CHAPTER 13

5 0 0
                                    

Ell POV

Kasalukuyan kaming nakapila sa horror booth. Dahil nga ayaw na nilang manood sa nangyayari sa court nag-aya na lang si Dre na mag-booth kami at ito ang napili n'ya.

Mahaba ang pila and I think ABM building ito.

"Nakakatakot kaya sa loob?" Biglang tanong ni Dre habang pinagmamasdan ang papalabas na grupo na pawis na pawis.

"Malalaman mo mamaya. Taeng tae ka!" Nial answered.

Bahagya akong natawa sa kanilang dalawa.

"Ikaw, Ell? Wala ka bang sakit sa puso?" Nial asked, lumingon ako sa kan'ya at umiling.

"No! Wala akong sakit..." I chuckled

Tumango tango s'ya at hindi na nag-salita. Kaming apat ulit mag-kakasama dahil si Drea ay busy pa din sa pageant, ang alam ko mamaya na 'yung talent show nila.

Napalunok ako nung kami na ang susunod, 20 pesos ang bayad at nilibre na nila ako.

"Apat lang kayo?" Tanong nang nag-aassist, college na siguro sila.

"Opo, bakit?" Si Dre na ang sumagot na ngiting ngiti ang itsura dahil hindi ko naman makakaila na maganda ang babae na nag-aassist sa'min.

"Sige, hanap pa tayo ng anim na tao. Sampu kasi dapat.." She replied.

Inutusan n'ya ang isa n'yang kasama upang mag-hanap ng makakasama namin.

"Eto na, Shine..." Napalingon kami nang bumalik na s'ya.

"Ayos 'to mga pre... Puro magaganda oh!" Dre whispered, napangiwi na lang ako.

"Uy, si Kiel oh..." Sabi ng isang babae at mahina silang tumili. Lumingon ako kay Kiel na walang pake, nakatitig lang s'ya sa sahig.

"Minsan nga takpan mo mukha mo Kiel! Panira ka talaga, hindi tuloy nakikita kagwapuhan ko.." maktol ni Dre, pinilit kong 'wag matawa sa itsura n'ya.

"Maligo ka kasi araw araw.." pang-asar ni Kiel at umiling iling.

Naputol ang pag-tatalo nila nang may dumating muli. Grupo ng mga kalalakihan.

"Kompleto na Shine!" Aniya

"Oh mag-hanap na kayo ng partner n'yo para makapasok na kayo sa loob!" Shine said while smiling.

Apat na babae kami at anim na lalaki. Lumingon ako kay Nial upang ayain sana s'ya ngunit mayroon na s'yang partner. Nalungkot ako, bakit hindi n'ya ako inaya?! Si Dre naman, masaya na sa partner n'ya.

Muntik na akong matumba nang biglang tinulak ng isang babae ang kasama n'yang babae papunta kay Kiel. Masama akong tumingin sa kan'ya, ngunit tinaasan n'ya lang ako ng kilay!

"K-Kiel p'wedeng tayo partner?" She said, napa-irap ako.

"Ayoko nga!" Masungit na sagot n'ya. Omygod, attitude! Pinigilan kong 'wag matawa dahil sa narinig ko.

"Tara na Ell.." he added, nag-tataka akong lumingon sa kan'ya.

"Ha?" Sumenyas s'ya na lumapit sa kan'ya,"Ah, okay..."

Hindi n'ya na pinansin 'yung babae kanina at hinila n'ya na ako papasok. Nakatayo kami sa harap ng pinto, bali  limang pinto, kaya pala by partner. Nakinig ako sa sinasabi ng instructor sa tabi namin. Kailangan daw namin iwan ang gamit namin, pati gadgets para hindi ma-damage sa loob. Nung matapos na kami sa pag-lalagay sa locker, binuksan na ang pinto. Napalunok agad ako ng makitang madilim sa loob at nakakatakot pala!

"Kailangan n'yong hanapin ang pinto para makalabas kayo, goodluck!" Sigaw n'ya bago sinara ang pinto. Madilim sa loob at tanging pulang ilaw lang ang nag-sisilbing ilaw namin at pakurap-kurap pa ito.

Drowned by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon