Kiel POV
Hindi ako makapag-focus sa binabasa ko dahil sa ingay ng dalawang 'to. Parang mga tanga, nagyayakapan at parang naiiyak ang mga gago.
"Kahit umiyak kayo ng dugo d'yan, tuloy ang exam." Sabi ko
"Tangina kasi. 100 items! Kung nung high school nga, 50 items lang nakaka-20 lang ako over 50! Ano pa ngayon?! Gago pre, pakopya ako!" Mangiyak ngiyak na sagot ni Nial.
"Oh eto!" Sinampal ko sa kan'ya ang reviewer ko."Walang ibang tutulong sayo kun'di ang sarili mo lang!"
"Hoy, 'wag kayong gagamit ng kodigo ha! Bagsak talaga kayong dalawa." Paalala ni Drea.
"Expert na kami do'n. Kahit anong layo pa ng upuan, BDO 'to!" Kumindat pa ang gago.
"Sige, goodluck!" Sagot ko at inagaw sa kan'ya ang reviewer ko.
Dre POV
Unang exam pa lang napakamot na 'ko sa ulo ko. Lalo akong nanghina sa nabasa ko.
"Identify and enumerate the following." Pagbasa ko pa lang alam ko ng bagsak ako, tangina parang gusto ko na lang mamatay. Walang choices amputa!
Ano kayang p'wede isagot dito? Hakdog? Halaman? Gulaman? Pwet mo may rocket? P'wede na kaya 'yan? Tanginang kagaguhan 'to.
Tahimik ang lahat, si Nial na nasa harap ko at nag-papanggap na nag-iisip kuno! Sinipa ko ng mahina ang upuan n'ya.
"Pre, sagot!" Pasimpleng bulong ko. Yumuko pa ako para 'di mahalata ni Sir.
"Tangina, ano isasagot ko dito? Walang abcd!"
Nanghina ako sa narinig ko. Wala ng pag-asa, bagsak na talaga! Bigla akong naawa sa test paper ko, pangalan lang laman. Hays!
"Psst!" Pasimple akong lumingon kay Kiel nang tawagin n'ya ako."Papel mo, akin na. Palit tayo!"
Napangiti ako at mabilis na tumango. Maingat naming pinagpalit ang papel naming dalawa. Mabuti na lang nasa likod kami. Mahina kong sinipa ang upuan ni Nial para papel n'ya naman ang ibigay ko.
"Akin na papel mo!" Bulong ko, naging success ang pinanggagawa naming tatlo. Sana walang nakakita kun'di patay kaming tatlo!
Ell POV
Wala pang sampung minuto tapos ko na ang unang exam. Tumayo na ako at pinasa sa guro namin, pagkatapos ay lumabas na ako para mag-handa sa susunod na exam. Mayroon pa akong 50 minutes kaya naupo na lang ako sa bilog na bench sa harap ng room.
Kumunot ang noo ko nang makitang nagpapasahan ng papel ang tatlo sa likod.
"They're cheating!"
Humalukipkip ako at masayang pinapanood ang tatlo. Tignan lang natin kung hindi kayo mahuli, sana galingan n'yo ng maigi.
Pumasok na ako sa loob makalipas ang isang oras. Huminto ako saglit ng makita ang tatlo na masayang nag-uusap.
"Nice cheating. Pero sana sa susunod siguraduhin n'yong walang makakakita," I said and smiled to them."Don't worry 'di ko kayo isusumbong." Gulat ang mga mukha nila kaya mas lalo akong natuwa.
Kiel POV
"Wala kayang nakakita sa'tin?" Tanong ni Nial, hindi na kami lumabas dahil magsisimula na rin naman ang susunod na exam.
"Wala 'yon, tiwala lang!" Sagot ni Dre
Sumandal ako sa pader at napaisip. Pakiramdam ko meron, merong nakakita sa'min.
"Merong nakakita," Wika ko at lumingon sa papalapit na babae.
"Tangina!" Sabay na mura ng dalawa.
BINABASA MO ANG
Drowned by Love
Teen FictionIba't ibang storya ang matutunghayan. Iba't ibang pinagdadaanan ang matutuklasan na sa murang edad ay mararanasan. Halikana't tunghayan ang mga nakaka-antig pusong storya nila. teen series #1