CHAPTER 6

7 0 0
                                    

Ell POV

"Excited na ako sa field trip!" Gigil na sabi ni Drea.

"Sana all kasama!" Singit ni Nial

"Ha? 'di ka sasama?" Tanong ko,"Ikaw pa naman gusto kong katabi."

"Joke lang, sasama ako syempre!" Tumabi s'ya sa'kin kaya umusod ako ng kaonti.

"Kiel, tabi tayo ah!" Dre said

"Hoy, ako ang katabi ni Kiel!" Singit ni Drea.

"Ako kaya!"

"Ako nga sabi!" Si Drea

"Nasa tiyan ka pa lang kaibigan ko na si Kiel!" Ganti n'ya, tumawa ako ng mahina.

"Babae ako kaya 'wag ka na makipagtalo!"

Napangiwi ako at pinanood kung pa'no sila mag-away dahil sa lalaki!

"Bakit sila gan'yan?" Tanong ko kay Nial na abala sa pag-susulat.

"Hayaan mo na lang, mapapagod din 'yan!" Aniya at tumawa."Basta sa'kin ka na, ikaw na katabi ko!" Tumawa ako at tumango.

"Tangina, tumigil na nga kayo!" Iritang sabi ni Kiel, natahimik silang dalawa."Si Ell ang katabi ko!"

Gulat akong lumingon sa kan'ya. Hindi lang ako ang nagulat kun'di kaming lahat!

"H-Ha?" Tanong ko

"Pre, ako na katabi ni Ell eh. Hanap ka ng iyo!" Singit ni Nial.

"Ikaw ang maghanap!" Sagot n'ya at iniwan kami.

Napapikit ako at hinilot ang sintido ko. Anong trip non?

"Hindi! Sa'yo ako." I said, nagulat s'ya sa sinabi ko."I mean, sa'yo ako tatabi!" And smiled at him. Tumango s'ya at muling nag-sulat.

Tuesday ngayon at wala akong pasok. Tommorow na 'yung field trip namin kaya 'eto ako kasama si Manang para mamili ng foods. Nauna na akong lumabas at dumeretso sa 7/11 para bumili ng ice cream.

Napahinto ako ng may makitang pamilyar na tao.

"Nial?" I whispered, sinundan ko s'ya hanggang sa makarating ako sa harap ng simbahan.

"Ma, ako na d'yan. Kumain na muna kayo." Rinig kong sabi n'ya. Lumapit ang may edad na ginang at inabot sa kan'ya ang hawak nito.

Nagtago ako at nag-simula nang maglakad nang makitang palapit na s'ya sa puwesto ko.

"Ell?" Napahinto ako at alinlangang ngumiti sa kan'ya.

"H-Hi!" Bati ko, tipid s'yang ngumiti sa'kin."Anong ginagawa mo rito?"

"Nag-titinda, para may pambaon bukas." Umiwas s'ya ng tingin sa'kin.

"Ha? Gano'n ba..."

"Oo eh. Sa katulad ko kasing kapos sa buhay.... Kailangan kong paghirapan lahat." He said, hindi ako umimik. Hindi alam ang sasabihin.

"Bibilin ko na lang 'yan!" Ngumiti ako sa kan'ya at nilahad ang palad ko.

"Ha? 'wag na... Baka bibilin mo lang 'to kasi naaawa k---"

"No! Hindi! Kailangan namin ng sampaguita sa bahay!" Sabi ko,"Akin na."

Napakamot s'ya sa batok n'ya at alinlangang inabot ang hawak n'ya.

"Ell!" Lumingon ako sa likod nang marinig ang matinis na boses ni Manang."Halika na, uuwi na tayo!"

"Wait lang po!"

"200 lahat 'yan!" He said, tinaas ko ang hawak ko at pinagmasdan.

"Ang dami nito... Seryoso ka?"

Drowned by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon