"Mr. Gomez..." Pag-tawag ni Sir, s'ya ang unang nabunot.
Tumitig ako sa kan'ya, gano'n din s'ya. Tinaasan ko s'ya ng kilay. What's wrong with him?! Tumikhim s'ya bago sinimulan ang pag-kwento.
Nag-palakpakan kami nang matapos s'yang mag-basa. Maganda, maganda ang storya n'ya. Malungkot nga lang.
Ang sumunod na tinawag ay 'yung President namin. Ron ang name n'ya. His story was beautiful too. About sa mag-bestfriend.
Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko dahil break time na. Napahinto ako sa pag-aayos ng makarinig ng asaran.
"Pabili naman ng sampaguita!" Someone shouted. Lumingon ako kay Nial na huminto sa pag-lalakad palabas.
"Mag-kano sampaguita n'yo?" Dagdag pa ng isa at nag-tawanan sila.
"Tigilan n'yo na 'yan, 'di magandang biro..." Sigaw ni Drea.
Hindi umimik si Nial at nakatayo lang sa harap ng pinto.
"Hindi naman ako nag-bibiro.. totoo 'yon! Nakakatawa lang kasi, dati payaman s'ya, diba?" They laughed again."Ay sorry, nadulas.."
Anong ibig n'yang sabihin? Payaman?
Hindi umimik si Nial at tahimik na lumabas. Tumayo ako't nag-madali upang sundan s'ya.
"Nial, kain na tayo!" Masiglang pag-aya ko. Hindi n'ya ako tinapunan ng tingin.
"Kayo na lang, Ell... 'Wag mo 'kong susundan!" Malamig n'yang tugon at iniwan ako.
"Anong nang-yari?" Nag-tatakang tanong ni Dre, nauna na kasi silang pumunta sa canteen.
"Wala, wala! Cr lang daw s'ya.." I lied
Tumango s'ya at inaya na akong kumain. Tahimik lang akong kumakain, hanggang ngayon wala pa rin si Nial. Mukhang dinamdam n'ya masyado 'yung kanina.
"Nasa'n na si Nial?" Tanong ni Dre."Kanina pa tayo rito, baka na-flush na 'yon sa inidoro.."
"Puntahan ko lang.." sagot ko at tumayo na.
"'Wag na! Ako na!" Singit ni Kiel at mabilis na umalis.
Wala na akong nagawa at muli na lamang naupo.
"Wala naman s'ya sa Cr eh." Humahangos na bumalik si Kiel.
"Ha? Sabi mo Ell nasa Cr s'ya." Si Dre
"I saw him na pumasok doon eh.. Sa cr." Sagot ko.
Hindi na sila umimik at muling naupo si Kiel. Hindi na ako nakatiis pa at mabilis akong tumayo. Naagaw ko ang atensyon nila at tumitig sila sa'kin.
"Cr lang muna ako. I need to pee." I said. Tumango sila kaya mabilis akong dumeretso sa Cr.
Napatakip ako sa ilong ko nang bumungad ang mabahong Cr ng boys. Susubukan ko sanang tignan kung naroon ba si Nial ngunit napa-atras 'agad ako nang maamoy ang Cr nila. Dumeretso ako sa Cr namin at nag-hugas ng kamay. Ilang minuto pa ang tinagal ko roon dahil nag-patuyo pa ako ng kamay. Nagpasya akong bumaba upang makapunta sa court. Baka naroon s'ya. Nadismaya ako nang makitang walang tao roon. Aakyat na sana ako nang maagaw ang atensyon ko sa isang building sa harap ko. Ang clinic!
Dali-dali akong nag-lakad papunta roon. Walang nurse sa loob at puros puting tela ang nakaharang. Kumunot ang noo ko nang makita ang pamilyar na sapatos. Dahan-dahan akong lumapit doon at hinawi ang kurtina. Bumungad ang mukha ni Nial na nakapikit. Pabagsak akong umupo sa tabi n'ya at malakas s'yang hinampas sa binti.
"Aray! Potang--!" Mabilis kong tinakpan ang bibig n'ya.
"Si Ell to. You're so loud!" Bulong ko at tumingin sa likod. Nagbabakasali na may tao. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang wala naman.
Hinawi ko ang kurtina na nag-sisilbing harang at lumingon kay Nial na ngayon ay nakasandal na sa pader.
"Bakit mo pa ko hinanap.." mahina nitong sambit.
"Why? 'Wag mong sabihin na mag-cucutting class ka ha."
Tumawa s'ya.
"P'wede rin.. dadahilan ko na lang na may sakit ako... Eh ikaw? Ano idadahilan mo?"
Kumunot ang noo ko, "What?! C'mon! Let's go na. Baka malate tayo sa next subject."
"Mamaya na. Maaga pa." Muli s'yang nahiga.
I sighed, "Is it about...kanina? Just don't mind them.."
Minulat n'ya ang mga mata n'ya at tumitig sa'kin.
"Totoo kasi ang mga sinabi nila, Ell. Nandidiri at nahihiya ako sa sarili ko. Parang sinampal at binugbog ako ng katotohanan.. lahat ng mga pinagsasabi ko noon...noong nag-aaral pa 'ko ng highschool.." Hinawakan ko ang kamay n'ya nang mapansin ang luha sa mata n'ya.
"I'm really sorry." I said. Tipid s'yang ngumiti at muling naupo.
"Karma siguro 'to.. puro kasi ako kayabangan noon. Masyado akong naging kampante na may kaya kami. Mapera ba gano'n. Pero lahat nag-bago dahil sa napakagaling kong ama." Nag-iba ang tono n'ya sa huling sinabi n'ya.
"No.. 'wag mong sabihin 'yan. Everything has a reason." Hindi n'ya pinansin ang sinabi ko at tumingin sa kawalan.
"Hayaan mo na. Wala na akong magagawa. Alam mo kasi sa ngayon, mas mahirap na kami sa daga." Peke itong tumawa.
"Don't be sad. I'm here naman. Kung kailangan mo ako just ask me or tell me. Kung... Um..gusto mo mag cutting class...S-sige, sasamahan kita." Bigla s'yang tumawa sa sinabi ko.
"Sure ka ba, Ell?" Tumatawa pa rin ito. Ngumuso ako.
"Y-yeah."
"Tara na nga. Balik na tayo." Hindi na ako nakasagot nang hinila n'ya na ako.
Nakaramdam ako ng kaba nang makitang sarado na ang pinto at wala na ring tao sa canteen. Nanlumo ako nang makitang 30 minutes na kaming late para sa next subject. Natulala ako nang makitang nag-tuturo na si Sir sa loob at sa tingin ko ay naka-lock na rin ang pinto.
"Sorry." Lumingon ako kay Nial at umiling.
"No, it's okay. Nakasama naman kita and now, okay ka na." I smiled.
Naupo na lamang ako sa bilog na bench para hintayin matapos ang klase. Naupo rin si Nial sa tabi ko. Ngumiti ako sa kan'ya at umiling. Guilty pa rin kasi s'ya.
Sabay kaming tumayo nang matapos ang klase. Napalunok ako nang makitang papalapit si Sir sa amin.
"Mr. Mendez and Ms. Satairapan! Palalagpasin ko ang nangyari ngayon. Sana'y 'wag na maulit ito." Si Sir.
Nakahinga ako ng maluwag at nag-pasalamat kay Sir.
"Sorry talaga, Ell." Si Nial.
"Wala 'yon. Tara na nga." Hinila ko na s'ya papasok sa loob.
BINABASA MO ANG
Drowned by Love
Teen FictionIba't ibang storya ang matutunghayan. Iba't ibang pinagdadaanan ang matutuklasan na sa murang edad ay mararanasan. Halikana't tunghayan ang mga nakaka-antig pusong storya nila. teen series #1