CHAPTER 4

5 0 0
                                    

Ell POV

Nakangiting naglalakad ako sa gitna ng court papunta sa room. Dumaan ako sa gitna mismo dahil gusto ko lang, atsaka ito lang 'yung daan na hindi crowded.

Kumunot ang noo ko ng makita ang tatlo na nasa labas ng room, at mukhang may hinihintay. Siguro 'yung friend nilang girl. Huminto ako nang harangin n'ya ang dinadaanan ko.

"What? Tutuloy mo na ba 'yung pag-sakal sa'kin?" I said while smiling

"H-Ha... H-Hindi!" Pautal-utal n'yang sagot.

"Then, what!" I crossed my arm.

"Tangina pre, bilisan mo na!" The other guy said.

"S-Sorry, s-sorry sa nangyari. Hindi ko 'yon s-sinasadya." Mabilis n'yang sagot.

"Apology accepted." I replied and winked at him."Do not cheat again, it is bad kasi." Ngumiti ako at tinalikuran na sila.

"S-Sandali... Ell!" Huminto ako at muli s'yang hinarap."Eto, para sa'yo." Inabot n'ya sa'kin ang hawak n'yang paper bag, nagtaka ako.

"Para sa'n 'to?"

"Basta, para sa'yo!" He replied, tinanggap ko na lang at tinalikuran na sila.

Hindi ko na pinansin ang mga masasamang tingin ng mga kaklase ko. Hanapin nila sa hell ang pake ko! Sinilip ko ang laman ng paper bag at bumulaga ang isang flower at chocolate. Really? I laughed and put it back.

The other day, hindi ako tumuloy sa faculty room para isumbong sila. I realized, na bigyan sila ng second chance, to change. But, I know kung sino ang nag-sumbong sa kanila. Then, yesterday I talked to Ms. Divina, our principal, about the incident. I explained everything, I lied to save them. I don't know kung bakit ko 'yun ginawa. Grrr!

Humalukipkip ako at pinagmasdan ang babaeng nakakita rin ng pangyayari. She's happy, she's laughing like she didn't do anything. Pa'no s'ya nakakatawa ng gan'yan? Amazing!

Break time na kaya inayos ko na ang mga gamit ko para makalabas. Nakaramdam kasi ako ng gutom kaya lalabas ako para kumain.

"Hi, ano kasi...gusto mo bang sumabay sa'min?" Gulat akong lumingon sa babaeng nasa harap ko.

"Ha?"

"Sabi kasi ni Nial ayain daw kita," Napakamot s'ya sa ulo n'ya at mukhang nahihiya pa.

"Ah, sige!" I replied and smiled.

She's my seatmate. Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko dahil sa nangyari. I'm happy, damn happy!

Dre POV

Kasalukuyan kaming nasa canteen habang hinihintay sila Drea.

"Tingin mo pumayag?" Aligagang tanong ni Nial.

"Aba malay ko!" Sagot ko,"Gusto mo nga 'yon 'no? Kunwari ka pa!"

"Hindi nga sabi! Baka ikaw, kamo!"

"Hoy, ang kapal ng mukha mo. Tangina mo, hindi ko 'yon bet!" Singhal ko.

"O, bat nagagalet?" Nakangising tanong ni Nial. Binato ko s'ya ng towel  at pinakyuhan. Babaliktarin pa!

"Ayan na sila oh," Singit ni Kiel at tumuro sa likod.

"Tangina kinakabahan ako, baka buhusan ako ng tubig. Gano'n ginagawa sa t.v diba?" Aniya

"Ewan ko sayo Nial, kapag 'di ako nakapagpigil ako magtatapon ng tubig sa'yo!" Irita kong sagot.

Ell POV

"Salamat ha..." Nagtatakang lumingon ako sa kan'ya.

"Ha, para sa'n naman?"

"Balita ko kasi, dahil sa'yo 'di sila na expel." She answered,"Mga gago kasi 'yan, akala siguro nasa highschool pa kami." Tumawa ako ng mahina sa sinabi n'ya.

Drowned by LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon